01: REJECTED

334 25 15
                                    

Marinette's point of view

Alam na alam ko naman talaga na kapag sinabi ko sakanya yung tunay kong nararamdaman, sinusugal ko rin yung samahan namin biglang magkaibigan.

Alam ko rin na may chance talagang masira ang pagkakaibigan namin dahil alam kong hindi ako ang gusto niya.

"Marinette."

Ayokong tumingin sakanya. Dahil sa pananalita palang niya, alam ko na kung anong gusto niyang sabihin.

"I'm sorry but I love someone else."

Masakit man pero triny ko pa ring ngumiti sa harap niya. I tried to be as cheerful as I can be. Pero pag-alis ko, hindi ko na napigilang umiyak.

Alam ko namang wala talaga akong pag-asa... Pero bakit pa ako sumubok?

Binura ko yung luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Siguro nga, mas maganda na habang maaga pa.

Mas masakit kasi kapag pinatagal ko pa. Atleast ngayong alam ko nang wala na talagang chance, mapipilitan akong magmove on agad. It's now or never.

"Marinette." Napatingin naman ako kay Tikki na kanina pa pala ako kinakausap. Grabe, kanina pa pala ako nandito sa kwarto, mukhang malalim nanaman itong iniisip ko. "Okay ka lang ba, Marinette?" Ramdam ko rin ang awa sa boses ni Tikki.

Pero imbes na umiyak, ngumiti ako. "Oo Tikki, okay na ako."

Kailangan kong tatagin ang sarili ko dahil hindi ko maiiwasan si Adrien. Magkikita pa naman kami tuwing klase. Kahit gusto ko pa siyang iwasan ay hindi ko siya maiiwasan.

Yumakap si Tikki sa pisngi ko. "Alam kong masakit, Marinette pero h'wag kang mag-aalala. Makakalimutan mo rin siya."

Ngumiti ako.

Right, Masakit siya sa ngayon pero kapag tumagal na, mawawala rin ito.

Ramdam ko ang pagvibrate ng cellphone ko na nasa bulsa, kinuha ko naman 'to t'saka sinagot.

"Marinette? Okay ka lang ba?" Napabuntong hininga naman ako sa pagbungad ng nag-aalalang Alya. Ang bilis talaga ng chismis.

"Okay lang ako, Alya."

"Kalat na kalat sa buong school ang pag-amin mo kay Adrien. Kagagawan ng bruhang inggit na 'yon." Nanggigigil na sabi ni Alya. Medyo natatawa nalang ako sakanya. "H'wag kang magpapadala sa mga sasabihin ng empaktang Chloe na 'yon. Lagi mong tatandaan na may karamay ka lagi."

Napapangiti ako sa pagiging the best na bestfriend ni Alya.

Tama siya, hindi dapat ako papairal sa lungkot. Baka maging biktima ako ng akuma.

Ngumiti ako t'saka ako tumayo sa pagkakaupo ko sa kama ko. "Don't worry. This feelings won't break me! I'm proud! I'm confident! I'm Marinette!"

Narinig ko ang pagtawa ni Alya mula sa kabilang linya. "Yeah, girl. I knew it. Oo pala, gustong-gusto kitang puntahan ngayon. Kung pwede lang sana ay magteleport na ako papunta dyan sa bahay niyo kaso may family dinner kami ngayon kasama ang buong pamilya ko at ni Nino."

Tumawa ako. "Ano ka ba, okay nga lang ako. Magkikita naman tayo bukas sa school."

"Yes girl. Talagang babawi ako sa'yo bukas. Sige girl, I need to go." And she hang up.

Napahinga naman ako ng malalim at ibinalik ang tingin kay Tikki. "H'wag kang mag-aalala, Tikki. Mawawala rin itong sakit."

Niyakap nanaman ako ni Tikki sa pisngi, "I'm so proud of you, Marinette."

🐞🐞🐞

Adrien's point of view

"Plagg, claws in."

Pagkadetransformation ko, Ibinagsak ko naman ang aking sarili sa malaki at malambot kong kama. Si Plagg naman ay dumiretso sa bowl na may lamang camembert na nakapatong sa mesa ng computer ko.

"Congratulations for breaking your FRIEND'S heart." Pambungad ni Plagg sa'kin sabay kagat niya nung kesa.

Umupo ako sa pagkakahiga ko. "Ano bang magagawa ko? Hindi naman sa gusto ko siyang ipahiya sa harap ng maraming tao. Hindi ko naman ginusto yun." Napatingin naman ako sa naglalakihang posters ni Ladybug na nakasabit sa pader ng kwarto ko. "It's just that, I love someone else."

Alam kong nasaktan si Marinette. Experience ko na rin naman kasi yun. Pero kahit ireject pa ako ni Milady, that won't stop me from loving her.

"So anong gagawin mo kay Marinette?"

Napahiga ulit ako sa tanong ni Plagg. Ano nga ba?

"Siguro kausapin ko ulit siya bukas."

"Bigyan kita ng advice, kid." Napatingin naman ako kay Plagg. "Paano kung tanggapin mo nalang yung feelings ni Marinette bilang Adrien at mahalin mo naman si Ladybug bilang Chat Noir?" Sinamaan ko naman siya ng tingin. Akala ko talaga for the first time ay matutulungan na ako ni Plagg sa problema ko. It turns out na sobrang pangit ng plano niya.

"Walang pagmamahal dun, Plagg. Pagsisinungaling ang tawag dun." Tinitigan ko yung poster ni Ladybug. "Ayokong pumasok sa isang relasyon na puro kasinungalingan. I want to be true, lalong lalo na kay Ladybug." Ngumiti ako. "Kapag dumating sa punto na inlove na sa'kin si Ladybug. Hindi na ako magdadalawang isip na ipakita ang tunay na ako. I want to love Ladybug not only as Chat Noir. Also as Adrien."

Nakita kong napaface palm si Plagg. "Okay... Okay... Tapos ka na? Ubos na kasi yung camembert ko."

Really...

🐞🐞🐞

Sorry guys kung maikli ☹️ Try kong bumawi sa next page.

To be continue...

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon