Marinette's point of view
"Marinette? May problema ka ba?"
Napatingin naman ako kay tikki na nakaupo sa unan ko. Napaub-ob naman ako.
Alas 3 na nga ng gabi, hindi pa rin ako makatulog.
Kanina ko pa naiisip yung tungkol sa nangyari kanina.
HINALIKAN KO SI CHAT! AS IN AKO ANG HUMALIK!
Tinatakpan ko yung mukha ko dahil kahit hindi na ako tumingin sa salamin, alam kong namumula ang mukha ko.
"Tikki, sa tingin mo, nagugustuhan ko na ba si Chat?"
Parang mali kasi.
Nagmomove on palang ako sa pagiging broken hearted ko kay Adrien, ngayon naman ay magkakagusto ako kay Chat.
Parang ang bilis naman ata?
Huminga ng malalim si Tikki. "Sige Marinette, kapag nakikita mo si Adrien, anong nararamdaman mo?"
Napaisip naman ako at agad na sumagi sa isipan ko lahat ng sagot sa tanong niya.
"Kapag nakikita ko si Adrien, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ng tibok nito, nakakalimutan ko lahat ng gusto kong sabihin. Ganun naman siguro kapag mahal mo talaga ang isang tao."
Huminga ng malalim si Tikki. "E si Chat? Kapag nakikita mo si Chat, anong nararamdaman mo?"
Napahiga ako ng maayos t'saka ako tumitig sa kisame.
"Kapag naman nakikita ko si Chat, nagiging masaya ako. Sa nagiging samahan namin, nagiging magaan ang loob ko. Napapagaan niya ang loob ko. Minsan nakakalimutan ko na may problema ako--" napatigil ako sa pagsasalita nang ngumiti si Tikki.
"Ngayon Marinette, May napapansin ka ba sa nararamdaman mo?"
Pumikit ako. "Hindi ko alam, Tikki. Feeling ko pareho lang." Kapag naiisip ko tuloy si Chat, bumibilis na rin ang tibok ng puso ko.
Sumimangot si Tikki. "Pasensya na Marinette pero hindi na kita maaaring tulungan pa."
Niyakap ko si Tikki. "It's okay, Tik--"
Natigilan kami ni Tikki nang makarinig kami ng malakas na pagsabog. Nagkatinginan kaming dalawa t'saka kami sabay na tumango.
"Tikki, spots on!"
🐞🐞🐞
Adrien's point of view
"Kid? KID!"
Napatingin naman agad ako kay Plagg na kanina pa pala tumatawag sa'kin. Tulala na talaga ako hanggang makauwi ako kanina. Actually, madaling araw na nga e. Ewan ko pero napapaisip talaga ako sa nangyari kanina.
Napahawak ako sa labi ko. "Did we just kissed?"
Hindi ko matanggal sa isipan ko 'tong nangyayari. No, it can't be. May gusto naman sa'kin ngayon si Mari as Chat?
"Gaya nga ng sabi-sabi, kiddo. The one who comforts a broken hearted girl, will be the one who will most likely she will be falling."
Napatigil ako sa sinabing iyon ni Plagg. "May iba kasi Plagg." Napatingin siya sa'kin. "I kissed her back."
Namumula yung mukha ko sa hiya. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Bilang Chat Noir, marami akong natutunan kay Mari. Para bang mas nakikilala ko siya. Napansin ko rin na mas komportable siya sa iba, except sa'kin as Adrien.
![](https://img.wattpad.com/cover/182266499-288-k33306.jpg)
BINABASA MO ANG
FALL FOR YOU
Fanfiction[TAGLISH VER.] The story started when Marinette confesses her feelings for Adrien. Inspired by: Miraculous: Tales of Ladybug & Chat Noir English Ver. - SOON