Ikatlo

5 0 0
                                    

Alas-dose na ng hating-gabi. Bumaba si Sao mula sa kuwarto niya upang uminom ng tubig. Nadaanan niya sa salas ang dalaga. Laking gulat niya nang makita niya itong gising at nakatulala sa kawalan.

Nilapitan niya ang dalaga upang alamin kung bakit ito nagkakaganito.

"Anong problema?" Tanong ni Sao.

"Wala." Matipid na sagot ng dalaga.

"Alam ko may problema ka, ano nga 'yun?" Pagtatanong pa ulit nito.

Tiningnan ng dalaga ang binata sa mga mata nito bago magsalitang muli. Nagsimulang umagos ang kakaunting patak ng mga luha sa malambot na pisngi ng dalaga. Nakatulala pa rin ito sa kawalan.

"Nakakalungkot lang dahil may mga bagay tayong naiwan sa nakaraan na kahit kailan, alam nating hindi na babalik pa." Pagsisimula niya.

"Naaalala ko pa noong buhay pa si Papa. Bata pa ako noon. Masaya, walang problema, at inosenteng ako ang pagkakakilala ko sa sarili ko." Sunod pa nito.

Tahimik namang nakaupo si Sao sa bangkong nakapuwesto sa gilid ng sofa at taimtim na nakikinig sa salaysay ng dalaga.

"Pero nang mawala siya..."

"Naging impyerno ang buhay ko."

Ang kaninang mga patak lamang ng mga luha ang bumabagsak sa balot ng sofa ay agad napalitan ng mga luhang mabibigat na sakit ang dala-dala. Lumakas ang pag-agos ng mga luha nito. Gusto sanang tapikin ni Sao ang likuran ng dalaga kaya lang ay takot siya sa mga pupwedeng mangyari.

At batid niyang hinding-hindi mangyayari iyon.

Sa wakas ay tumugon na ang binatang si Sao sa walang-humpay na pag-iyak ng dalaga.

"Hindi ka na mag-iisa." Sagot niya.

"Alam kong nangyayari ito dahil siguro'y malungkot ang Ina mo sa pagkawala niya ng kaagapay sa pagpapasaya sa iyo." Sunod pa niya.

"Nandito na ako para palitan ng saya ang lungkot mo. Huwag ka na sanang umiyak." Pahabol pa nito.

Sa pagkakataong ito, inilapat ni Sao ang malambot niyang kamay at mga daliri sa malambot na pisngi ng dalaga upang punasan ang mga hinanakit nito. Pumatak ang huling luhang pinunasan ni Sao kasabay ang pagkislap nito sa maliwanag na buwan. Nagsimulang umambon ng bahagya kasama ang buwan at mga bituin sa kalangitan. Huminto ito at pinalitan agad ng pagsikat ng araw.

"Huwag ka nang malungkot." Ang sabi pa niya sa dalaga.

Nagtama ang mga mata nila ngunit agad na kumawala rito ang dalaga at nag-ayos-ayos na. Hindi siya dapat maabutan ng mga magulang ng binata sa ganitong eksena.

Tumayo ang dalaga at pinlatsa ang gusot niyang damit gamit ang banayad niyang mga kamay. Sunod ay ipinusod niya na ang kaniyang buhok.

Dumiretso naman si Sao sa kusina upang uminom ng isang baso ng tubig. Nakarinig ang binata ng pagbukas ng pintuan at nang silipin niya ang salas ay wala na roon ang dalaga. Ang papasikat na araw sa malamig na amihan ng umaga ang naiwan sa kaninang puwesto nang dalaga. Ibinaba ni Sao ang hawak na babasaging baso at umupo sa isang sulok. Siya naman ang nakatulala ngayon. Tila malalim pa sa karagatan ang iniisip.

"Magandang umaga, anak." Bati ni Mrs. Feng sa anak. Kasalukuyan ngayong nagkakape at nagbabasa ng diyaryo sa Mr. Feng. Nagkakamot-kamot naman ng kaniyang ulo ang binata. Umidlip ito pagkatapos ang pangyayari kanina. Napahaba ang pahinga nilang mag-anak kaya tanghali na silang nagising.

Alas-diyes ngayon ng umaga at agad umalis ng higaan ang binatang si Sao. Dumiretso siya sa lababo at naghilamos ng kaniyang malambot at mamula-mulang mukha. Nagbihis agad ito at dali-daling bumaba ng hagdan.

Ciao, SaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon