Chapter 9 Love Desserts

1.9K 15 6
                                    

Xylah's POV

"Ahm, my way of saying thank you, malalaman mo din."

Hmm.. San naman kaya ako dadalin neto? Dahil sa pagod at puyat kagabi, nakatulog ako. Nagising nalang ako ng may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko.

"Xy, Xylah, andito na tayo." napadilat ako at napatitig sa gwapong nilalang na nasa harapan ko na halos isang dangkal lang ang layo sa akin. Napadako yung tingin ko sa labi nya, baket ampula? Naramdaman ko na unti unting lumapit yung muka nya saken kaya pumikit ako. It was a soft and sweet kiss, literally, ansarap.

Paghiwalay ng labi namen, naghiwalay din kame bigla.

"Ah, andito na tayo." Bumaba xa at as usual, pinagbuksan ako ulet ng pinto ng kotse. No more pogi points, parang dito xa makakadame e. Pagbaba ko ng kotse, saka ko nakita yung paligid, wala kame sa magandang scenery or anything, wala kame sa Tagaytay or Antipolo. Andito kame sa....

Sa Banwe Street, asa may kalsada kame actually. Akala ko naman something special, ano meron dito?

"Ah, anong ginagawa naten dito?"

"Tara!" hinawakan nya yung kamay ko saka naglakad at huminto sa harap ng isang maliit na restaurant na base sa nakalagay na karatula e "Love Desserts"

"Kakaen tayo?"

"Yes, I know you'll love it here." saka nya binuksan yung pinto at pumasok na kame. Sa loob, occupied yung ilang tables pero nilapitan agad kame nung waiter saka tinanong kung gusto namen dun sa inner part ng resto para mas private yung setting, nilingon ako ni Lorenzo na parang tinatanong kung ano sa tingin ko.

"Dito na lang tayo." sabi ko, paano kase, nakita ko yung buffet area, andameng pagkaen, ang pinaka nakakaloka? puro sweets! Desserts! Ang yummy lang, mas yummy nga lang si Lorenzo. Hanu daw? Erase erase, joke lang yun!

Yung first station, may different pastries and desserts, yung second station may mga crepe at ice cream tapos yung drink station my milk tea and pearl na pwede din sa iced tea.

Andame talagang iba't ibang food! Kung hindi nyo alam, eto ang favorite ko sa lahat ng pagkaen, yung matatamis! At lumaki yung singkit kong mata nung sabihin ni Lorenzo na UNLIMITED to, as in eat all you can! Grabe lang!

Kumaen ako ng Tuna and Chicken Empanada, Cookies, Banana Muffins, Turon, Sylvannas, Strawberry Mousse, Brownies, Cream Puffs, Eclairs, Cakepops, Strawberry short cake at napakadame pang iba, grabe busog na busog ako. Ansarap dito! Pwede bang wag na umuwi?

"Babe, dahan dahan lang." - si Lorenzo, andito pala xa? Haha! Sorry naman, ansarap kase dito, nakalimutan ko tuloy may kasama pala ako.

"Hindi ko alam kung pang ilan na to pero again, salamat. Hindi mo alam kung gano kalaking pabor tong ginawa mo para saken."

Napatigil tuloy ako sa pagsubo ng Blueberry Crepe saka tumignin sakanya.

"Okay na yun, friends naman tayo diba? Kilalanin nalang natin mabuti yung isa't isa and be good friends, I guess?" Nakita kong biglang naglamlam yung mata nya pero bigla ding sumaya. Guni guni ko lang siguro yun (Lovi Poe lang ang datingan).

"Oo, Salamat."

"Naku tama na, eto pa lang ngang pagdala mo saken dito, sobrang bawing bawi kana."

"Excuse me Sir, Maam, couple po ba kayo?" - waiter

Sabay kame napatingin ni Lorenzo sa wedding ring na suot namen saka sabay ding tumingi sa waiter at sabay ulit na tumango.

Too HOT to Resist (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon