02: GUILT

215 16 14
                                    

Same day...

Adrien's point of view

Gaya ng kinagawian, pagsapit ng gabi, nagpatrol ako sa buing Paris. Chineck ko yung baton ko, kaso walang sign ni Ladybug. Could it be na busy siya ngayon? Hindi naman sa lagi siyang nagpapatrol tuwing gabi. Nagkakasalitan kami sa patrol. May times na ako lang, may times din na siya lang. Pero ngayon ay toka naming pareho. May ginagawa siya? O baka naman malalate?

Kaso matatapos na akong magpatrol ay wala pa rin si Ladybug, nagsend agad ako sakanya ng voice record.

"Milady, kung may balak ka pang magpatrol the moment na mareceive mo 'tong VC, everything is clear." Ng may medyo pagkalanding boses.

Pagkatapos nun ay tumalon-talon lang ako sa mga bubong hanggang sa matanaw ko ang medyo familiar na babaeng nasa balcony ng bahay nila.

May guilt man akong nararamdaman, lumapit ako sakanya. Gulat naman siyang makita ako.

"Kakatapos ko lang magpatrol." Sabay kindat ko sakanya. "Nakakaistorbo ba ako?" Umiling siya. Kaya tumabi ako sakanya. "Kamusta?" Tanong ko sakanya.

"Mukha ba akong okay?" Nagulat siya sa sinabi niya. "Sorry. Hindi sa nagsasarcastic."

"Okay ka lang ba?"

Ngumiti siya kaso habang tumatagal ay may luha nang namumuo sa kanyang mga mata. Hanggang sa umiyak na siya.

"Sorry for being weak. I tried to be strong and all. But It turns out that I'm still weak."

Hindi man niya sinabi pero niyakap ko siya.

Hindi ko alam pero halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Guilt? Yeah. Dahil ako ang dahilan kung ba't siya umiiyak.

Hindi naman si Marinette ang may kasalanan. Siguro nga kung siya yung una kong nakilala, baka sakanya ako may gusto. Kung pwede lang sana na si Marinette nalang at hindi na si Ladybug para fair ang lahat.

"I'm sorry." Yun nalang ang nasabi ko.

Pinapat ko lang yung likod niya habang humihikbi siya. Hanggang sa bigla nalang bumuhos ang ulan, pinaloob na rin ako ni Marinette sa loob ng kwarto niya.

"Feel free to roam around." Sabi niya sa'kin. Ngumiti ako sakanya kaso napatigil ako nang mapatingin ako sa...

Namula naman agad yung mukha niya. Basang-basa kasi yung t-shirt niya. Medyo bumakat yung suot niyang bra. Kumuha naman siya ng t-shirt sa kabinet. Nabigla ako nang hinubad niya yung t-shirt niya sa harap ko.

Nakita ko agad yung 'di kalakihang sugat sa bandang bewang niya. Agad din niyang sinuot yung tshirt na inilabas niya kanina lang.

Kahit hindi ko na tignan yung mukha ko sa salamin, alam kong namumula ako.

"K-kung magpapalit ka, pumunta ka naman sa cr!" Sabay takip ko ng mukha ko. Medyo nahihiya kasi ako. Kapag may nakakita lang ng sitwasyon kanina, baka sabihin nilang napakamaniac ko.

"Ano namang mali? 'Di ko naman pinakita sa'yo lahat."

"Kahit na! Lalaki pa rin ako. Basta ipangako mo nalang na hindi mo na uulitin 'yon."

"Hindi ko pa nagagawa 'yon sa iba. I changed infront of you because I trust you at dahil na rin mas madali."

Medyo napatigil naman ako sa sinabi niya.

Ano bang pagkakaiba nun? Dahil ba superhero ako?

"So sinasabi mo na may tiwala ka sa'kin dahil superhero ako?"

"Yes. And I know you than anybody else."

Lalo akong natigilan sa sinabi niyang iyon. Kinalma ko nalang yung sarili ko. Hindi na kasi kami matatapos kung patuloy lang kami sa pagbangayan. Lalo akong natigilan nang makita ko yung naglalakihang posters na nakasabit sa pader niya at mga picture frames na nakapatong sa mesa ng computer niya. Namula rin ang kanyang mukha nang mapansin niyang nakatingin ako doon.

"K-kilala mo di ba yung sikat na si Gabriel Agreste? S-siya yung anak niya." Medyo nahihiya niyang sabi pero nakatingin lang ako sa mga posters ko na nakadikit sa pader. "Siya yung love of my life ko kaso kanina lang..." yumuko siya. Nakaramdam nanaman ako ng guilt. Bigla siyang tumawa. "Don't worry. Alam ko naman na balang araw ay mawawala rin ang sakit na nararamdaman ko. Siguro lalo lang nahulog ang loob ko kasi ang bait-bait niya. Napakaperfect niya sa lahat ng bagay." Tumingin ulit siya sa poster. "At ang gwapo niya."

Napakagat ako ng labi. "M-mukhang mahal na mahal mo talaga siya."

Tumango siya. "Siya ang isa sa mga inspiration ko sa lahat. Pero..." lumapit siya sa poster at unti-unti itong inalis sa pagkakadikit sa pader. "I need to stop this."

Nasasaktan ako para kay Marinette.

"Pero kahit pa man nireject ka niya, You will stay as his friend, right?"

She faked a smile.

"I don't know anymore."

Before I knew it...

I lost a precious friend.

🐞🐞🐞

To be continue...

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon