Ikapito

11 1 0
                                    

Mabuhay! Welcome to Aparri!

Humigit kumulang limang oras nang binabaybay ng magkaibigan ang ilang mahahabang kalsada sa Pinas, ngunit sa wakas, batid ni Maria na malapit na sila patungo sa mga katotohanan.

   "Bff! Wala pa ba talaga tayo sa location ng pinagbagsakan ng eroplano? Hindi ba baka lumagpas na tayo? Huhu, pagod na ako. Superrrrr!" hinaing ni Jess sa kaibigan niyang seryoso at taimtim na tinitingnan ang daan upang walang malagpasan na kahit ano.

   "Kumalma ka lang d'yan, Bff. Malapit na tayo,' maikling tugon ni Maria rito.

   "Sus, gaano kalapit ang malayo?" singit pa ni Jess bago tuluyang bumalik sa ginagawa niya kaninang pakikinig ng musika na nanggagaling sa kaniyang 'earphones' mula sa phone nito. Si Maria naman ay bumalik sa pagbibigay ng atensyon sa mga daan na binabaybay nila patungo sa magbibigay sa kanila ng mga kasagutan.

   Ilang sandali pang katahimikan at kapayapaan ay muli nang umingay ang kaninang payapa at tahimik na sasakyan nila Jess at Maria.

   "Manong, Manong! Iliko mo po 'tong sasakyan doon sa maraming nakaantabay na 'rescue mobiles' at ambulansya."

   "Okay po, Ma'am."

   Tuwang-tuwa naman ang matalik na kaibigan ng dalaga dahil sa wakas ay narating na rin nila ang kanina pa nilang gustong puntahan na lokasyon.

   "Thank you, Lord!" - Jess

   Agad na bumaba ng sasakyan ang magkaibigan matapos ihinto ng drayber ang sasakyan nila sa itinurong lokasyon ni Maria rito. Nababalot ng napakakapal na usok ang buo at eksaktong lokasyon. Tila isang bangungot para sa lahat ang lahat ng bagay na makikita at mararamdaman sa lugar na ito.

   "Uh, Ma'am, kayo po ba si Miss Te Cruz? Sorry to say, Ma'am pero wala po talaga yung victim na sinasabi niyo rito. We searched for him po since na binalita sa'min ng staff yung hinahanap niyo, pero nowhere to found po siya. Baka po nagkakamali lang kayo-"

Hindi na nasikmura pa ng dalaga ang mga sinasabi ng namamahala sa mismong insidente kaya nagsalita na agad siya bago pa man matapos ito sa pagsasalita.

Pinigilan ni Maria ang sarili mula sa lungkot at inis na gustong sumabog sa loob niya sa mga oras na 'yon.

"No," ang tangi nalang na nasambit ni Maria bago mabilis na tumakbo upang siya ang maghanap sa katawan ng lalaking pinakamamahal niya.

"Ma'am! Tumigil po kayo. Hindi po kayo pupwede d'yan!"

"Bff!!! Umalis nalang tayo, bumalik ka na rito. Hindi natin mahahanap si Sao sa lugar na 'to."

Hindi nagpatila ang dalaga sa mga boses na humahadlang sa kaniya sa kagustuhan niya na matagpuan at mayakap ang malamig nang katawan ni Sao.

Gagawin niya ang lahat, madala lamang siya ng mga paa niya patungo sa hindi niya malamang masaklap na katotohanan.

   Tumambad kay Maria ang napakaraming mga bangkay na nababalot ng mga puting tela ang katawan habang ang mga mukha ng ito ay kita upang mabilis na ma 'identify' kung sino ang nasawing biktima. Hinagilap niya sa ilang daang mga bangkay ang imahe at mala-anghel na hitsura ng binata ngunit wala sa mga ito ang nagsasabi o nagpapakita man lang na kasama sa mga ito ang hinahanap na minamahal ni Maria.

Hindi na nakayanan pa ng dalaga ang sobrang emosyon na kanina pa gustong sumabog sa loob-loob niya. Agad na binawian ng lakas at katatagan ang dalaga dahilan para mahimatay ito kaagad. Mabuti na lamang at mayroon nang mga ambulansya na nakaantabay sa pinangyarihan ng insidente kaya hindi na naging mahirap pa para sa kaibigan nito na dalhin siya sa pinakamalapit na ospital.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ciao, SaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon