Chapter 4

35 1 0
                                    

Matapos ang mahaba habang byahe ay nakauwi rin kami. Dala dala ang isang bote ng langis.

“eto ang juice, subukan natin” saad ni lola.

“la ? naniniwala talaga kayo sa babaeng yun ? baka mamaya lumala pa ko at magkabukol bukol ang mukha ko. Pangit na nga ako papapangitin niyo pa.” sagot ko.

“anak, susubukan lang naman natin eh.” Binuksan na ni mommy ang bote at pinatakan ang juice.

“inumin mo na” excited na sabi ni mommy.

“talagang mag papauto kayo dun sa babaeng yun huh, eh hindi nga natin yun kilala. At ang sabi pa may sayad daw yung babaeng yun, eh kahit hindi naman sabihin halata naman sa itsura. Ayoko, ayokong inumin yan.” pagtanggi ko.

“kung ayaw mo, wag, basta pag nagbago ang isip mo, nandito lang tong langis na to.” Saad ni mommy.

“hindi na magbabago ang isip ko, and its final. Akyat na po ako, magpapahinga lang, kayo din po” sagot ko na lang at umakyat na sa taas.

Sa taas ..

Ano bang malay ko baka niloloko lang kami ng babaeng yun, sobrang desperada na nina mommy at lola, kaya kung kani-kanino na nagtitiwala, pero ako ayoko, pagod na kong umasa na magiging normal pa tong itsura ko. -

Kinagabihan ..

“oh anak, uminom ka muna ng gatas bago matulog” bilin ni mommy at iniabot saken ang isang basong gatas.

Wala na kaming katulong simula ng ipanganak ako, ayaw nina mommy na may ibang makakita saken, baka maipagkalat pa nila.

Teka ? gatas ? liquid ? inumin ?

“ayoko” maikling sagot ko.

“sige na anak, para mas mahimbing ang tulog mo” pangungumbinsi ni mommy.

“ma, wag niyo kong gawing tanga, alam ko na nilagyan niyo yan ng langis. Ayokong inumin yan.” Sagot ko.

“anak, sige na, subukan mo lang. at pag hindi tumalab, titigilan ka na namin sa pangungulit namin.” Pamimilit ni mommy.

“fine !” sagot ko at ininom ng deretcho ang gatas.

“see ? ma, walang nabago ? niloloko lang kayo ng babaeng yun !” saad ko matapos inumin ang gatas.

Anyare kay mommy ! she’s staring at me so weird !

“bakit po kayo nakangiti ?” tanong ko.

“yun ang akala mo anak, pero totoo ang langis” sagot ni mommy at iniharap ako sa salamin.

O M G ! ako ba to ? my hair turned black, my skin turned brown. Mukha na kong normal na tao !

“ma ?” mangiyak ngiyak kong bigkas.

Niyakap ako ni mommy at napaiyak na ko ng bongga. - - - - -

Makalipas ang ilang buwan ..

“ready ka na ba ?” tanong ni lola na inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin.

“opo, this is the very first time na makikita ako ng ibang tao. Na hindi ko na kailngan magtago.” Sagot ko. I am super-duper happy today. Sobra ! hindi ko akalain na mararanasan ko ito.

Sa baba ..

“Ladies and gentlemen, our Birthday Celebrant, HANNAH !!” pagpapakilala ng M’C at nagpalakpakan ang lahat.

Bumukas ang LED sa Backstage at nasilayan ko silang lahat, at ganun din sila saken. Ang daming tao, di ko ineexpect na magiging ganito kalaki ang party na to.

“Maraming salamat po sa lahat ng pumunta, sana po ay mag enjoy kayo, yun lang po at maraming salamat” saad ko sa mic at gumaba na ng stage.

Today is my 16th Birthday. Eto na yata ang pinakamasaya kong birthday, maraming bisita, maraming handa, hindi ko na kailangan magtago.

“Mare, ang ganda ng anak mo huh, bat ngayon ko lang yan nakita?” tanong ng isang babae kay mommy.

“ah, yun ba ? sa states kase siya lumaki, ngayon lang siya umuwi dito.” Palusot ni mommy.

“sige, enjoy the party” paalam ni mommy at naglakad pa kami papunta sa iba pang mga bisita.

“Hi guys, how’s the party ?” tanong ni mommy sa mga bisita.

“ok lang, ang engrande nga ng party mo” sagot ng isang babae.

“syempre para sa anak ko” tapos ngumiti saken si mommy.

“ang ganda ng anak mo huh” bati ng isa.

“san pa magmamana, edi sa ina” biro ni mommy at nagtawanan sila.

“siya nga pala, this is my son, Edward” pagpapakilala ng babae.

Edward ?

Siya na kaya si Edward ?

“Hi edward” at bumeso pa si mommy. “This is Hannah, my daughter” dugtong pa ni mommy.

“Hi!” bati nito.

Tss. Imposibleng siya si Edward, hindi naman ganyan makitungo yun eh. At tsaka madaming Edward sa mundo.

I just smile.

“Hi mare, I’m sorry I’m late !” saad ng babae sa likuran namin.

“Hi mare, hi Harold, buti nakapunta ka?” tanong ni mommy sa kasama ng babaeng kakarating lang.

“makakatanggi ba kong pumunta dito tita ?” sagot ng lalaki.

“That’s why I like you” nakangiting sabi ni mommy.

“oh, by the way, who is she ?” tanong ng babae referring to me.

“ah, this is my daughter Hannah.” Pagpapakilala ni mommy.

“ah, siya ba ang may birthday ? OMG, happy birthday hija” bumeso pa ito saken saka nag abot ng sobre.

“by the way this is my son, Harold” pagpapakilala nito sa kasama niya.

“Hi Hannah” Bati nung Harold at kinuha ang kamay ko saka hinalikan.

Uso pa pala yun ? oh well, wala akong masabi. Gentleman na kung gentleman. May mga gnung lalaki pa rin pala ngayon. Mukhang napalaki siya ng maayos ng mga magulang niya.

Ngumiti lang ako. Binitawan niya naman ang kamay ko. - - - -

Naging masaya ang party, medyo pagod pero sulit naman. Medyo nagkadaldalan din kami ni Harold, mabait siya saka madaldal, plus points for me yung sense of humor niya, he never fail to make me laugh kahit sa mga Waley jokes niya. Ewan ko ba baka mababa lang talaga ang kaligayahan ko.

The Curse [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon