Chapter Ten

461 19 111
                                    

Hindi alam ni Zyren ang dapat maramdaman. Kasalukuyang nasa isang coffee shop sila ni Leanne. Nakipagkita ito sa kanya para ibigay nito ang desisyon sa dalawang bagay na ini-offer niya dito noong Graduation Party.

Umiwas na lang siya ng tingin para hindi magpakita ng kahit anong weak emotion. "So this is it? You don't want to go with me. Okay, naiintidihan ko, Leanne. Maganda din naman iyong opportunity na binigay sa'yo ng tito mo. At least you will be working with a relative. Nakakalungkot lang, magkakalayo na tayo."

He heard her sobbed and that broke his heart. Binalingan niya ito. Nakatungo lang ito at umiiyak.

Lumipat siya sa katabing upuan nito. Then he held her chin. Umiiwas ito pero sinubukan niyang ipakita nito sa kanya ang mukha nito. "Look at me, Leanne."

"I don't want to see you hurt," sambit nito.

"I don't want to see you like that, too."

Tumunghay ito. He managed to wipe her tears away. "Don't cry. Seven years lang naman ako do'n. Pagbalik ko, saktong nasa marrying age ka na. Magpapakasal na tayo."

Tinampal nito ang balikat niya. "Hindi pa nga kita sinasagot, kasal na iyang sinasabi mo."

"Sagutin mo na ako habang may isang linggo pa ako dito," ungot niya.

She intently stared at him. "Zyren, ayoko ng long distance relationship."

Natigilan siya. Another thing to break his heart. Mukhang maba-basted na naman siya. "Are you turning me down again?" Nilakasan niya ang loob.

"No!" maagap na sagot nito na ikinaluwag ng pakiramdam niya. "I just don't want to commit a relationship with you na malayo tayo sa isa't isa."

Pumikit siya ng mariin at saka muling tinitigan ito. "If only I could stay here. God knows, I will. Am I going to lose you again, Leanne? Ang hirap naman nito, mahal kita e."

"Alam kong mahirap. But we need to take this risk. You will never lose me. I assure you, you have my heart, Zyren."

"Mahal mo ako?"

"Keep your promise that you will come back after seven years. Hihintayin kita," bagkus ay sambit nito. Tumayo na ito at bumitaw sa kanya. "Kapag walang nagbago, magpapakasal ako sa'yo."

"Hindi ba tayo pwedeng mag-chat, mag-email, magtawagan?"

Umiling ito. "Let's take the test of time. Basta bumalik ka." Niyakap siya nito. "Mag-iingat ka do'n. Always keep me in your heart. I'll just be here waiting, okay."

Gumanti siya ng yakap dito. "I'll be back, promise!"

Iyon na ang huling pagkikita nila bago siya umalis ng bansa.

After almost eight years.

"SIGURADO ka bang sa badminton court?" Hindi talaga makapaniwala si Leanne sa sinabi ng secretary niya. Ang bago niyang wirdong prospect investor sa hotel na iyon ng tito niya ay nagpa-schedule ng client meeting sa badminton court. Fresh from Hawaii pa ang Pilipinong kliyente nila na waring may saltik dahil mukhang nampa-power trip lang.

"Oo, iyon ang sabi niya. Gusto daw niya sa badminton court kayo mag-usap."

Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay lumabas na sila ng opisina. Naglalakad na sila papunta sa likod ng hotel building na pinaglalagyan ng pool at badminton court.

"Nina, nakakaloko na ang taong ito ha. Una, nagbigay siya ng proposal na hindi niya pinirmahan o hindi man lang inilagay ang pangalan niya. Tapos ngayon, gusto niyang mag-business talk sa badminton court. Baliw ata iyon," sabi niya sa sekretarya.

Love Story by Headlines (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon