06: TWO MOST LONELY PEOPLE

182 13 5
                                    

Marinette's point of view

Ilang araw na ang nakalipas, wala na masyadong akuma attack, wala na rin masyadong patrol. Pagkatapos ng nangyaring sumbatan, hindi na rin ako nagpatrol. Hindi rin nagpapakita sa'kin si Chat.

Sabado ngayon pero wala akong masyadong ginawa. Tanghali na rin nung bumangon ako kaya tinitignan ko nalang ang paglubog ng araw dito sa itaas ng balcony namin.

Chat... Okay ka lang kaya?

Pagkatapos din ng nangyari, hindi ko na matanggal sa isip ko si Chat. Lalo akong nag-aalala.

"Ang tanga-tanga mo kasi, Marinette. Hays!" Sabi ko sa sarili ko t'saka ko inuuntog-untog ang sarili ko.

Nakarinig ako bigla ng tawa. "Hindi ka tanga, Mari. In fact, you're awesome." Napatingala agad ako at nakita ko si Chat, bumaba naman siya mula sa bubong. "Nakakaistorbo ba ako?" Umiling ako.

"L-long time, no saw--- ah! See!"

Natawa naman si Chat dahil sa sinabi ko.

Gosh. Eto nanaman tayo sa tongue tie ko.

"Oo nga, pasensya na ha. Naging busy ako."

Napatingin ako sa likod niya para makita kung okay lang ba, kaso mukhang natakpan ulit ng costume yung sugat niya.

"O-okay lang." Sagot ko.

Huminga siya ng malalim. T'saka siya tumingin sa'kin. Napangiti siya. "Tara, sama ka sa'kin, may pupuntahan tayo." Hindi na ako nagdalawang isip, binuhat niya ako na para bang bagong kasal t'saka niya inilagay ang mga kamay ko sa leeg niya. "Siguraduhin mong nakakapit sa sa'kin ng mahigpit, okay?" Tumango naman ko t'saka pumikit.

Ilang minuto ng pagtalon-talon ni Chat ay nakarating na rin kami sa destinasyon.

"Wow." Yun nalang ang nasabi ko.

Napangiti siya. "Ang ganda dito noh?"

Isang malaking harden na puro bulaklak at punung-puno naman ng bituin sa kalangitan.

"I've never been in here."

Ngumiti siya. "Of course, Ako lang ang nakakaalam ng lugar na 'to." T'saka siya umupo sa damuhan. Nakiupo na rin ako sa tabi niya. "Alam mo ba, dito ako lagi pumupunta kapag may mga problema ako. Kapag nakikita ko yung magandang kapaligiran na 'to at ang mga bituin sa langit, nakakalimutan ko lahat ng problema ko."

Tumingin ako sakanya. "M-may problema ka ba?"

Alam ko naman na meron. Pero tinanong ko pa rin dahil gusto ko mag-open din siya sa'kin gaya ng pag-open ko sakanya.

Ngumiti siya pero alam kong peke. "Nag-away kami ni Ladybug." Hindi ako umimik. "Siguro kasalanan ko rin dahil hindi ko nagamit ang cataclism ko sa tamang oras kaya nadulas si Ladybug. Pero okay lang naman ako." Hindi ako nagsalita. Hinihintay ko lang yung susunod niyang sasabihin. "Pero sa tingin ko, wala akong pagsisisihan. Siguro tama na ring mahalin ko si Ladybug. Sa sobrang pagmamahal ko kasi sakanya, nakakalimutan ko na yung sarili ko." Nginitian niya na ako. Yung sobrang gandang ngiti. "Kaya masaya ako dahil unti-unti ka na ring nakakamove on kay Adrien."

Ngumiti na rin ako.

Oo. Siguro nga nawawala na ang nararamdaman ko kay Adrien kasi andito si Chat.

Para bang magnet. Nagkatitigan kami ni Chat hanggang sa hindi sinasadya, unti-unting lumapit ang pareho naming mga mukha t'saka nagdampi ang aming mga labi.

Hindi ko alam kung gaano katagal kami nagstay na ganun. Nang maghiwalay kami, hinawakan ni Chat ang magkabila kong pisngi t'saka niya ulit ako hinalikan.

Ramdam na ramdam ko ang pagkasincere niya.

Nahulog na nga talaga ako ng tuluyan sa lalaking 'to.

🐞🐞🐞

To be continue...

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon