“Dito ka na muna, wag kang lalabas ng kwarto mo” mahigpit na bilin ni mommy.
“opo” sagot ko naman.
As usual andito na naman ako sa madilim na kwarto ko sa taas, bawal kasing magbukas ng ilaw baka may ibang makapasok sa room ko. simula ng ipinanganak ako hanggang ngayong 8 years old na ko nandito pa rin ako, nakakulong sa madilim kong kwarto.
Sumilip ako sa may bintana. Ang daming ilaw sa baba, ang daming tao, mukhang masaya sila.
What if bumaba na lang kaya ako ? hmm .. baka magalit si mommy.
Pero saglit lang naman ako eh, sisilipin ko lang naman, siguro di naman ako mahuhuli ni mommy.
- -
Sa baba ..
Sa garden na ko pumunta para sure na walang makakita saken. Nagtago ako sa mga halaman dala ang nakabalot na kumot saken at saka flashlight.
“Ang ganda . ang daming ilaw. Mukhang masaya ang gaganda ng mga suot nila” batik ko. kinakausap ko lang ang sarili ko.
“mukha lang, pero sa totoo boring sa loob” may nagsalita sa gilid ko.
Napalingon ako at ..
“Ahh … white lady !” sigaw ng batang lalaki.
“Haah ? Nasaan, nasaan ?” taranta kong tanong.
“Ikaw !” turo niya saken.
Tsk ! ako ? white lady ? what the F !
“Hoy ! para sabihin ko sayo, hindi ako white lady noh, kapal ng mukha nito.” Sumbat ko.
“Eh kung hindi ka white lady, bakit ganyan ang itsura mo?” tanong nito.
Mukhang pagkukwentuhin pa ko ng talambuhay ko.
“Pinanganak na kong ganito, jan ako nakatira” saad ko, sabay turo sa bahay namin.
“jan ? eh bakit wala ka sa loob ?” tanong ulit nito.
“bawal kase akong lumabas” sagot ko.
“Edward ! Edward!” may sumisigaw na babae.
“si mommy ! mauna na ko, hinahanap na ko ng mommy ko eh” saad nito at tumakbo na papalapit sa babae at pumasok sila sa loob ng bahay.
Edward pala ang pangalan niya, sayang hindi man lang ako nakapagpakilala.
- -
Pumasok na ko sa loob ng bahay, baka kase maabutan pa ko ni mommy na wala ako sa kwarto, tiyak lagot na naman ako.
Sa Kwarto ..
"San ka galing?" galit na tanong ni mommy.
"ma, i can explain." sagot ko.
"expalin what ? malinaw ang sinabi ko na wag na wag kang lalabas ng kwarto mo at umOO ka kaya nagkaintindihan tayo" galit na talaga si mommy.
"ma, sinilip ko lang naman po eh" paliwanag ko.
"sinilip ? eh pano kung may makakita sayo ? hah !" sigaw ni mommy.
"ma, im sorry" saad ko.
"im sorry ? for what ? simula ngayon, jan ka na lang sa kwarto mo at hindi ka na lalabas, i'll lock the door" sambit ni mommy at umalis na sa kwarto.
- -
Wala na kong nagawa, eh ano pa nga ba ? ano pang magagawa ko ?
Nagdrawing na lang ako, pampabawas ng sama ng loob kay mommy.
"sino yang dinoDrawing mo ?" di ko namalayan pumasok pala si lola sa kwarto.
"wala po ito, kaibigan ko lang po" sagot ko at pinagpatuloy na ang dinoDrawing ko.
"Kaibigan ? kelan ka pa nagkaroon ng kaibigan ?" pagtataka ni lola.
"Lola, kayo naman eh, ang seryoso niyo. Imaginary friend, sa isip ko lang." palusot ko.
but the truth is, si Edward to. kahit kelan di ko malilimutan ang mukha niya. siya ang unang tao bukod sa pamilya ko ang nakakita saken:)
"ganun ba ? pagpasensyahan mo na si mommy mo huh, sinabi naman kase sayo na wag kang lalabas eh" saad ni lola.
Oh sige, isumbat pa ba naman lola ? Grabehan huh !
"bakit po ba bawal ?" tanong ko.
"kase .."
"kase kakaiba ka" sabat ni mommy.
napatigil ako sa pagddrawing.
"hindi ka katulad ng ibang bata, hindi ka normal, matatakot sila pag nakita ka nila, baka saktan ka nila, pinoprotektahan ka lang namin." dugtong pa ni mommy.
maaring masakit pero detetcho at totoo.
gusto kong maiyak pero naiintindihan ko na kung bakit sila ganun kahigpit saken.
pero bakit si Edward, maaring natakot nga siya pero sa una lang, nakausap niya ko kagaya ng pakikipag usap saken nina mommy na wala mang kung anong kakaiba saken.
"pero bakit po ako ganito ? kayo naman po hindi" pagtataka ko.
bilang isang bata, ang daming gumugulong katanunan sa isipan ko, at hindi pa sapat ang kaalaman ko para maiintindihan ang mga bagay-bagay.
lumuhod si mommy sa harapan ko, at napalua siya.
may nagawa ba kong mali ?
nasaktan ko ba si mommy sa tanong ko ?
I feel so gulity.
"I'm sorry anak, dahil saken kaya nagkaganyan ka" mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy at niyakap ako.
hindi ko siya maintindihan, niyakap ko na lang siya para mabawasan ang sakit na dala-dala niya.