Adrien's point of view
"Wake up, kiddo!"
Nagising naman ako sa sinabing iyon ni Plagg.
"Adrien, Mag-ayos ka na. 1 hour from now, papasok ka na sa school. May gusto ring sabihin sa'yo si Mr. Gabriel." Narinig ko naman sabi ni Nathalie mula sa labas ng kwarto.
Bumaba naman agad ako pagkatapos kong mag-ayos at naabutan ko si dad sa may sofa sa sala na nagbabasa ng dyaryo. Napatigil naman siya sa pagbabasa ng dyaryo nang mapansin niyang andun ako. Medyo napalunok naman ako kasi seryosong seryoso yung mukha niya.
Could it be na nalaman niyang tumakas ako kahapon para makita si Mari?
"Adrien." Tawag ni dad t'saka siya lumapit sa'kin.
Napapikit ako. Ineexpect ko naman na papagalitan ako. Pero imbes sermon ang makuha ko, isang yakap mula sakanya ang natanggap ko.
"Dad..."
"I'm sorry." Panguna niya. Napatigil naman ako. "Sorry dahil nawawalan na ako ng oras sa'yo. Sorry din dahil nagiging estrikto ako sa'yo. Alam mo naman na ginagawa ko 'to lahat para rin sa'yo. I want the best for you." Hindi ko alam pero naiiyak na ako sa sinasabi ni dad. Isa lang naman kasi ang hiling ko. 'Yon ay bigyan niya ako ng oras at bigyan niya ako ng kalayaan. "From now on, You can go to your school with or without your service. You can also meet up with your friends after school. But contact Nathali---" 'di palang siya natapos sa sinasabi niya, niyakap ko agad siya ng mahigpit.
"Thank you dad. Masama lang ang loob ko kasi parang lumayo ka na sa'kin ever since mom disappeared. Feeling ko, hindi lang si mom ang nawala, pati ikaw." Ramdam na ramdam ko rin ang pagyakap ni dad sa'kin. 'Di ko na mapigilan yung luha ko. "Thank you dad."
🐞🐞🐞
Third person point of view
Pagkatapos ng madramang eksena ni Adrien at ng kanyang ama, sabay silang nag-almusal. Nagkakwentuhan din sila sa mga bagay-bagay. 'Yon lang talaga yung time na nagkaroon sila ng bonding na ganito after nung pagkawala ni Emily Agreste. Pagkatapos nun ay hinatid pa ni Gabriel si Adrien sa labas ng mansion para makita si Adrien na sumakay sa service nito.
Nang makaalis na ito, lumapit si Nathalie kay Gabriel.
"Hindi mo naman siguro iniisip saktan si Adrien?" Medyo may pagkaconcern na tanong ni Nathalie. Kahit pa man na nalaman nila na si Adrien at Chat Noir ay iisa, hindi pa rin mawawala sakanya na si Adrien ay itinuturing niyang parang isang anak kahit pa man isa lamang siyang hamak na sekretarya ng kanyang ama.
Umiling si Gabriel at tumingin sa direksyon kung saan dumaan yung sasakyan na naghatid kay Adrien sa pinapasukan nitong eskwelahan.
"Of course not, Nathalie. Hindi ko na kayang saktan si Chat Noir gayong nalaman ko na siya at si Adrien ay iisa." Lumoob na siya sa office niya t'saka siya umupo sa upuan kung saan siya usually umuupo. "Let Adrien do what he wants. Because Adrien, my son, will lead me to where Ladybug is..."
🐞🐞🐞
Marinette's point of view
Medyo lutang ako sa buong klase. Iniisip ko kasi kung anong problema ni Chat. Magkasama kami buong gabi pero alam na alam ko na medyo matamlay siya.
"Marinette, Hello?" Nahimasmasan ako nang tinatawag na ako ni Alya. Kanina pa pala niya ako tinatawag.
"Sorry, Alya. Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko."

BINABASA MO ANG
FALL FOR YOU
Hayran Kurgu[TAGLISH VER.] The story started when Marinette confesses her feelings for Adrien. Inspired by: Miraculous: Tales of Ladybug & Chat Noir English Ver. - SOON