Chapter 18 Again?

788 7 2
                                    

Xylah's POV

Nagising ako na pakiramdam ko galing ako sa napakahabang tulog. Didilat na sana ako kaso may narinig akong dalawang boses na nag uusap.

"Ano ng balak mo ngayon Japs?"

 

"Ipapakulong ko yung gagong yun. Sisiguruhin kong mabubulok xa sa kulungan."

 

"What I mean is, sainyo ni Xylah. Hindi na xa buntis ngayon, so hihiwalayan mo na xa?"

Sumikdo yung dibdib ko sa narinig ko, wala na ang baby ko? Hihiwalayan na ako ni Enzo?

"Stella, kung wala kang sasabihing maganda pwede itikom mo nalang yang bibig mo? Hindi ko hihiwalayan si Xylah. Kung inaakala mo na dahil sa nangyari, hihiwalayan ko xa, nagkakamali ka kase dahil dun, mas lalo kong narealize kung gano ko kamahal ang asawa ko. Pwede lumabas ka na nga dito."

"Pero Japs, wala ng dahilan para magsama kayo, wala na ang bata."

 

"I said get out Stella! Bago pa kung anong magawa ko sayo."

Nung marinig kong sumara yung pinto, saka ko minulat yung mata ko. Ayun si Japs, nakaupo sa sofa nakayuko, nasa ulo yung dalawang kamay.

Hindi ko napigilan yung pagtulo ng luha ko ng maalala lahat ng mga nangyari. Gano katagal na ba akong natutulog? Ang baby ko nawala tapos si Kuya Carl, si Kuya Carl! Hindi ko napigilan mapahagulgol kaya napatingin si Enzo sa direksyon ko tapos tumayo at lumapit sa akin.

"Babe, babe may masaket ba? Anong nararamdaman mo? Tatawag akong Doctor." Lalabas na dapat xa papunta sa pinto pero hinawakan ko yung kamay nya.

"No, I'm fine." mejo huminto nako sa pag-iyak pero tuluy tuloy parin yung daloy ng luha ko. Naupo xa sa upuan sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko tapos hinawakan nya yung kamay ko, naupo naman ako.

"Wala na ang baby ko." ayan nanaman yung mga luha ko.

"Ssshh.. Tama na babe, isipin nalang natin na nasa heaven na si baby. Gagawa nalang tayo ng bago." hinalikan nya ako sa noo.

"Yung baby ko."

Niyakap nya ko. "I love you babe. I'm so sorry kase hindi ko napigilan na mangyare to. Wag ka mag alala, hinding hindi ko hahayaan na mangyayari to ulet."

Mahal ko talaga tong lalaking to, wala xang kasalanan pero eto xa nanghihingi ng sorry at pinagagaan ang loob ko.

"I love you too!" tuluy tuloy padin yung pag iyak ko, napahawak ako bigla sa dibdib ko, eto nanaman, nahihirapan nanaman ako huminga.

"P-pwede pengeng tubig?" agad naman xa kumuha saka binigay saken.

Too HOT to Resist (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon