04: KISS

178 14 2
                                    

Marinette's point of view


Desidido na talaga ako.

Na makakamove on din ako!

Lahat ng mga posters at mga picture frame ni Adrien ay maayos kong inilagay sa isang malaking bag. Maayos ko talaga itong tinanggal sa pader para hindi mapunit. Balak ko rin kasing ipamigay ang mga ito para sa iba pang fans ni Adrien.

Alam ko kasi na lalo akong hindi makakamove on kapag lagi kong nakikita yung mukha niya sa buong kwarto ko.

I think this is one step to move on.

Actually nagsearch ako, kaso mukhang hindi siya masyadong effective kaya ang naisip kong gawin ay nagpatulong ako kay Alya, at isa raw sa mga effective na dapat kong gawin ay tanggalin or alisin lahat ng mga bagay na magpapaalala sakanya.

Kahit masakit sa loob ko, binura ko lahat ng mga nakatago niyang pictures sa cellphone ko na siya palang dahilan kaya lagi akong nauubusan ng space sa memory card.

And before I knew it, nakakapanibago pala.

Lalabas na sana ako para isantabi lahat ng mga pictures niya nang makarinig ako ng katok mula sa itaas.

Pumunta naman ako doon para tignan kung sino 'yon.

"Good evening, Princess."

"Chat?"

Pinaloob ko naman agad si Chat sa kwarto ko. Nakita kong napatingin siya sa paligid.

"Nakakapanibago right? Inalis ko na yung mga pictures ni Adrien dito sa kwarto ko." Ngumiti ako. "I'm starting to move on."

Nakita ko namang napangiti siya unti. "G-good for you."

Umupo kami sa sofa at naghanda ako ng cookies na pagsasaluhan namin ni Chat.

"Alam mo ba na sinabi ko kay Adrien na magmomove on na ako sakanya." Tahimik lang siyang nakikinig sa'kin. Medyo nagiging komportable naman ako na kasama siya. "At sinabi ko na didistansya muna ako sakanya. Ewan ko pero ang sakit." Hindi lang siya nagsalita. "Siya ang partner ko para sa valentines ball. Okay lang naman sa'kin. Hahaha. Dahil sa panahong iyon, wala na akong nararamdaman para sakanya---"

"Marinette..." napatingin naman ako kay Chat na seryosong seryosong nakatingin sa'kin. "Paano pag... biglang nahulog ang loob ni Adrien sa'yo sa araw na nakamove on ka na?"

Napatigil naman ako sa biglang tanong ni Chat. "I..." Napaisip din ako. Tama nga siya, Paano kapag nakamove on na ako. Tas bigla siyang nahulog sa'kin. "I don't know. Siguro hindi ko na kasalanan yun. Siguro pagdumating yung araw na yun, baka susuportahan ko nalang siya as a friend." Dahil sa isapan namin ni Chat, di ko napansin na naiiyak nanaman ako.

Hindi na talaga ako nahihiya kay Chat. Kasi madalas si Chat ang nakakakita ng weak side ko na hindi ko maaaring ipakita sa iba. Masyado na talaga ata akong komportableng kasama si Chat. Parang medyo umiiba na yung tingin ko sakanya. Parang hindi na siya yung chessy at corny na Chat kapag kasama niya si Ladybug.

"Ikaw pala, kamusta na kayo ni Ladybug?"

Umiwas siya ng tingin. "It's been day 2, hindi ko pa siya nakikita. Buti nga at wala namang akuma attack na nagaganap." Napangiti siya. "Ladybug is also a human. May iniisip din siguro siya."

"Yeah." Nasabi ko nalang.

Pagkatapos nun ay nagkwentuhan nalang kami ni Chat ng mga bagay-bagay. At napagtanto ko na marami pala kaming pagkakaparehong dalawa. Favorite games, artist, foods, vacation plans. Hanggang sa nauwi kami sa paglalaro ng video games na pareho rin naming gusto. Lalong naging magaan ang loob ko sakanya.

And before we knew it, late na pala.

"I think, I need to go. It's too late." Sabi ni Chat.

Aalis na sana siya nang bigla nalang gumalaw mag-isa ang katawan ko.

Hinila ko yung braso ni Chat dahilan para mapalingon siya at dumampi ang labi namin sa isa't-isa. Ilang segundo bago maghiwalay ang aming mga labi.

"B-bye, Princess."

T'saka umalis si Chat.

OMG!!!!

THIS CAN'T BE HAPPENING!!!

🐞🐞🐞

Ang sad kasi ang ikli :(

To be continue...

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon