Simula nung party, lagi na lang dumadalaw si Harold, minsan mangangamusta, minsan tatambay lang, minsan makikitulog kaya naman hindi ko maiwasan na gamitin ang langis, kaya habang pa tagal ng pa tagal, pa konti ng pa konti ang langis, kaya bihira ko na lang itong gamitin.
Minsan inaya niya kong lumabas, kasama ang mga friends niya. Sina Jinky, Grace, Duncan, Matthew at Rachell. Madali ko silang naging ka close, eh kase naman, kung gaano kasarap kasama itong si Harold ay ganun din sila, at mas masaya pag sama sama kaming lahat.
Gimik ditto, gimik doon, yun ang ginagawa namin, basta masaya lang kami. Minsan nga inaabot na kami ng umaga, pero hindi ako nagpapaabot sa sikat ng araw, bawal saken diba ?
*krriiiiiing*
Sino naman kaya to, ang aga naman tumawag. 3:30 am pa lang.
Kinuha ko ang cellphone ko.
Si Rachell.
“Hello? Hannah? Where the hell are you?” tanong ni rachell
“ah, rachell, pasensya na. nasa bahay na ko eh” sagot ko.
“In your house ? hindi ka man lang nagpaalam ? were here on the bar pa ! hinahanap ka namin eh” saad nito. “Pasensya na talaga, mukhang ang sarap ng mga tulog niyo eh, kaya hindi ko na kayo ginising.” Palusot ko.
“Fine, basta sa bar nina Matthew na lang tayo mamaya. We will pick you up 4pm sharp !” at binaba na nito ang tawag.
Ano ba yan. Pass sana muna ako eh. Hindi pa ko nakakatulog ng maayos.
- - - -
Kinahapunan..
*beep*
Ayun bumusina na ang kotse ni Duncan. Sila na nga yan.
Bumaba na ko.
“san ka na naman pupunta ?” salubong agad ni mommy pagkababa ko ng hagdan.
“Kina matthew lang po ma” sagot ko
“mukhang napapadalas yang paglabas labas niyo. Baka maubos niyan nag langis mo ?” saad ni lola.
“hindi naman po, basta uuwi po ako bago mag umaga.” Bumeso na ko kina mommy at lola at umalis na.
- - - -
“party ! party !!!” sigaw ni Rachell habang sumasayaw. Nandito kami ngayon sa bar nina Matthew eh kase bawal pa kami sa ibang bar, wala pa kaming 18 eh.
“inom pa !” sigaw naman ni Duncan.
Teka .. si Edward ba yun ?
Pumupunta din pala siya sa mga ganitong lugar, kala ko pang library lang siya :D
He looks so serious and sad. Lahat ng tao masaya except him. Nagmumukmok siya dun sa sulok.
“type mo ba?” tanong ni Grace.
“Sino ?” tanong ko din.
“Asus, nagtanga tangahan pa, edi ayan, si Papa Edward” sagot nito.
“ah, hindi noh. Ano ka ba” saad ko.
“Hindi yan nakikihalobilo sa iba, mag isa lang yan palagi.” Pagkukwento ni grace.
“bakit siya nandito kung ayaw niyang makihalobilo, he should be in a private place, and not in a public place like this.” Saad ko.
“Pinsan yan ni Harold, kasama niya yan para may taga hatid si Harold pag nalasing siya.” Sagot ni Grace,.
“ah, ganun” pagsang ayon ko na lang.