08: JEALOUS CAT

194 10 3
                                    

Marinette's point of view

Ilang araw na ang nakalipas matapos yung gabing muntik nang ipagtapat sa'kin ni Chat ang nasa likod ng kanyang maskara.

'Yon din ang huling araw na nakita ko siya. 'Di na muli siyang bumisita sa rooftop or rather, bahay namin.

Naiisip ko na baka busy lang yun. T'saka alam ko naman na as a human, medyo may pinagkakaabalahan din siya.

"Marinette." Napatingin naman ako kay Alya dahil sa pagbulong niya. Nakaupo kami ngayon sa mga upuan namin at hinihintay ang pagdating ng science teacher namin. Usually, sa science lab kami naglelesson ng science. Ewan ko lang kung ba't andito kami ngayon sa klasrum namin. Sinenyasan ko naman siya ng 'tell me' "Nakapagreview ka ba sa science? Naalala ko na ngayon na nga pala yung exam para dun."

"MAY EXAM NGAYON!?" Nagulat naman kaming lahat ng biglang isigaw yun ni Nino, who turns out to be listening to our conversation. Medyo natakot naman yung mga kaklase namin.

Sakto nun ang pagpasok ng science teacher namin. "Good morning, students!" Bati niya sa'min.

Medyo napahinga naman kami ng malalim nang iexplain sa'min na walang exam na magaganap kundi group project na by two members.

Sinimulan nang banggitin ng science teacher yung mga kagroupmates namin, hanggang sa natawag narin yung pangalan ko.

"Marinette and Juleka." Napatingin naman ako sa bandang likuran kung nasaan si Juleka. Nginitian ko siya t'saka ako nagthumbs-up.

"Alya and Adrien."

Doon ko lang napansin na wala nga pala si Adrien sa tabi ni Nino.

Kinalabit ko si Nino, "Alam mo ba kung nasaan si Adrien?"

Umiling siya. "Hindi ko rin alam e. Triny ko siyang i-contact kaso di sinasagot yung tawag."

Medyo napapaisip naman tuloy ako kung nasaan siya. Ewan ko pero nagiging concern na ako sakanya.

After ng buong klase namin, kinausap ako ni Juleka at napag-isipan namin na sa bahay namin kami gagawa ng project. Kaya umuwi naman agad ako para makapag-ayos pa sa bahay.

🐞🐞🐞

Adrien's point of view

Pagalit kong pinapatugtog yung piano.

"Kiddo, pwede ka naman sigurong magpahinga muna sa pagtugtog ng piano, kanina ka pa d'yan."

Tumigil ako sa pagtugtog at ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.

I'm grounded.

Yung time na magkasama kami ni Marinette at muntik ko nang maamin sakanya na ako si Chat, 'yon din yung time na may lakad din sana kami ni dad. Dahil hindi nga ako sumipot sa usapan, hindi ako pinapalabas ni dad. Pagkatapos ng klase ay diretso agad sa bahay. Tas every 1 hour ay lumoloob si Nathalie para icheck kung andun ba ako or what. Hindi ako pumasok ngayon dahil nagpanggap akong masakit yung tyan ko pero in reality ay gusto ko lang tumakas. Nahuli ako ni Gorilla kaya naman pinarusahan akong tumugtog ng piano every 1 hour.

"Gusto kong lumayas dito." Medyo pagod na pagod kong sabi. Di ko na gaanong maigalaw yung daliri ko dahil na rin sa kanina pa ako tumutugtog ng piano.

Naiisip ko tuloy si Marinette.

Namimiss ko siya. Gustong-gusto ko siyang makita pero hindi talaga ako makagawa ng paraan para makatakas dito sa bahay.

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon