Hyacinth's
"Pagod na pagod na ako. Hanggang kelan pa ba dapat tayo maglakad?" Pagrereklamo ko kay Claire. Kasalukuyang nasa may divisoria kami at namimili ng mga regalo para sa mga bata. Project kasi ng student council ang mamigay ng nga laruan para sa mga ulila na, naatasan naman kaming magkakaibigan na mamahala. Kami lang ni Claire ang bahala sa mga bibilhin since magaling siya mag budget. Claire was aiming to be a doctor like her mom and she's also the vice president of the student council.
"Kalma, malapit na tayo sa sakayan. " Sa totoo lang mas marami pa siyang bitbit kesa saakin. Pero ang init din kasi kaya mas lalo akong napapagod. Hindi rin niya dinala yung kotse niya kasi masyadong masikip sa mga daanan at marami ring tao. Kaya naman napag isipan nalang namin ang mag commute even though ayaw ko. "Mauna ka na sumakay." Sinunod ko naman ang utos niya at nauna na ako sa jeep. Bago pa man siya makasakay ay nakita niya may nahulog sa kanyang tabi.
Hindi ko namalayan kung sino ang nakahulog pero feeling ko importanteng bagay ito. "Oh, sakay na! 2 nalang ang kulang isa sa kaliwa at kanan!" Sigaw ng konduktor ng jeep. Nag panic tuloy ako kasi parang ayaw niya pa sumakay.
"Sumakay ka na! Aalis na tayo oh!" Aya ko sakanya pero tumakbo muna ito papalayo. Anak ng putcha naman talaga. "Kuya pahintay naman po mabilis lang talaga yung kasama ko. Naccr pang ata." Tumango lang ito at sinabi sa driver buti nalang at mabait kung hindi nako matagal na akong sinipa palabas ng jeep. Claire, please come back.
Makalipas ang ilang minuto. "Matagal pa ba yang kasama mo? Nagrereklamo na ang mga pasahero namin. Na eebak ba yon?" Tanong sakin ng driver bago pa man ako makasagot e biglang dumating si Claire. Sakto.
"Sorry na po kuya." Maikling tugon niya. Binigyan ko siya handkerchief para magpunas ng pawis niya.
"Ano naibalik mo?" Tanong ko pero umiling-iling lang siya.
"Wala daw may ari ng cellphone na nahulog kaya naman hanggang ngayon nasaakin pa din." Sabi niya. Agad namang umandar ang jeep. Pinakita niya saakin yung phone at inexamine ko.
"Tago mo nalang yan benta natin sa muslim. How much ba?" Mukhang malaki laking tubo din ang makukuha namin. Iphone 6 den to sayang. Kinuha naman niya saakin ito.
"Mayaman ka na nga mukha ka paring pera!" Nagtawanan naman kami. "Tawagan mo naman sila Maeve sabihin mo nakabili na tayo. Abangan nila tayo sa may dorm para ibalot na kaagad nila tong dala natin." Dinial ko ang number ni Maeve at sa ikatlong ring ay sumagot na ito. Pinagsabihan ko siya na abangan kami. Pumayag naman ito at binaba ko na yung tawag.
Nagulat nalamang kami ng biglang huminto yung driver ng jeep at nakarinig kami ng putok ng baril. Timilamsik ang dugo ng driver sa damit namin at maging sa mukha. Tumakbo papalayo ang salarin at nagsigawan naman ang ibang pasahero pati na rin ako. Agad kaming nagsilabasan sa jeep.
Nasuka ako sa may tabing poste, hindi ko kinaya ang nakita ko. Sa ulo, sa ulo binaril yung lalaki at sa harapan pa namin. "Okay ka lang ba?" Nakita kong nag aalala si Claire. Bakas din sa mukha nito ang takot at pamumutla ng mukha pero pinili niyang maging kalmado. Shit, sabi ko sa sarili ko. It was my first time witnessing something like that.
Hindi ako makasagot. Tiningnan ko lang siya sa mata, yumakap ako at humagulgol ng malakas. Nakarinig naman kami ng tunog ng phone hindi sakin, hindi sakanya pero sa napulot namin.
Nag aalinlangan sumagot si Claire pero pinindot niya pa rin yung answer button. "Ah he-hello, This is Claire, you forgot your phone ibibigay nalang nam-"
"Patikim palang iyon."
BINABASA MO ANG
Track it Down
Mystery / ThrillerIsang kaso kung saan lahat ng mga estudyante ay sangkot. Sa isa isang paglalaho ng mga babae sa paaralan na walang sino man ang makatuklas kung bakit pinatay o kung sino man ang may pakana. Isang dalaga na nakapulot ng isang selpon na kung saan ay...