Ikalawa

11 0 0
                                    

Saktong alas-singko ng hapon nang sila'y makauwi. Medyo basa ang kanilang mga katawan kaya't pagkauwing-pagkauwi ay nagbuhos ang mag-ina nang kaunting tubig at uminom nang tatlong baso nito.

Sinimulan na ni Mr. and Mrs. Feng ang pagsasaayos nang kanilang titirahan. Hinati nila ang gawain. Si Mrs. Feng ang bahala sa paglilinis habang si Mr. Feng naman ang bahala sa pagkukumpuni. Dahil may alam na kakaunting putahe na galing sa Tsina ang binatang si Sao ay siya ang nakatoka sa pagluluto nang kanilang hapunan.

Binuklat ni Sao ang paper bag na kinalalagyan ng mga pinamili nilang mga rekados. Pinagisipan niyang mabuti ang pagpili mula sa mga binili nila kanina nang kaniyang ina ang gagamitin niyang sangkap sa pagluluto. Limitadong mga sahog lamang ang nasa loob ng paper bag kaya nahirapan siya sa hapunang lulutuin. Matapos ang ilang mahabang minuto nang pagpaplano ay nakaisip na ito nang ihahanda.

Isang mainit na noodle soup ang inilapag ni Sao sa mesa ng kusina. Saktong-sakto para sa panahon. Wala pa ring humpay sa pagbuhos ang ulan. Tinawag na ni Sao ang kaniyang mga magulang na kasalukuyang nagpapahinga galing sa pagaayos nang kanilang bahay. Hindi pa tapos ang pagkukumpuni't paglilinis nila ngunit palubog na ang araw kaya minabuti nilang ipagpabukas ang naiwang mga gawain.

"Wow, ang sarap naman nito kahit simpleng sabaw lang, anak ko. Hula ko'y binud-buran mo ito ng pagmamahal habang inihahanda mo, tama ba?" Natatawang papuri ng kaniyang ina sa niluto niyang hapunan. Patuloy ang paghigop nang kaniyang ama sa sabaw. Natawa-tawa na lamang si Sao sa kaniyang Ina't Ama.

"Ang tibay talaga ni Papa, kahit na mainit hindi tinatablan ang dila niya." Nasambit ni Sao habang pinapanood ang paghigop nito sa inihanda niya.

"Masarap kasi, anak. Uubusin ko ito. Tamang-tama at nakakapagod ang araw na'to." Nakangiting tugon ni Mr. Feng sa pasabi nang anak.

Natapos nang maghapunan ang mag-anak. Si Sao na lamang ang nagboluntariyong maghuhugas nang mga pinagkainan dahil na rin sa pagod ang mga magulang niya. Alas otso na ng gabi. Madilim na ang langit at pumapatak pa rin ng katamtamang lakas ang ulan. Mayroong bagyo ngayong nakapasok sa loob ng bansa kaya baka bukas pa tumigil ang kalangitan sa pag-iyak ng mga tubig ulan.

Nagpunas nang kaniyang mga kamay si Sao pagkatapos niyang urungan ang mga kagamitan sa pagkain. Nagising ang diwa ni Sao nang makarinig siya nang isang malakas na lagabog ng pintuan sa kanilang kapit-bahay.

"Mama!!! Patawarin mo na po ako. Ayokong matulog ngayon sa labas. Malamok ngayon dito at malamig ang sahig. Mama!!!" Umiiyak na boses ng isang babae.

"Mama!!! Hindi ko na po uulitin!Papasukin mo lang po ako ngayong gabi." Sunod pa nito.

"O, ayan. Mga damit mo! Humanap ka na nang tutulugan mo ngayong gabi, malandi ka!" Wika ng isang babae na mahihimigang mga nasa trenta pataas na ang edad. Ito siguro ang kaniyang ina.

"Mama, please po! Mama!" Pahabol ng babae bago isara muli nang kaniyang ina ang pinto at hayaan siyang manigas sa lamig. Dumungaw si Sao sa bintana upang usisain ang mga kaganapan sa labas.

"Ano ba yang pamilyang yan, hindi na nagpapatulog. Parang sila lang nakatira dito. Mga peste." Sambit ng isang babae na kapit-bahay din nila Sao.

"Hayaan mo na yan, mga walang pakiramdam. Ang laki-laki na ng anak, pinagmamaltratuhan pa nang ganiyan." Singit pa ng isa.

Lalong naintriga ang diwa ni Sao sa mga naririnig. Lumabas siya ng tahanan nang may bitbit-bitbit na dalawang payong. Isa para sa kaniya. Isa namang hawak-hawak niya.

Ilang sandali pa'y mga paghikbi nalang ng dalaga ang maririnig sa malamig na lansangan ng subdibisyon.

Agarang lumapit si Sao sa kinaroroonan ng dalagang humihikbi at inabutan ito ng payong na kanina niyang dala-dala.

Ciao, SaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon