Una

19 0 0
                                    

"Uhm, can I please have an order of Honeydew and two orders of Lychee?" Bungad ni Mr. Feng sa counter ng pinuntahan nilang Shop. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw pero ang pag-gising ng mga tao sa mga bangketa ng Binondo ay nakakagulat. Marami nang mga bukas na negosyo ang makikita sa sidewalk. Kasama na ang pagdagsa ng ibat-ibang mga taong may kani-kanilang hinahabol na oras. Mas hindi makaugaga na lugar kaysa sa Shanghai.

"Yes, sir. Will be serve in some couple of minutes. You may have your seat with your family right on there while waiting for your orders. Thank you." Masayang tugon ng kahera sa kaniya.

Umupo muna sa tabi ng kaniyang mag-anak si Ginoong Feng at nagusap-usap tungkol sa mga bagay-bagay. Tulad ng mga negosyong maaari nilang itayo habang pansamantalang naninirahan dito, paaralang tutuluyan ni Sao, at ang lugar na kanilang lilipatan.

Walang anu-ano'y dumating na ang kanilang mga order. Kinuha ni Sao ang binili sa kaniya ng kaniyang ama, pero pagod pa rin ito kaya hindi masyadong naging bibo ang paghigop sa straw ng nasabing Frappe. Tiningnan at inusisa agad siya ng kaniyang mga magulang.

"Ayos ka lang ba talaga, anak?" Usisa ni Mrs. Feng. "Kung hindi, sa daan mo na lamang ubusin yang binili ko sa'yo at tumuloy na tayo sa pamamalagian muna natin sa ngayon habang hindi pa ligtas na bumalik ng Tsina." Payo ng ama nito.

Tumango-tango na lamang ito sa harap ng kaniyang mga magulang at nilisan na nila ang Coffee Shop na dinaanan nila.

Nakarating na sila sa subdibisyong kinatatayuan ng bahay na ipinamana kay Mr. Feng ng kaniyang namayapa ng ama.

Habang binabay-bay nila ang papasok ng Metro ay nabunggo si Sao ng isang nagmamadali at mukhang malayo pa ang pupuntahang dalaga na natapon pa ang iniinom ng binata.

"Hala!!! Pasensiya na po, pasensiya na po. Nagmamadali ho kasi ako, pasensiya na ho. Finals na po kasi namin ngayon at hindi ko po makukuha ang una kong subject kapag nahuli ako sa klase. Pasensiya na po." Pinagpapawisang nasambit ng dalaga sa mag-anak na naperwisyo niya. Imbis na mainis ay natuwa pa ang mag-asawang Feng sa inasal ng dalaga sa harapan nila. Makikita ang lubos na pagpapatawad nito at ang paggalang sa mukha nito.

"It's fine." Ang wala na lamang na emosyong tugon ni Sao sa paghingi nang tawad ng dalaga.

"Ayos lang hija, mapapalitan naman namin ang inumin ng aming anak ngunit hindi mo na pupwedeng mahabol ang mailap mong unang subject sa araw na ito." Sambit ni Mrs. Feng sa dalaga. Nakatanaw lang naman si Mr. Feng sa nangyayari ngayon.

"Talaga po? Salamat po!!! Utang na loob ko po sa inyo kapag nahabol ko ang first exam na itetake ko ngayon." Bawi ng dalaga.

"Osiya, sige. Mauna ka na at mauuna na rin kami. Mag-iingat ka at sana'y maabot mo ang mga pangarap mo." Tugon ni Mrs. Feng sa pawis na pawis nang dalaga bago kumaway rito at tumungo na.

"Ma naman. Why did you treat her like that after all?" Banggit ni Sao sa ina habang naglalakad patungo sa bahay na tutuluyan nila.

"'Cuz she's kind, I guess. And beside of that, I think she's so consistent to get and pass her exam eh." Tugon nito sa anak.

"Fine po." Pasimangot na tugon ni Sao kay Mrs. Feng na halata ang pagkainis sa mukha.

"Home sweet home." Masayang bungad ni Mr. Feng sa pamilya nang buksan nito ang pinto ng antigo at punong-puno ng mga alikabok at mga sapot na pintuan. Bakas ang pagkawalang alaga ng mga huling tumira sa bahay na ito. Ngunit ang karangyaan ng buong tahanan ay makikita pa rin. Napapalibutan ito ng iba-ibang mga berdeng halaman at napalilibutan ng mga punong nagbibigay lilim sa palibot nito. Mukhang maliit na mansiyon kung titingnan.

   Inilibot ni Sao ang mga mata niya sa kinatatayuan ng kanilang tutuluyan. Namangha ito nang bahagya dahil sa mga disenyo at pundasyon nito na mukhang matibay at matatag.

   "Konting ayos at linis lamang dito ay magmumukha na ulit itong bago." Banat ni Mr. Feng.

   "Mamayang hapon ay pupunta ako ng mall para bumili ng mga panglinis at materyales para rito. Anak, magpahinga ka muna at mamaya ay isasama kita para tulungan ako sa pagbitbit ng mga pinamili natin. Maiiwan ang ama mo rito para pag-planuhan ang mga dapat gawin." Singit ni Mrs. Feng at isinabay ang pag-anyaya sa anak para samahan siya.

   Tumango-tango na lamang si ang binatang si Sao atsaka humiga sa isang malaking sofa sa sala para umidlip.

   Lumipas ang humigit tatlong oras ng kanilang pagsisiyesta. Nagising si Sao sa ingay ng aso sa kapitbahay. Sinilip niya sa bintana kung bakit tumatahol ang aso. Nakita niya ang amo ng aso na nakauniporme at pagod na pagod na sinalubong ang kanilang tahanan.

   "Nakakapagod mag-aral, Brownie. Buti ka pa patahol-tahol nalang sa pusa nila manang Iste. Hayst!" Nababagot na sambit ng dalaga sa aso nito.

   "Worf! Worf!" Tugon ng aso nito.

   "Ha? Ano? Palit tayo? G! Ako tatahol diyan tapos ikaw magsagot ng mga sumpang equations sa Calculus doon. Nakakastress." Tila nahihibang na sagot nito sa alaga.

   "Psh, stupid girl." Ang tangi na lamang na nasambit ni Sao habang nakadungaw sa bintana at pinapanood ang babae at ang aso nitong nagpapalitan ng mga tugon.

   "O, anak. Gising ka na pala. Tara, mag-ayos ka na at umalis na tayo. Hayaan mo munang matulog diyan ang ama mo. Uwian nalang natin siya ng paborito niyang flavor ng dumplings mamaya pagka-uwi natin." Sabi ni Mrs. Feng atsaka dinampot ang pitaka nito sa isang gilid.

   "Ayos na po ako, Ma. Alis na tayo." Tugon ng anak nito.

   Nasa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ang mag-ina sa ground floor ng mall nang harangin sila ng isang grupo ng mga kadalagahan. Tatlo ang miyembro nito. Si Ven, Fran, at Dian.

   "Halaaa! Ang wafuuu!" - Ven.

   "Shit! Mas mukha pa siyang babae sa akin pag nagkaroon nang mahabang buhok. Ang ganda ng kutis!" - Fran.

   "Kainlab! Huhu." - Dian.

   Bakas ang pagka-umay sa mukha ni Mrs. Feng sa paraan ng paglapit ng mga dalaga sa kanila. Naiilang at lubos ang pagkaumay naman ang mababasa sa mga mata ni Sao. Hindi niya nagugustuhan ang ganoong pakikitungo ng mga tao sa kaniya. Kahit na ang mga iyon ay papuri para sa kanila.

   Ilang minuto pang inusisa ng mga dalaga ang mag-ina bago umalis. Lalo lang naumay ang dalawa sa mga ito kaya sila ng dalawa ang humanap ng paraan para mapaalis ang mga dalaga sa eksena.

   Dumiretsong Hypermarket ang mag-ina upang mamili ng mga kakailanganin nila sa tahanan. Mga panlinis, kubyertos, at mga pagkain ang inuna nila sa listahan. Sunod ay bumili sila ng mga materyales para sa pag-aayos ng mga kakaunting sira sa paligid ng tahanan tulad ng mga pako, martilyo, at lagari. Ang iba'y hindi na nila binili dahil baka sa basement ng bahay ay mayroon ng mga ito.

   Nakalabas na ng mall ang mag-ina, sumakto ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi nila naisip na uulan ng ganoon kaya wala silang dalang kahit anong panangga sa ulan. Nagpatila ang mag-ina sa isang waiting shed na malapit sa mall.

   Habang pumapatak ang ulan ay napadako ang isipan ng binatang si Sao sa babaeng nasalamuha nila kaninang umaga. Ang pagpatak ng mga ulan ay hindi maipaliwanag na nagpapa-alala sa kaniya ng imahe nito. Umiling-iling na lamang ang binata at tinigil na ang pagmumuni-muni sa kalagitnaan nang pag-ulan.

Ciao, SaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon