Ikaanim

4 0 0
                                    

   Limang taon na ang nagdaan..

   "Miss Philippines, you're up next to Miss Peru. Please stand by."

Hindi na mapakali mula sa kinatatayuan niya si Maria. Kung ano-anong mga bagay na ang ginawa niya upang mapahinahon ang sarili ngunit parang walang epekto ang mga ito. Nagtatatalon na siya at sumayaw pa pero ang tensiyon at nerbiyos ay nasa kaniya pa rin. Parang talon na rin ng pawis ang mga palad niya. Handa naman siya bago umalis ng Pinas upang lumaban sa kompetisiyong ito ngunit iba pa rin sa kaniya ang pakiramdam kapag nasa mismong pangyayari na.

"Miss Philippines, please come out on stage." Itinuro na ng amerikanang staff ang daan patungo sa entablado na daraanan niya.

Inayos niya na ang sarili mula sa kaniyang tindig at postura upang hindi halata ang pagiging kabado niya sa mga oras na iyon. Inilabas na rin niya ang matamis niyang ngiti na magtatago ng lahat ng nerbiyos na taglay niya. Huminga siya ng malalim at sa oras na ihakbang niya ang paa niyang may suot na mataas na takong ay handa na siya.

"Maria Engracia Te Cruz, 21, Philippines!"

Sinalubong agad siya ng nakakasilaw na mga ilaw na nakatutok sa entablado. Sinusundan siya nito at sa bawat paghakbang niya papalapit ay siya namang paglakas ng mga sigawan at suportang nagmumula sa mga manonood lalo na ng mga kalahi niyang Pilipino. Nagpalakas ito ng kaniyang loob na dahilan upang biglang mawala ang kaninang kaba't nerbiyos na iniinda niya. Pinaglaruan ni Maria gamit ang nakakabighani at nakakaakit na lakad niya ang buong entablado ng Museyong Tsina na ito. Mayroong malamig at madulas na musikang tumutugtog sa likod na sumisimbolo sa bansang ito na lalong nagpaangat ng mga ulo ng mga nanonood upang tunghayan ang mayuming dalagang tila nagsasabog ng masayang pakiramdam sa buong kapaligiran.

"Miss Philippines loves travelling. She was onced promised herself to travel the entire world just by her own. She also wants to become a writer and publish a book one day that will tell everything that she loves on earth. Whether it's a lovely place or a lovely person. Once again, Miss Philippines!"

Lahat ng mata at atensiyon ngayon ay nasa kaniya nang marating niya na ang dulo ng entablado. Pawang isang diyosa siyang naglabas ng ngiti para sa lahat. Tiningnan niya ang mga manonood niya sa abot ng kaniyang makakaya. Nang may isang pamilyar na mukha ang nahagip ng dalawang mata ng dalaga. Sa mga sandaling iyon ay hindi na siya makawala sa pagkakatitig sa magandang pagkakasingkit ng mga mata nito. At kahit na nakasuot ito ng itim na itim na 'hoodie' ay hindi pa rin maitatago ang kakisiging tinataglay ng indibiduwal na nakakatitig sa kaniya. Pawang bumabalik na naman ang lahat ng pakiramdam na maaari niyang taglayin sa mga oras na makita niya ang binatang minamahal. Nais man niyang hindi kumawala sa masidhing tinginan nilang dalawa ngunit hindi pupwede dahil may isang kandedata pang susunod sa kaniya. Kaya naman mabilis siyang nawala sa entabladong iyon at dumiretso sa likurang-bahagi nito kung saan naghahanda at naghihintay ang iba pang mga kandedata mula sa iba't-ibang bansa. Dali-dali siyang naghubad ng takong sa mga paa niya at sinuot ang makapal niyang panlamig na sinamahan niya ng makapal ring sumbrero upang hindi siya makilala ng iba. Mabilis siyang tumakbo patungo sa labasan ng museyo at pumasok sa harapang-bahagi nito upang hanapin at makausap na rin ang binatang naiwan niya sa bakasyon ng pagiging disi-otso aniyos niya.

   Halos matumba na siya dahil sa bilang ng mga manonood sa museyong iyon. Hinagilap niya kung saan-saan si Sao ngunit kahit anino nito ay hindi na niya makita pa. Hindi siya sumuko at nagpatuloy siya sa pagsisid sa dagat ng mga tao. Ilang sandali na lang bago ang susunod na parte ng kompetisyon pero hindi niya ito inisip at naging mapagmasid pa sa paligid.

Ciao, SaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon