Chapter 7

283 7 0
                                    

Present day

Malapit na ako. Sa ngayon nasa Olongapo na ako.. huminto muna ako sa isang fast food chain para kumain. Buo ang pera ko, kaya naman nung binigay ng cashier yung sukli ko hindi ko muna itinago ang sukli, umupo ako sa gilid at nilapag sa lamesa ang tray na hawak ko. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa para ilagay ang sukli na binigay sa akin.

Habang nilalagay ko ang sukli sa wallet ko napansin ko ang picture namin ni Jacky nung JS prom. Matagal ng nasa wallet ko yun pero parang ngayon ko lang napansin na may picture kami dun.

Tinignan ko ang picture namin at napaisip...

Ano kayang nangyari sa amin kung inamin ko sakanya na mahal ko sya? Naging kami kaya nun?

Napatawa na lang ako sa aking sarili para akong baliw na tumatawa.

Naisip ko rin...

Magagalit kaya sakin to, sino ba namang hindi magagalit na biglaan yung alis ko nun. Umalis ako ng walang paalam sa kanya.

Kumain muna ako ng lunch ko at nag simulang bumyahe patungong Iba, Zambales

6 years earlier

"Cookie, naayos na namin yun visa natin sa Amerika. Kukunin na tayo nila Tita at Tito mo. Anytime pwede na tayong umalis"

Sabi ni Mommy pero nung mga panahong yun di ko inintindi yun.

JS prom na bukas ito na ang panahon para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. This time buo na ang loob ko para sabihin kay Jacky na mahal ko sya. Di na ako mag ho-hold back.

Nakaupo ako sa tabi ng puno nun malapit sa ilog,

ng dunating si Jacky na umiiyak. Nagulat ako sa nakita ko. Agad ko syang niyakap, hindi na nya napigilan ang emosyon nya kaya naman napaiyak sya ng malakas.

"What's wrong?" Tanong ko sa kanya..

"Jerald broke up with me....

We were fighting then he got offended." Sagot nya.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa narinig ko o masasaktan para sa kanya. Dahil alam ko naman na mahal nya si Jerald kaya naman ang ginawa ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Stop crying... look at you! Pumapanget ka when you cry. You dont deserve to cry..." sabi ko sa kanya sabay hawak sa ulo nya. Tumawa ako ng malakas para maging masaya sya. Ayokong nakikitang malungkot si Jacky lalo na pag umiiyak.

"Bakit ka ganyan, wala ka talagang paki alam sakin no? Parang di kita kaibigan... nag eemote nako dito niloloko mo parin ako." Sabi ni Jacky na parang bata. Ngayon ko lang nakita si Jacky na umiyak ng ganon.

"You wanna play? Come lets run!" Yaya ko sa kanya.

"Seriously? Ang tanda na kaya natin.." sagot nya.

"Who cares about the age? Nagawa naman na natin to may times ha!" Nagsimula akong tumakbo, at ganun din sya. Nagpahabol ako sa kanya. Pero hindi nya ako mahabol habol..

Ang saya saya ko that time.. yung wala akong maisip na problema. Basta't nasa tabi ko lang sya. Feeling ko kaya ko ang lahat.

Until my dying dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon