Simula

33 2 0
                                    

   Madilim at maraming nagkalat na mga taong hindi makaugaga sa paglakad ang nagkalat sa lansangan ng Shanghai. Kinakailangang makarating ng pamilyang Feng sa paliparan upang makalayo na sa nasabing lugar. Wala pa silang partikular na paroroonan. Tanging mga pasaporte, Visa, at lakas ng loob ang tangi-tangi nilang bitbit para sa kanilang pangingibang-lugar.

   Nang makarating sa paliparan ng Shanghai ay nagplano muna sila kung saang bansa sila maaaring tumuloy. Pilipinas, Taiwan, at Japan na lang ang posible nilang puntahan sa ganitong dis-oras ng gabi. Wala nang mga eroplanong humihimpapawid pa sa iba't-ibang bansa sa mga oras na ito. Masuwerte na lamang sila dahil mayroon pa silang pagpipilian kahit papaano.

   "Mayroong pinamanang bahay sa akin ang tatay bago ito mamaalam. Nasa Maynila ito pero hindi ko lang alam kung nasa maayos na kondisyon pa rin ito at maaari pang tirahan." singit ni Mr. Feng sa gitna nang paguusap nilang mag-anak.

   "Kung gayon, edi doon na lang tayo pumunta at manatili sa sandaling panahon. Hindi na tayo ligtas dito. Nalaman na nila kung saan tayo nakatira sa Shanghai, ang tanging paraan na lamang para hindi nila tayo matagpuan ay ang lumipad sa ibang bansa." Sagot ni Mrs. Feng.

  "Kung saan kayo, Ma, Pa, doon ako." Nakangiti namang tugon ni Sao na halata na ang pagkapagod at panlalata sa mga mata nito.

   "Ayos na tayo doon, tama ba? Tara na't maghabol na tayo nang oras. Malapit nang lumipad ang eroplano papuntang Pilipinas. Hindi nila tayo dapat maabutan. Huli na ang lahat." Payo ni Mr. Feng na kanina pa gahol na gahol sa mabilis na pagsibat ng kanilang pamilya kani-kanina lamang.

"Flight TC444 is now boarding."

Hindi na napigilan ng anak nilang si Sao ang grabeng pagkapagod. Pagkaupong-pagkaupo nito sa loob ng eroplano'y umidlip agad ito.

"Pasensiya na, anak ko. Magiging maayos din ang lahat. Titigilan din nila tayo." Mahinang sambit ni Ginang Feng sa natutulog nitong anak habang hinihimas-himas ang ulo nito na nakasandal sa balikat niya. Abala naman si Ginoong Feng sa pag-aayos ng kanilang mga bagahe.

Lumipas ang isa't-kalahating oras nang paglipad ay nakarating din ang eroplanong kanilang sinasakyan sa paliparan ng Maynila.

"Prepare for landing. This is Flight Tc444 landing on Gate 48 of Philippine Airways."

"Anak, gising na. Nakababa na tayo nang ligtas. Tutuloy na tayo." Nakangiti at mahinhing boses nang ina ang nagpagising sa mahimbing na diwa nang anak nito na si Sao Feng. Dala-dala na ni Mr. Feng ang mga bagahe nila at hinihintay nalang ang panilya na tumayo sa kanilang kinauupuan.

"Huminto muna tayo sa madadaanan nating Cafe at mag-almusal kahit kaunti. Alam kong pagod na pagod ka, anak ko. Kaya bibilhan kita nang paborito mong Honeydew na lagi mong inoorder noong nasa Shanghai pa tayo." Nakangiting anunsiyo nito sa pamilya at lalo na sa anak nito.

Nagkusot-kusot muna nang kaniyang mata si Sao bago tumugon sa ama.

"Sige ba, Pa," nakangiti ring sagot nito.

Ginulo naman nang kaniyang ama ang kaniyang buhok at nagtawanan bago umalis. Nalulugod si Ginang Feng sa sitwasyon nila ngayon ngunit hindi pa rin siya pinapakampante ng kaniyang loob tungkol sa buong kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Ciao, SaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon