Sa wakas.. babalik nako ng pilipinas, pupunta agad ako ng zambales para makita si Jacky... anim na taon narin ang lumipas nung huli kaming nag kita...
Kumusta na kaya sya? Ano kayang nagbago sa kanya? Ganun parin ba kaya sya?
Malamang marami na akong hindi alam tungkol sa kanya. Mukang mahaba haba ang pag uusap namin pag nagkita kami ha....
This time... sasabihin ko na talaga sa kanya ang mga bagay na hindi ko nakayang sabihin sa kanya nuon..
May boyfriend na kaya sya ngaun?
6 years... napakahabang panahon. Marami ng nagbago nun' marami na syang nakilalang tao. Ano kayang kurso ang kinuha nya? Malamang nag guro yun tulad ng sinabi nya sakin nuon na pangarap nyang maging teacher, tinanong ko pa nga sya kung bakit? Pero sumagot lamang sya sakin ng ngiti.
Ilang oras nalang lalapag na ang eroplano namin sa airport.
Mag isa lang akong uuwi ng pilipinas, pano ba naman kasi hindi ko matanggihan ang kaibigan ko na ikakasal na sa isang araw. Pero hindi lamang ito ang dahilan kung bakit napauwi ako ng pilipinas..
Umuwi rin ako para magtapat ng nararamdaman ko kay Jacky.
Sa airport..
"Brent! Kumusta kana!" Sigaw ni Philip habang pa-palapit sa akin.
"I'm good! I'm good!" Sagot ko.
"Pano bayan Brent, ikakasal narin si Jeff, dalawa nalang tayo ang naiiwan ha! May balak ka narin ba?" Pagbibiro ni Philip sabay tawa.
Kinuha ko ang mga gamit ko at nilagay sa likod ng kotse ni Philip.
"Darating din tayo dyan? O ano bang nangyari sainyo ni ano... ni Rose? Kala ko ba sya na talaga?"
"Alam mo Brent, pare masyado pa kasi tayong mga bata nun.. kaya syempre hindi pa ako handa nun! Hahaha!"
"Ganyan din yung sinabi mo kay ariane nuon no haha!"
Sumakay na kami ng kotse nya. Nag offer si Philip sakin na dun muna ako tumuloy sa kanila.. pero sa hotel na ako nagpahatid. Nakakahiya rin kasi isa pa.. gusto kong makita yung dati namin bahay, di kalayuan sa tutuluyan kong hotel.
Sa manila kami dati nakatira then lumipat kami ng zambales at makalipas ang ilang taon lumipat na kami ng amerika upang duon na manirahan ng permanente. Pamilya nalang kasi namin ang naiwan dito sa Pilipinas.
Nilapag ko ang bagahe ko sa gilid ng kama at umupo... napakaganda ng kwarto talagang masasabi mo na isang five-star hotel to. Humiga ako saglit at pumikit....
Brent! Brent!
Bigla akong nagising.. di ko namalayang nakatulog na pala ako.. siguro dahil narin sa pagod. Tumayo ako at hinubad ang aking damit, tinanggal ko ang sinturon ko at binuksan ang zipper, ibinaba ko ang aking pantalon at nagtungo sa CR upang maligo.
Binuksan ko ang shower at hinayaan kong mabasa ng tubig ang aking ulo...
Naalala ko nuon nung naliligo kami sa ulan ni Jacky.. hiyang hiya ako nun, first time ko kasing maligo sa ulan.
Si jacky... ang best friend ko.. ang umunawa at tumanggap sa akin. Pero natakot ako na kung aamin ako sa nararamdaman ko sakanya baka layuan nya na ako..
Baka isipin nya na tine-take advantage ko ang pag-kakaibigan namin. Natakot ako.
Gumawa rin naman ako ng paraan para malaman nya na may gusto ako sa kanya.. pero nabigo ako...
Siguro kaibigan lang talaga ang tingin nya sa akin..
Ang tanga tanga ko.. ngayon pinag sisisihan ko na ang lahat. Sana naging matapang ako. Sana nasabi ko sakanya na mahal ko sya. Kaya ngayon pag nagkita kami sasabihin ko na talaga sa kanya ang mga bagay bagay na hindi ko nasabi sakanya nuon..
BINABASA MO ANG
Until my dying day
Romanceang pag-ibig once na naramdaman mo na ito, kahit gaano pa katagal ang panahon ng inyong pag hihiwalay gagawa parin ng paraan ang puso upang makita muli ang minamahal. pero pano kung huli na ang lahat? lalaban ka paba o ito na ang panahon upang sumuk...