Erin's
Lahat ng sigaw ay tinaggap ko. Galit na galit din sila Maeve dahil nacancel yung event I mean ako din naman pero ineexpect ko na kasi kagabi na ganito ang mangyayari simula ng marinig ko ang balita.
"Gusto ko na tuloy mag quit sa Student Council." Reklamo ni Bea. Nakabihis na kasi ang mga ito at handa ng umalis.
"Quitting can't even solve the problem. " I replied. Kumuha muna ako ng tubig at nakiinom. Masyado akong nag mamadali kanina. Pagkagising na pag kagising ko ay dumeretso na kaagad ako kay Claire then dito. Halos 5 minutes din ang pag punta sa dorm ng mga girls.
"Patay na si David...masyadong mahirap paniwalaan. I mean wala naman siyang kaaway right?" Ngayon naman ay si Maeve ang nagmumukmok. She likes David but she has a boyfie it was just a crush though buti nalang hindi nag seselos si Vhen ang boyfriend niya.
"Now, what?" Tanong ni Mica. Sunny and Marie have classes in History. While may date ata si Maeve at ang boyfriend niya since hindi tuloy ang event. Si Mica naman at Belle panigurado mamamasyal lang sa mall ewan ko kung sasama si Hyacinth. Si Claire naman sasamahan kong mag ayos ng schedule ng studen council. May kanya kanya talaga kaming gagawin.
"Isama niyo na lang si Hyacinth sa mall. Aalis muna kami ni Claire. Masyado maraming naiwan na gawain sa student council. " Nag tinginan naman sila at tahimik na sumangayon. Lumabas na rin ako at naabutan si Claire na nakadungaw sa labas ng pintuan nila.
"Hintayin nalang kita sa labas ng dorm niyo. Mag ayos ka muna ng sarili." Nag thumbs up ako sabay sarado niya ng pinto. Back to work.
Makalipas ang isang oras tinawagan ko na si Claire na patapos na akong magbihis. Nakablack skinny jeans, large white tee at vans ako. Wala naman kaming klase ngayon kaya okay lang hindi mag uniform. Lumabas na ako ng dorm at nakita siyang naka jeans, black Vneck na naka tucked in at nakaconverse. May dala dala rin itong mga documents.
"Tagal mo ha." Bati niya saakin saka kami nag lakad. Halos mga 10 minutes lang naman bago makararing sa university.
"Syempre kailangan mag paganda." Natawa siya sa sinabi ko. Binilisan nalang namin ang paglalakad ng makarating sa 4th floor doon kasi yung room ng student council. Maraming naiwan na papeles sa mga mesa. Naupo si Claire at binuksan ko naman yung aircon. Kami palang kasi ang tao sa loob mukhang ang lahat ay nagpunta sa burol ni David.
Nagsimula kami sa pag oorganize ng mga papel. Ayos dito, lipat dito, tanggal ng alikabok. Habang si Claire naman binabasa niya kung iaapprove niya yung mga papers sa bagong clubs at inaayos yung problema ng mga student about sa class.
"Mukhang kailangan ako ni Francis." Tiningnan niya ang phone niya ay nag type.
"Nandon na naman siya. Ano pang kailangan?" Nakakibit balikat lang ito.
"Hihingi ng condolence? Hindi kaya pwede mag voice record nalang ako sabay send sa messenger. I'm mean I also feel bad but I have a lot of things to do. Iniwan ni Francis gawain niya sakin." Napabuntong hiniga ito. Sabagay ang dami nga naman talaga ng gagawin niya. Titingnan niya kung appropriate ba yung 4 na bagong clubs, yung pagdala ng phones or yung nawala at madami pang iba.
"Do you want me to go instead?" Nalipat yung tingin niya sakin na kanina ay nasa mga documents. Then, she smiled.
"Malaking tulong. Pagbalik ni Francis siya ang ibuburol ko dito. Thank you." I returned the smile lunapit muna ako dito at humalik sa pisngi. That's how we say goodbye. Kinuha ko yung bag ko at binuksan yung pinto.
"Good luck with that, don't strain yourself too much." I heard her hum in response. Lumabas na ako at sinarado yung pinto.
Claire's
Binasa ko muna yung nag papaapprove ng clubs. Arts, dancing, cult? What the hell are they thinking? Kelan pa naging appropriate ang pag tawag ng demonyo? Kung tawagin ko kaya si Satanas para katayin sila. Then, phones naman may nahuling nanonood ng porn for sure Joaqeen nanaman to 3rd warning na niya to at 4th sa pagsilip sa banyo ng girls. Lost phones, ipods, earphones etc... I'm so stressed. Francis should be here by now, dapat siya katulong ko dito.
I heard a knock. "Come in." It was Angela David's girlfriend. "Have a seat." Tumayo ako at nagpunta muna sa dining area para kumuha ng 2 cups of orange juice.
"So, what brings you here?" She looks uncomfortable.
"I heard the news about David and about what you saw. I'm sorry."
"No, it's okay and I'm sorry too." Nandon pa naman siya ng mabaril si David I'm sure nakakagulat din para sakanya.
"It's been a week since I talked to him." What?
"What do you mean?" I started to get confused.
"Nag away kasi kami since ayokong sumama sakanya. Tapos bigla nalang siyang nagalit."
"Uh so why are you saying this to me?" She smiled.
"Wala kasi akong mapagsabihan. So I thought I could go here. I mean you can fix problems right?" Dapat nag punta siya sa guidance? I'm only here to solve student's problem about the school not in their personal life but, well since nandito na why not? "Ayoko sa guidance, too intense I'd rather talk to you. I just wanted you to listen." Masyado kasing satsatera yung guidance officer namim kaya siguro ayaw niya. Kahit naman ako kapag nagkakasalunong kami lagi akong sinasatsatan.
"So saan ka ba niya dadalhin dapat?" I asked uminom muna siya ng juice.
"I don't know, ang weird basta ang sabi niya SM. I mean alam kong mall yon pero nakakatakot yung mukha niya like Ugh! I can't explain feeling ko hindi mall yung pupuntahan namin." SM? What? Too complicated. "Tapos mababalitaan kong wala na siya." Wait.
"Hindi kayo magkasama ni David nung nandon kami?"
"I told you mag kaaway kami at hindi ko siya nakakausap simula nung hindi ako pumayag sakanya." What the hell?!
"But Erin told me he was with you? " Umiling iling siya. Girlfriend daw kasama niya. Wait don't tell me he's cheating? What's with this love triangle and murder?
"Then who's with him?" We were left there in silence.
BINABASA MO ANG
Track it Down
Tajemnica / ThrillerIsang kaso kung saan lahat ng mga estudyante ay sangkot. Sa isa isang paglalaho ng mga babae sa paaralan na walang sino man ang makatuklas kung bakit pinatay o kung sino man ang may pakana. Isang dalaga na nakapulot ng isang selpon na kung saan ay...