[A/N: eto pong flashback ay kinukwento lang ng ni Hannah according to her mom, may konting extra ng POV ni Hannah ;) italicize parts are Flashback, yung hindi POV ni Hannah]
“ma, ayoko nga pong kumain.” Saad ni mommy
“anak, kailangan mong kumain, para sa bata dyan sa tiyan mo” pamimilit ni lola
That time pinagbubuntis pa lang ako ni mommy. Ganito na lang daw siya palagi simula ng iwan kami ni daddy. Actually may galit ako sa kanya, kase duwag siya. Naduwag siya sa responsibilidad niya samin ni mommy.
3rd year college pa lang sila ng mabuntis ni daddy si mommy. Nang malaman ni daddy na nabuntis si mommy hindi na raw ito pumasok sa school nila at ang balita nasa Canada na daw ito. Hmp ! mabulok siya dun !
“sige ma, prutas na lang po” at napilit rin si mommy. Haay grabe !
“sige, ano bang gusto mo?” tanong ni lola
“ubas na lang po” sagot ni mommy
“yaya!” tawag ni lola
“bakit po maam ?” tanong ni yaya Siding. 25 years na siyang katulong nina lola.
Sayang di ko siya naabutan. Sobrang loyal niya kina mommy, lalo na kay lola. Simula kase ng dalaga pa siya eh katulong na siya nina lola, dalagang ina rin siya at sina lola na ang kumupkop sa kanya at sa anak niya, na ngayo’y nasa Capiz na kasama ng sarili niyang pamilya.
“pabili nga ako ng ubas sa palengke” utos ni lola at inabutan ng pera
“yung walang buto huh” bilin ni mommy
“sige po” sagot ni yaya Siding
Makalipas ang ilang oras ..
“yaya !” sigaw ni mommy
Dali-dali namang pumasok si yaya Siding sa kwarto ni mommy.
“bakit hija ?” tarantang tanong ni yaya Siding
“Bakit may buto ‘tong ubas ?” galit na tanong ni Mommy
“Ah .. eh, seedless naman daw po yan sabi ng tindero na binilhan ko, sa katunayan ay binigyan niya pa ako ng discount” paliwanag ni yaya Siding
“Seedless ? Naniwala ka naman ! Tanga ka ba ?” sigaw ni mommy.
“hija, sadyang ganyan talaga, hindi po maiiwasan na may tatlo o dalawang ubas na may buto” sagot ni yaya
“At sumasagot ka pa, palibhasa, wala kang pinag aralan, ewan ko ba kung bakit sayo pa inutos ni mommy, eh ang tanga tanga mong matanda ka” galit na sigaw ni mommy.
“Sumusobra ka na ! bata ka pa lang ganyan ka na. Napakasama ng ugali mo, ewan ko ba kung bakit hindi mo namana ang kabaitan ng mommy mo. Hindi na ko magtataka kung bakit iniwan ka ng tatay ng anak mo” galit na din si yaya Siding.
Kung nandun lang ako, kahit mommy ko siya, di ko siya kakampihan, OA din sa kasamaan tong si mommy, buti pa, ituloy na ang kwento para malaman niyo kung bakit bumait si mommy.
“Walang hiya kang matanda ka !” sigaw ni mommy at ibinato ang bowl ng ubas.
Tinamaan si yaya Siding sa tuhod at natumba ito.
“Sobra ka na talaga ! kung gaano ka pangit ang ugali mo sana maging kasing pangit ng magiging anak mo !” sigaw ni yaya siding hawak hawak ang tuhod nito.
“Anong nagyayari dito” pagtataka ni lola
“Ma, yang katulong niyo. Pinagtataasan ako ng boses, akala mo kung sino, eh katulong lang naman siya dito. Binasag pa yung bowl, napaka walang hiya diba!” pagsusumbong ni mommy.
“Hindi po totoo yan maam, sa katunayan eh ..”
“Tama na.” putol ni lola
After that incident, imbis na mag sorry ay sinunod pa ni lola si mommy na tanggalin sa trabaho si yaya Siding, kahit masakit at mahirap kay lola na gawin ito.
-----------------------------------------------------------------------
Makalipas ang ilang buwan ..
“ahhhhhhhhh !!!!!!” sigaw ni mommy
“sige, konti na lang lalabas na ang bata” saad ng kumadrona
“ahhh !!” sigaw ni mommy sabay ire.
“ayan na !” excited yung kumadrona, Kaloka !
Paglabas ko ..
“Ang gandang bata, babae ang anak mo” bati ng kumadrona
Oh, diba. Sabe ko naman sa inyo eh, maganda ako bata pa lang. hindi na nga lang ngayon. ;)
Itinabi ako kay mommy, balot balot ng tuwalya.
Pagkatapos ay lumabas na yung kumadrona, iniabot na ni lola yung bayad at ipinahatid sa katulong namin palabas.
“Ang ganda niya ma” bati ni mommy.
Oh, ayan pa huh ! Dalawa na nagpapatunay ;)
“Oo nga anak, may ipapangalan ka na ba sa kanya ?” tanong ni lola
“Hannah, Hannah ang ipapangalan ko sa kanya” sagot ni mommy at hinawakan ako para halikan sa noo
“Ang ganda ng apo ko, Hannah, ako ang lola mo” bati ni lola.
Tatlo na . Haha !
“Mommy, anong nangyayari sa kanya ?” takot na sabi n mommy
My hair turned white, as well as my skin. Halos lahat puti na.
“Anak, bakit bigla na lang siyang naging ganyan ?” pagtataka ni lola
*Flashback over Flashback, ok lets call this Flashback1*
“Sumusobra ka na ! bata ka pa lang ganyan ka na. Napakasama ng ugali mo, ewan ko ba kung bakit hindi mo namana ang kabaitan ng mommy mo. Hindi na ko magtataka kung bakit iniwan ka ng tatay ng anak mo” galit na din si yaya Siding.
*End of Flashback1*
“Ma, si yaya Siding !” saad ni mommy at kinuwento ang totoong nangyari nung araw na nagkasagutan sila ni yaya Siding.
*End of Flashback*
“im sorry anak, kasalanan ko to” umiiyak na sabi ni mommy
Hindi na ko nakapag salita, niyakap ko na lang si mommy.