Chapter 3

37 1 0
                                    

When I turned 15, nagpasya kami nina mommy puntahan si yaya Siding, para magsorry at bawiin ang sumpang binitawan niya saken.

“Tao po” tawag namin, kumatok kami sa bahay kung saan daw nakatira si yaya Siding.

“Ano po yun ?” pinagbuksan kami ng isang dalagita.

“Si aling siding, nanjan ba ?” tanong ni mommy

“Ah, si lola po ba ? bakit niyo po siya hinahanap ?” tanong ng dalagita.

“gusto ko lang sana siyang makausap” sagot ni lola

“pasensya na po kayo pero isang taon na pong patay ang lola ko” sagot ng dalagita.

So huli na pala ang lahat, patay na pala siya. Ang sabi nila the one that can break the curse is the forgiveness of the one that curse you. Hindi na kase uso ang True love sa panahon ngayon, sa fairytale lang yun nangyayari.

“Hindi ! hindi maari !” sigaw ni mommy na halos mangiyak ngiyak na.

“Bakit may atraso po ba ang lola ko sa inyo ?” tanong ng dalagita.

“Wala, ako ang may atraso sa kanya, kaya sinumpa niya ang anak ko, kaya narito ako para humingi ng tawad at hilingin na ibalik na niya sa dati ang anak ko, pero paano mangyayari yun kung patay na siya” paliwanag ni mommy

“Pasensya na po pero wala nap o akong maitutulong sa inyo” sagot ng dalagita at isinara na ang pinto.

“ma, paano na to ngayon ? habang buhay na lang bang ganyan si Hannah?” umiiyak na sabi ni mommy.

Papasok n asana kami sa kotse ng ..

“ale .. psst ..” sita ng isang babae.

Maitim siya at gulo ang buhok.

Lumapit siya.

Medyo mabaho din. Tsk !

“sumpa ba kamo ?” tanong nito

“bakit may alam ka bang lunas ?” tanong ni mommy.

“oo, itong langis na tinda ko, isang daang piso lang” sagot ng babae.

Tss. Wala kaming panahon para makipag business talk sa kanya noh ! kaloka !

“wag kayong maniwala jan, may sayad yang babaeng yan !” sigaw ng isang lalaki sa may hindi kalayuang tindahan.

“che ! manahimik ka !” sigaw ng babae.

“Oh sige, bibilhin ko na ” sagot ni mommy at binyaran, kinuha na naming ang bote, na hindi naming alam kung epektibo.

Ewan ko ba bat naniwala si mommy dito, eh mukha ngang may sayad yung babaeng to. Baka mamaya imbis na gumaling ay lumala pa ko.

“nag iisa na lang yan at wala na, kaya hinay hinay sa paggamit.” Bilin ng babae at ang weird ng tingin niya saken.

“paano naman ito ginagamit ?” tanong ni mommy.

“isang patak sa inumin, at ipainom sa isinumpa at ang sumpa ay mawawala, ngunit babalik na ulit sa pagsikat ng araw.” Paliwanag ng babae at umalis na.

The Curse [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon