Hyacinth's
Matagal tagal din bago kami nakaget over sa kwento ni Claire. Paano ba naman kasi pati pag utot ko e ichinismis pa niya kay Erin. Halos gusto ko na magpalamon sa lupa, hindi ko naman kasi mapigilan hindi mautot ng time na yon."We should go and visit Maeve, nandon pa naman sina Belle." Pasingit ni Claire habang nag susulat sa journal niya.
"Yeah, I agree. Daan muna tayo sa karinderya para bumili ng pagkain nila." Sabat ni Erin na kanina pa nakayuko dahil bored na.
"Aba nakakapanibago ka ha!" Tinakpan ni Claire yung bibig ko. Napalakas kasi masyado.
"Hindi ka na talaga natuto. Parang gusto ko rin ng Adobo o kaya Sinigang na maasin talaga." Kita sa mukha nito ang pagkatakam sa mga ulam.
"Erin, napapansin mo ba yung napapansin ko?" Linapit ko ang mukha ko sakanya at pabulong kong sinabi bale napapagitnaan kami ni Claire.
Tumango tango siya. "Actually, kanina pa. Is he a new student? Never seen him before."
"Same." Tinutukoy ko yung lalaking nasa likod namin. His piercing grey eyes, thick lashes, smooth and messy raven hair. I can't actully describe everything since he is wearing a hooded jacket.
"Fuck, he's hot." I heard Erin whisper which made me chuckle a bit.
"You should better be taking notes because the prof will be discussing the next slide." Sumabat si Claire, pagtingin namin sa may projector biglang next slide na.
"Fuck!" I cursed beneath my breath.
"Fuck indeed." Nakita ko siyang nagpipigil ng tawa. Napalakas kasi yung mura ko.
"Is there any problem Ms. Delos Santos?" Nabaling ang atensyon sakin ni Mrs Clea.
"Nothing miss." Natawa naman yung iba naming kasama.
"Nakakahiya yon ah..." Panumbat ni Erin halatang nangangasar pa ang bakla.
Tsk...hindi ko siya pinansin pa at mamaya makikikopya nalang ako ng notes kay Claire.
Erin's
After ng lecture namin sa Filipino we have an hour for a break then Research na ang next subject. Yes, a bit boring but very challenging sa mga pinapagawa dahil sobrang dami. We are currently at 'Manang's Karinderya' kung saan ay naglilihi si Claire sa adobo at sinigang."Are you sure na mauubos mo yan?" Tinuro ko yung tig isang mangkok niya ng sinigang, adobo at chopseuy tapos meron pang nakahanda na dalawang extra rice.
"Erin, parang hindi mo naman ako kilala. May buwaya ata dito sa tyan ko." At proud pa siya. Well...bihira lang din naman kami dito sa Karinderya kumain dahil madalas nagluluto si Claire, Sunny at Maeve ng pang ulam namin. Speaking of Maeve I wonder if she is recovering fast?
"Oh, kamusta mga ija?" Lumapit si Manang saamin na may dalang mangkok ng munggo. Napatingin naman ako kay Hyacinth at binigyan siya ng tingin na "Seryoso ka ba?" Halos mapuno na ang lamesa namin sa ulam.
"Ah, okay naman po heto medyo gutom." Ani ni Hyacinth at halatang takam na takam na sa munggo.
"O cya sige kain lang ng kain. Tawagin niyo ako kapag gusto niyo pa ng kanin o sabaw." Abot tenga naman ang ngiti ng mga kupal.
"By the way, yung results pala? About doon sa guns? Different ba?" Pasingit ng Claire habang nahigop ng sabaw.
"Hmmm...you finally asked. According to dad yes, magkaiba sila. I guess tama ka nga someone killed David with a different purpose pero sino naman?"
"Ah, you're making my head hurt!" Singit ni Hyacinth. Hindi niya kasi ma process yung mga pinag uusapan namin.
Then, nag ring yung phone ko. It's my dad. "I have a good news and a bad news. What do you want me to say first?" Niloud speaker ko yung call.
"Hi Daddd!" Bati ni Claire habang may nasa bunganga pa niya.
"Hello Tito." Bati rin ni Hyacinth.
"Buti at kasama kayo ni Erin. So I'll say the good one first. Vhen is finished with the questioning you guys can go visit here to see his answers." Nagkatinginan lang kaming tatlo. "You wouldn't like the last one."
"There's another victim."
BINABASA MO ANG
Track it Down
Mystery / ThrillerIsang kaso kung saan lahat ng mga estudyante ay sangkot. Sa isa isang paglalaho ng mga babae sa paaralan na walang sino man ang makatuklas kung bakit pinatay o kung sino man ang may pakana. Isang dalaga na nakapulot ng isang selpon na kung saan ay...