Chapter 2

690 19 0
                                        

Ngayong araw na ito ang pinaka magandang araw para sa aking kaibigan na si Alvin. Ngayon ang araw na papakasalan nya ang pinakamamahal nyang si Sylvia.

"Brent! Good to see you! Kala ko di ka makakapunta eh! By the way, my wife Sylvia" pakilala sakin ni Alvin

"Hi Brent! Finally nakilala rin kita! Totoo nga sinasabi nila talaga ngang gwapo ka!" Pagbibiro ni Sylvia

"Pero syempre mas gwapo ka honey" dagdag nya.

Napatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

"Nga pala Brent kumusta naman business mo sa Amerika? May plano kabang mag tayo ng business dito sa Pilipinas? Sabihin mo lang! "

"So far okay naman, wala pakong plano eh. Di pa sumasagi sa isip ko. Haha"

Simula ng tumira ako sa amerika at makatapos ng pag-aaral wala nakong inatupag kundi ang negosyo namin duon. Naisip ko bigla bakit ngayon lang ako bumalik ng Pilipinas? Alam ko naman sa sarili ko na anytime kung gusto ko, makakuwi ako ng Pilipinas...

Negosyo yata ang dinadahilan ko para hindi makauwi ng Pilipinas.

"Pano bayan Brent, punta tayong baguio bukas ano? Para naman makagala ka!" Yaya ni Philip.

"Nako, may lakad nako bukas pare!"

"Ha? Saan naman yan? Sayang naman"

"Pupunta akong zambales bukas pre, may bibisitahin lang ako"

"Ganun ba? Hmmm sige sige, basta kung magbago isip mo, sabihin mo lang ha."

"Sige sige sasabihan agad kita".

Sa hotel...

Inayos ko na agad ang gamit na dadalahin ko para bukas, may halong kaba at saya ang nararamdaman ko. Ano kaya magiging reaksyon ni Jacky pag nakita nya ako? Iiyak kaya sya? Magugulat? Masaya o magagalit sakin?

Naalala ko pa nuon, nung una kaming nagkita...

14 yrs. Old palang ako nun.

Tandang tanda ko pa nung araw nayun....

10 YEARS EARLIER

"Brent! Ano ba nakaayos naba lahat ng gamit mo?" Sigaw ni mommy.

Wala pakong naayos ni isa sa mga gamit ko, nakahiga lang ako nun kahit pa na ngaun kami lilipat. Ito ang pinaka ayaw ko, ang lumipat. panibagong eskwelahan, bagong mga kaibigan, bagong pakikisama. Kung bakit kasi kailangan pa namin lumipat ng probinsya. Para lang makapag patayo ng negosyo duon.

"Cookie, sabi ko na nga ba at hindi ka pa nag iimpake eh." Lambing ni mommy

Hindi ako sumagot upang iparating sakanya na ayokong lumipat na gusto kong manatili dito sa manila..

"Alam ko ayaw mong lumipat sa probinsya, ayoko rin naman. Pero cookie wala tayong magagawa... gusto mo bang maghiwalay tayong pamilya?..."

"Bakit kasi kailangan pa natin lumipat mommy?! Ayokong lumipat! Ayokong iwan mga kaibigan ko.. ayok----

Hindi pa 'ko tapos magsalita niyakap ako bigla ni mommy..

Sinabi nya sakin na ang mahalaga magkakasama kami at buo ang pamilya... mahirap din daw para sa kanya ang pag lipat, pero kailangan dahil kailangan namin suportahan si daddy...

Duon ko narealized na hindi lang pala ako ang nahihirapan si mommy rin pala..

Humingi ako ng sorry kay mommy at niyakap ko sya ng mahigpit.

"O' sya cookie. Mag impake kana.. dalhin mo lang kung ano yung mga kailangan mo..."

"Yes mommy...."

Nasa baba na ng bahay si mommy, at si daddy naman ay nakasakay na sa van.. tinawag ako ni mommy para bumaba na sa aking kwarto. Nagmamadali akong bumaba bitbit ang isang malaking bag, kinuha sakin ni mommy ang bitbit kong bag at nilapag nya sa likod ng van.

"Okay naba lahat? Brent anak nakuha mo naba ang gamit mo?" Tanong ni daddy.

"Yes dad okay na po" sagot ko kay daddy..

Ngumiti sakin si daddy..

"Okay na hon, ready na lahat" sabi ni mommy habang papasok sa harap ng sasakyan..

"Okay na? Tara na para di tayo abutin ng dilim sa daan" wika ni daddy

Di ko alam kung ano ang magiging buhay namin sa probinsya.. makakaya ko kayang mamuhay sa probinsya? Pero ang mahalaga magkakasama kami at buo ang pamilya.

Until my dying dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon