07: SECRET

177 10 8
                                    

Adrien's point of view

"Adrien, after ng klase mo, susunduin ka ng driver mo at may pupuntahan kayo ni Mr. Gabriel Agreste." Pagkatapos akong pagsabihan ni Nathalie, sumakay agad ako sa kotse.

Nakangiti lang ako.

"I will finally see my girlfriend." Nakangiti kong sabi sa sarili ko.

Ewan ko. Ganito ata kapag talagang inlove ka. Kinikilig ka nalang kahit pa sa maliliit na bagay basta tungkol sakanya.

"Baka gusto mo ring alalahanin kita? Girlfriend yun ni Chat Noir, hindi ni Adrien Agreste." Tinago ko naman agad si Plagg sa bag ko nang lumingon sa'min si Gorilla (nickname ko sa driver). Pagkatapos nun ay sinamaan ko siya ng tingin si Plagg.

Pero kung sabagay, may punto naman si Plagg. Girlfriend ko si Marinette as Chat Noir, hindi bilang Adrien.

Medyo napapaisip tuloy ako. Sa tingin ko, kailangan kong sabihin kay Marinette kung sino ang nasa likod ng maskara ni Chat Noir.

Kapag tinago ko kasi ito, alam kong magagalit siya. At alam ko rin na sooner or later ay malalaman din ni Marinette kung sino talaga si Chat.

Pero napapaisip ako kung tama ba na sabihin ko sakanya.

May possibility kasi na magalit siya sa'kin.

Kapag iniisip ko yun, parang ang hirap sa parte ko na magsabi ng totoo. Pero mas masakit din siguro sa parte niya pag siya mismo ang makakaalam. Para na rin akong nagsisinungaling sakanya or rather, nagsisinungaling na ako simula pa nung una.

Pagkababa ko ng sasakyan.

"Dude!" Nagfist bump kami ni Nino.

"Hi Alya!" Bati ko kay Alya.

"Hi Adrien."

At nadako ang tingin ko kay Marinette na katabi lang ni Alya.

Hindi ko gaanong napapansin pero ang ganda pala talaga ni Marinette.

"H-hi Mari." Medyo nahihiya kong bati sakanya.

Ngumiti siya. "Hello Adrien." Bati naman niya.

Inakbayan ako ni Nino. "Oo pala, dude. Sinabihan kami kanina ni Mr. Director na ngayon na ang magiging dance practice para sa nalalapit na valentines ball kaya didiretso tayo sa gymnasium."

"O-okay..." napatingin naman ako kay Marinette na nakatingin din sa'kin.

Grabe... Ang awkward.

Sabay-sabay na kaming apat na dumiretso sa gymnasium. Andun na sa gymnasium ang majority sa klase.

"Hintayin nalang natin yung iba, then let's start." Sabi ng dance instructor. Kaya naupo muna ako sa mga upuan sa dulo, napansin ko na andun din si Marinette kaya lumapit na ako sakanya t'saka naupo sa tabi niya.

"Okay lang ba?" Tanong ko sakanya.

Ngumiti siya t'saka tumango.

Medyo kinakabahan ako. Masaya ako na nakamove on na siya sa'kin pero paano nalang kapag nalaman niya na ako at si Chat ay iisa... Mawawala rin ba kaya ang nararamdaman niya sa'kin as Chat?

"Adrien..." nabalik naman ako sa sarili ko nang magsalita si Marinette. "S-sorry nga pala sa inasal ko last days. Alam kong ang OA ko. Pero kalimutan na natin yun. T'saka naging mabuti kang kaibigan, kaya kung okay lang sa'yo, sana magstay ulit tayo as friends."

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ito na ba kaya yung chance para umamin ako?

Hinawakan ko yung braso ni Marinette. "Mari, ang totoo kasi nyan..."

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon