Chapter 33 BFF

279 3 1
                                    

Xylah's POV

Kagabi ko pa tinetext at tinatawagan si Enzo pero walang reply at di ko macontact pero finally kaninang umaga pag gising ko, may reply na din!

Hiningi ko kay bff yung number nya, nagdecide nakong sabihin sakanya yun tungkol sa anak namin.

Pagkagalig ko ng sementeryoo, parang may bigla nalang bumulong sa isip ko na dapat sabihin ko na kay Enzo na may anak kami.

Tinatawagan ko sya pero dahil nga hindi ko sya macontact, tinext ko nalang sya, binanggit ko na din yung tungkol kay Baby Japs at sabi ko gusto ko mag usap kami ulit pero this time yung mas malinaw na pag uusap, yung mas maayos.

Pagkagising ko, nagreply sya and sabi nya puntahan ko nalang daw sya sa dati nyang condo

Weird nga kasi dun nya pa gusto makipag usap

Sa lugar kung saan kung tutuusin e nagsimula ang lahat

Siguro gusto nya ng iexplain yung side nya at gusto nyang umpisahan mula sa simula.

Tanda ko pa kung san yung condo nyang yun at kung saan yung mismong unit.

Pagdating ko, kumatok ako pero walang sumasagot kaya binuksan ko nalang, bukas naman.

Pagpasok ko, maayos naman yung mga gamit, parang may nakatira nga actually.

"En-Jasper?" tawag ko

Nang makapasok nako, nakita ko yung pintong papasok sa kwarto e bahagyang nakabukas

Hindi ko naman napigil yung sarili kong sumilip

At parang bumalik lahat lahat yung nangyari nung nakaraang taon sa nakita ko

Si Jasper, may kahalikang babae

At base sa ayos nila, pareho silang walang saplot at nakabalot sa kumot

Napansin ata nilang may nanonood kaya naghiwalay sila at sabay napatingin sakin

Si Stellah!

Ano pa nga bang dapat kong asahan?

Diba nga't may anak sila?

Pero dapat bang ipamuka saken?

Dahan dahan akong napaatras

"Xylah!" nagkunwari pang nagulat si Jasper

"Pumunta kaba para kunin yung papers? Nasa kotse, sandali. Iwan mo naang muna kami para makapag bihis, lalabas nadin ako."

Ngumiti pa ng nakakaloko si Stellah bago tuluyang sinara yung pinto.

Gusto ko nanamang umiyak pero pinigilan ko.

What else do I expect pa ba?

Diba nga asa America palang ako, ilang beses ko ng naisip yung ganitong tagpo?

Nag uumpisa nanaman manikip yung dibdib ko.

Nanlalambot pa yung mga tuhod ko.

Hindi ko na kaya kaya naupo na muna ako sa sofa sa pinilit huminga ng malalim.

Maya maya pa, bumukas na yung pinto.

Si Stella na naka nighties habang si Jasper naman, nakapantalon at tshirt

Parehong magulo yung buhok

Pareho ding halata sa muka na puyat sila

"Sabay na tayong bumaba? Nasa kotse na kasi yung mga papers." sabi ni Jasper saka naunang lumabas, nagmamadali masyado

Smunod ako pero bago ako tuluyang makalabas, hinaklit ni Stella yung braso ko.

"Akala mo ba porke may anak kayo e makikipagbalikan na sayo si Jasper? Masyado ka naman atang ilusyonada"

Too HOT to Resist (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon