Chapter 1 Stationery

3.7K 12 1
                                    

A/N: Yung Original Chappie 1 nasa phone ko, e nagkataong nasira yung phone ko ng hindi ko pa na-a-upload yun kaya ulitin ko nalang. Alam nyo naman mas mahirap pag ganto, yung inuulit, parang feeling mo hindi mo na perfect :(

Xylah's POV

Three days, tatlong araw na ang lumipas simula ng isuko ko ang bataan sa isang lalaking hindi ko kilala ni sa pangalan and worst, ni hindi ko nakita ang muka. Yes, you've read it right, hindi ko man lang nakita ang muka ng balasubas na lalaking yun! Hindi ako nagkaron ng pagkakataon, pano kase.. basta! ikukwento ko sainyo sa susunod, mahaba habang kwentuhan kase yun.

Pero kahit tatlong araw na ang lumipas, kapag naaalala ko yung gabing yun, parang nararamdaman ko parin yung labi nya sa labi ko, yung mga kamay nya na humahaplos sa iba't ibang parte ng katawan ko, yung katawan nya na parang perfect match sa katawan ko at yung eksperto nyang dila...

"Hoy, Xylah! Napapano ka jan? Kanina pa kita kinakausap, dimo ko pinapansin. Saka may saket kaba o najejerbaks ka? Anlamig lamig ng aircon dito, pinagpapawisan ka jan." - Si Jeyca, ang matabil este matalik kong kaibigan since elementary. Kilalang kilala ko neto at bawat hininga at utot ko, alam nya ang ibig sabihin. Well, except sa pagsuko ng bataan incident, parang hindi pako ready ikwento sakanya, lalo pa't hindi ko man lang nakita ang muka ng umano saken.

"Ah, okay lang ako, iniisip ko lang kung sino gagawa ng exams naten sa AuditingProb." what an alibi Xylah!

"Naku, oo nga noh! Sana hindi si Sir Jess." pagkasabi nun, binalik nya na ang atensyon sa calculator at libro nya. Buti na lang!

Nandito kase kame ngayon sa isang coffeeshop, nagrereview. Nakagawian na kase namen tong gawin since highschool kapag malapit na ang exam week, gaya nalang bukas, magsstart na ang Midterm exams sa Major subjects namin.

Ako nga pala si Xylah Ysobelle Ibarra, 4th year Accounting Major Student. Gaya nga ng sabi ko bff kame ni Jeyca since elementary at simula nun dina kame naghiwalay, palagi kaming classmates until now. I only have a Dad, namatay ang mommy ko nung pinanganak ako, kaya wala akong kapatid. Hindi na nag-asawa ulit si Daddy, sinubsob nalang nya yung sarili nya sa pagmamanage ng mga businesses namen.

"Xy, may nagpapabigay." - Si Francis isa sa mga barista dito sa coffeeshop, since suki na kame dito, kaclose na namen halos lahat ng crew dito, pati na nga din si Tony, yung manager. Napatingin ako sa hawak nya at mejo napataas ang kilay ko.

"Kanino naman galing yan?" tanong ko.

"Wow bff, may bago kang admirer at mukang napakamoderno nya ah, sulat? sa scented stationary pa talaga?" parang nang-aasar na sabi ni Jey, halata pang nagpipigil ng tawa.

"May batang bumili ng coffee tapos sabi nya iabot daw sayo, tinuro kapa nga mula dun sa counter." - Francis

Kinuha ko yung sulat, parang gusto ko nga din matawa kase stationery na kulay pink yung ginamit na tinernuhan pa ng pink din na envelope.

"To My Xylah, You didn't wake me up when you left, I wanna know why? I miss you, I miss your lips, your body, your moan and  the way I explore your body. I want to see you again, but I have to  finnish some important matters. I'll see you soon. Kisses for you, babe. - Searchee#03"

After kong mabasa, nilagay ko agad sa loob ng bag ko yung sulat saka napatayo at lumingon lingon sa paligid ng coffeeshop. Pwedeng nandito si S3! Or pwedeng galing xa dito? Gawd! Baket diko man lang napansin?

"Bff, okay ka lang jan teh? Na-carried away kaba sa sulat ng bago mong admirer? Inalayan kaba ng tula?" - tatawa tawa si Jey. Sanay na din kase xa na nakakatanggap ako ng kung anu ano galing sa kung kani kanino, mga admirers nga daw. Flowers, chocolates, iba ibang food, stuffed toys at kung anu ano pa. Simula yun ng sumali ako sa pageant sa university at gawing representative sa iba't ibang QuizBee sa Accounting sa labas ng school. Hayyy, kung alam ni Jey..

"Bff, uwi na tayo?" - Hindi ako mapakali dito, feeling ko kase nandito lang si S3, nagmamatchag, ang creepy tuloy sa pakiramdam.

"Ay teh, baliw ka, andame pa nating rereviewhin, di mo ba bet magtop sa departmentals ngayon? Nangangalahati palang tayo sa narereview natin ah." simula kase nung first year college kame, kapag gantong major exams, palagi akong nagtatop. 

Ipagpipilitan ko pa dapat na umuwi na kame kaso nagring yung phone ko, si Daddy yung tumatawag.

"Hello Dad?"

"Darling, I need your help." seryoso ang boses ni Daddy, kinakabahan tuloy ako.

"What is it Dad?"

"Umuwi ka muna at dito natin pag-usapan."

"Oh, you're home?" nakakagulat, 4pm palang, nasa bahay na si Daddy? How important and serious is this favor? Hmm..

Pagbaba ko ng phone, sinabi ko kay Jey yung napag-usapan namen at hindi naman xa nakaapela, si Daddy yun e, alam naman nyang batas si Daddy.

Pagpasok ko sa sala, nag-aabang na si Daddy sa may sofa. "Sit down iha."

"Didiretchuhin na kita iha, I need you to take over at Ibarra's Communication, I will be in US for two week for some business meetings at kasama ko ang lahat ng board kaya wala akong ibang maisip na pwedeng magtake over kundi ikaw."

"Pero Dad, midterm week namen sa School, saka hindi ko pa gamay ang company."

"I'll call your school, ipapaexcuse kita, magpaspecial exams ka nalang. I badly need you, Darling. Hope you understand."

"Okay, Dad. Alam mo namang hindi kita matitiis e."

"Thank you, Iha. Don't worry, someone will help you. One of the board's son. At mas madami xang alam about Ibarra's kaya it won't be that difficult."

"That's good, well goodluck on your business trip Dad and don't forget my pasalubongs."

Parang may gusto pang sabihin si Daddy pero nagbago yung isip at di na tinuloy. Hindi ko nalang pinansin, siguro naman hindi na yun ganon ka importante diba?

Kinabukasan, maaga kaysa sa nakagawian akong gumising. Today's my first day at Ibarra's Communication, kagabi after namin mag-usap ni Daddy ay umalis din xa agad para sa US Trip nila. Pagdating ko sa IbCom (Short for Ibarra's Communication), dumiretcho agad ako sa office ni Daddy at sumunod si Liza ang secretary ni Daddy, halos kaedaran ni Daddy si Liza, siguro nasa mid 40's na din ito."

"Anong schedule ko today Miss Liz?"

"May 5 press realase po ngayon mula sa iba't ibang company at kelangan nyo pong pirmahan yung mga permit nila pati na din po yung para sa mga press release kit na ibibigay before 10am para ma-i-fax na po yung documents. Yung susunod ay mamayang after lunch na ulet, kailangan nyo pong pumunta sa isang press release para sa bagong customer naten, si Mr. Lorenzo po dapat ang pupunta dun kaya lang po.."

"Oh, the son of  one of the board? Sabi ni Dad, he'll be here daw and will help me, where's he?"

"Tumawag po si Mr. Lorenzo, bukas na daw po xa pupunta kase may importanteng bagay daw po muna xang kelangang gawin."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Liza, hindi marunong tumupad sa usapan yung Lorenzo na yun, ako nga Departmental Exams ng major subjects ko ang isinaalang alang ko para sa pagtake over na to tapos xa, wala?

Naging maayos naman ang first day ko sa IbCom. Imbyerna pa nga lang rin ako sa Lorenzo na yun. Xa dapat ang pupunta dun sa press release nung after lunch tapos mangiinjan? Nakakaasar lang..

Too HOT to Resist (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon