Chapter 25 A Friend

812 10 4
                                    

Arnelle's POV

Wow may POV ako. 

Anyway, andito ko ngayon nakatanga kay Xylah, habang xa, naglilitanya.

"Ansaket saket Nelle! Ansaket saket." yung litanya nya naman puro ganyan lang, di naman xa nagkukwento.

Baliw ba? Oo, matagal ng baliw tong babaeng to. Kanina nga lang nagpasundo kasi di daw xa makapagdrive, pagdating ko naman e natutulog lang sa kotse, pero napansin ko, hawak xa ng hawak sa dibdib nya o part ng acting nya yun?

"E ano ba kaseng masaket? Dadalin naba kita sa ospital?"

"Gago! May gamot ba sa saket na nararamdaman ng babeng niloko ng asawa sa ospital?" aba nagmumura na si Xylah, ibig sabihin talagang nareach na ang boiling point ng babaing to.

"E baket nga kase? Pano ka niloko ng asawa mo? Magkwento ka!"

"Ayoko magkwento!" sabay padjak padjak at lakad paupo sa isang bench.

Andito kase kame sa Eco park ngayon. Ayaw daw nya umuwi e, ayaw nya din daw kumaen, ayaw nya sa mall at ayaw nya din sa madameng tao. Sa sementeryo ko na nga dapat xa dadalhin e kaso galing na daw xa dun kaninang umaga.

"Baliw ka din e noh?! Pano kita matutulungan? Pano kita mabibigyan ng advice?"

"E di bigyan mo lang ako ng advice, advice sa isang babaeng niloko ng asawa?"

"Hiwalayan mo na!" sabi ko.

"Oy ah! OA mo ah, hiwalayan agad? Hindi ba pwedeng kausapin ko muna?"

Tingnan mo talaga tong babaeng to, hihingan ako ng advice, kokontrahin naman.

"Baket? Kase mahal mo pa? e anong inaarte arte mo? Iyak iyak ka pang nalalaman, kakausapin at papatawarin mo din naman pala."

"E ansaket nga kase."

"Ganun talaga Xylah! Lahat naman ng panloloko masaket. Lahat ng pagsisinungaling, masaket kapag nalaman na pero in the end? Ang lilitaw at lilitaw e walang iba kundi ang katotohanang, mahal mo pa din si Jasper sa kabila ng ginawa nya."

"Kaibigan ba talaga kita? Baket xa yung kinakampihan mo?"

"Kaibigan mo ako kaya nga sinasabi ko sayo yung totoo at makakabuti hindi lang para sayo kundi para sainyong mag asawa."

"Hindi naman ganun kadali yun e."

"E di magpalamig ka muna, magbakaxon ka, magliwaliw ka. At habang ginagawa  mo yun, sagutin mo ang mga tanong na gaya ng kaya mo bang patawarin ang asawa mo? Ha--"

"Oo, pero hindi agad agad."

"Handa ka bang makinig sa paliwanag nya. Mah-"

"Oo pero hindi din ako agad maniniwala."

"Mahal mo pa ba siya. - Ma-"

"Oo, sobra."

"May second chance pa ba? Mat-"

"Hindi ko naman xa matitiis e."

"Matutuloy pa ba ang Church Wedding?"

"Hmm.. siguro"

"E lahat naman pala kaya mo sagutin ngayon e, baket ka pa magliliwaliw, tara na umuwi at antayin ang panunuyo ng asawa mo."

Too HOT to Resist (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon