Chapter 26 part II Back! :)

261 3 1
                                    

Jasper's POV

Pagkababa ko ng phone, agad ako nagpabook ng ticket papuntang Davao.

Si Tita Adel yung tumawag, malayong pinsan ni Daddy at andun sya ngayon para bumisita.

Sabi ni Tita sa phone, pagkagising daw nila ngayong umaga, si Daddy daw hindi gumigising, may pulso pa pero mahina na.

Hindi ko naman kinakalimutan yung samin ni Xylah pero sa ngayon, kailangan ako ni Daddy, hindi pa ko handang mawala sya saken.

Pagdating ko sa Airport, dire diretso ako nagcheck in. Paakyat nako ng eroplano ng maramdaman kong nagba-vibrate yung phone ko, hindi ko pinansin, natataranta na kasi ako.

Maya maya, ayan nanaman hindi ko na tiningnan kung sino yung tumatawag, in-off ko na din agad, nag-announce na din kasi na patayin na yung mga phone.

I'm on my way Dad, please kapit pa..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paglapag ng eroplano, dire diretso ako sa hospital kung saan sinabi ni Tita Adel at nakahinga lang ako ng maluwag ng makausap ko yung doktor at sabihing ligtas na si Daddy. Mabuti na lang daw at nakita siya agad nila Tita.

"Gising na ang Daddy mo iho, hinahanap ka" nakangiti si Tita Adel habang sinasara yung pinto. Nakaupo kasi ako sa tapat ng kwarto ni Daddy, nag aantay lang.

"Where's Xylah? Gusto ko makausap ang batang yon, nakakahawa ang energy nya e" bungad ni Daddy saken.

Wala syang alam sa mga nangyari

I doubt kung may alam din si Daddy Cliff sa nangyayari saming mag asawa, nasa China kasi siya since last week for a business trip.

"Hindi ko na po sinama Daddy, nagmamadali din kasi ako." ayokong magsinungaling pero ayoko din namang ma stress pa si Daddy

"Ano po bang nangyari Dad? Nagskip kaba ng pag inom ng gamot mo?"

"No son, I just.. I just remember your mom last night. I relly miss her."

Nalungkot ko bigla sa sinbi ni Daddy namimiss ko din si Mommy kahit na hindi ko siya nakilala lalo pa ngayon na may problema ako sa married life ko. Pero di ako pwedeng magpakita ng kahit anong kahinaan kay Daddy, alam kong sakin lang din nya kinukuha yung lakas nya.

"I miss her too Dad pero alam nyo namang makakamasa sainyo yung sobrang stress at pag iisip.

"I know, I know. But now, I want you to do me a favor."

Nakaupo ako sa single sofa na nasa gilid ng hospital bed nya, napa angat naman ako ng tingin sakanya.

"What is it?"

"Call your wife, inform her that I am appointing her as the organizer of my birthday two weeks from now."

"Sige Dad, tatawagan ko sya mamaya"

"No, call her now, kuuh, I miss that lady, mas namimiss ko pa ata sya kaysa sayo" mukang okay naman na siya, tumatawa na.

The problem now, kapag tinawagan ko si Xylah, hindi nya sasagutin yung phone sigurado.

Pero nilabas ko padin yung phone ko, ayoko makahalata si Daddy.

Nung nagriring na, sinet ko yung loudspeaker para marinig mismo ni Daddy na hindi sinagot ni Xy yung phone.

*Ring ring ring*

*Ring ring r--"Jasper, finally! Yung asawa mo mag aalsa balutan na!" - Jeycah

"What?!" sigaw namin pareho ni Daddy

Too HOT to Resist (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon