Chapter 11-2 Ang ITLOG, bow!

1.5K 12 3
                                    

A/N: Ansabe ng title ng chapter na to? Haha! Inspired ako dahil sainyo <3

Jasper's POV

Nagising ako na ansaket ng ulo at sa sarap ng naaamoy ko. Kinuha ko yung phone ko sa may side table 10am na? Grabe ah.

Bumangon ako saka dumiretcho sa kusina netong suite, ayun si Xy, parang totoong may bahay na nagluluto ng breakfast para sa asawa nyang may hangover galing sa isang happy happy kasama ang mga officemate.

Nagcross arms ako saka sumandal sa hamba ng entrance papunta dito sa kusina. Siguro napansin nyang may nakatingin sakanya kaya napalingon xa pero imbes na "Goodmorning babe" with matching yakap at halik ang matanggap ko, eto at inirapan ako at tiningnan ng masama, kung nakakamatay nga siguro yung tingin kanina pa ko bumulagta dito.

"Is that a proper way of greeting your husband a goodmorning?" lumapit ako at aktong hahalikan xa kaso bigla ba naman winasiwas yung kutchilyong hawak nya.

"Subukan mong lumapit at bubutasin ko yang tyan mo." Ang taray, may dalaw ba xa?

"Woah! Easy! Grabe, ang brutal mo naman!"

"Alis dito, wag moko istorbohin." grabe para xang tigre. Di nako nakipagtalo, nagpunta nako ng banyo at naligo.

------------------------------------------

Okay andito kame ngayon sa Pearl Farm Beach resort sa Samal Island, 5 minutes ang byahe by ferry from Davao Ferry terminal. Ganda dito, sobrang maappreciate mo yung nature kahit pa sabihing hindi ka nature lover. Etong kasama ko, ngisi ng ngisi. Alam ko naman hindi dahil sa ganda dito, alam na alam ko kung anung tinatawa tawa nitong nakakapanggigil na babaeng to.

"Will you please stop smiling."

"Baket? Masama ba ngumiti?" habang nagpipigil nanaman xa ng tawa. Naiinis nanaman ako.

"Tara na kase, gusto ko magswimming!"

Kahit di kame magoovernight dito, nagrent kame ng room para iwan yung mga gamet dito kase kame magsswimming. Saka gusto din daw ni Xy yung Ylang Ylang spa dito. Napili namen yung Balay Room, ganda ng view mula sa bintana, dagat agad.

Pagkalapag ng gamet e dumiretcho agad si Xy sa banyo, paglabas e halos tumulo naman ang laway ko. Pano ba naman, nakatwo piece swimsuit xa na zebra print, ang hot lang tingnan.

Diko namalayan na lumapit na pala xa saken, sinara yung bibig, ngumiti tsaka ko binulungan,

"Kumaen kana ng itlog kanina diba? Nagugutom kana naman ba?" tsaka lumabas.

Naalala ko nanaman tuloy kanina sa hotel. Alam nyo ba kung anong nangyare? Ganito kase yun..

FLASHBACK

Paglabas ko ng banyo, xempre nagbihis muna ko, alangan magpalakad lakad ako dito ng nakatapi ng towel? Mamaya baka kung ano nanamang mangyaring masarap na alam kong magugustuhan nyo din. Dumiretcho ako sa kusina, nagugutom na ko. Yung pulutan sa bar lang ang kinaen ko kagabe.

Pagdating ko dun, ayun ang tigre kong asawa, kumakaen magisa. Dumiretcho ko sa may stove para kumuha nung niluto nyang omelette, wala kaseng nakahain sa mesa. Kaso yung kawali walang laman! Tapos yung isang kaldero na may takip, binuksan ko, wala ding laman!

"Inubos mo lahat ng niluto mo?" natigil yung pagsubo nya ng Noodles na kinakaen nya, parang instant pancit canton.

"Eto, hindi pa ubos, uubusin ko palang." nginitian pa ko na parang nangaasar.

Too HOT to Resist (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon