Chapter 2 Nakakawala ng GANDA

2.3K 9 1
                                    

Kinabukasan, hay.. Eto at papasok nanaman ako hindi sa school kundi sa IbCom. Hindi pa din nawawala yung pagkaimbyerna ko sa Lorenzo na yun. Sana hindi na lang xa nagsabi diba? As usual, nagready na ako para pumasok, pinili ko ang isang pink Sleeveless dress na may makapal na white strap and pink na pumps din.

Pagpasok ko ng elevator, may nakasabay akong dalawang babaeng halatang nagpipigil ng tili at kilig, muntik pa ngang makalimutan akong batiin. Well, not that I oblige them to greet me, pero diba, pag galang man lang since I am the one in charge bilang kapalit ni Daddy. Kahit na ayaw nila sanang iparinig yung pinag-uusapan nila, naririnig ko padin naman.

“Grabe lang bakla, gwapo talaga ni Sir Jasper noh?” – girl1

“Oo ngaaa! Ay day, makalaglag panty!” – girl2

Grabe lang ah, dahil lang sa isang lalaki, malalaglag yung panty nya? Sing macho at gwapo ba nila Channing Tatum at Ian Somerhalder yung tinutukoy nilang makalaglag panty?

Pagdating ko sa office ni Daddy naupo agad ako at chineck yung mga documents na kelangan kong pirmahan.

*tok tok tok* (A/N: katok yan sa pinto, okay? XD)

“Come in!”

“Xyla, hinhintay  ka ni Mr. Lorenzo sa conference room, kakausapin nyo ang daddy nyo regarding ABB Company.” – Liza

“Okay, give me two minutes.”

Pagdating ko sa may pinto ng conference room, may lalaking nakaupo at nakatalikod mula mula sa pinto kaya hindi ko makita ang muka, papasok na sana ako ng magring ang phone ko, lumbas muna ulit ako ng conference room saka sinagot yung tawag.

“Hello BFF, why?”

“So how’s the office girl?”

“Nakakahaggard pero masaya, feeling ko talaga office girl na office girl nako. Baket ka nga pala napatawag?” alam ko kasing hindi naman to tatawag para lang kamustahin ang pagiging office girl ko.

“Bongga! Hihiramin ko sana yung Auditing Problem Book mo? Hiniram sa ni Allan yung book ko. Pinahiram ko naman kase alam kong hindi mo pa gagamitin yung sayo since office girl ka nga for two weeks.”

“Sure sure, kunin mo nalang sa bahay, nandun sa kwarto.” ay si BFF, kahit napakalaki ng bahay namen, kabisado na kahit kasuluk sulukan.

“Thanks BFF! Iloveyou! Sige na, pirmahan mo na ang mga kelangan mong pirmahan jan at syempre ilibre mo ko sa sweldo mo okay?”

“Sure! Sige goodluck! I love you too!” inend ko na yung tawag

Pagharap ko para sana pumasok na ulet sa loob ng conference room,

“Ay kabayong nalaglag ang panty!” nagulat ako na halos napatalon. May lalaki kasing nakasuit at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks ang nakatayo sa may pinto at nakatingin sa akin. Napadako yung tingin ko sa loob kaya nagets ko agad na xa yung lalaking nakatalikod kanina.

“So you keep me and your Dad waiting to have iloveyou conversation with your boyfriend? As far as I can remember, mamaya pa ang lunch break so it means, office hour’s pa.”

I keep him and Dad waiting? So xa pala si Mr. Lorenzo? Aba, ilang minuto lang akong nakipagusap sa bespren! Bespren ko at hindi boypren. Grabe lang tong lalaking to makasita a, may kasalanan ka pa nga saken to.

“Excuse me, are you talking to me?”

Lumingon lingon siya saka ako muling tiningnan. Xet lang, ang pungay ng mata niyang singkit!

Too HOT to Resist (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon