Chapter 3

549 19 0
                                        

10 years earlier

"Cokieeee... cookieee"

Naalimpungatan ako sa boses ni mommy.

"Cookie, gising na... andito na tayo.."

Parang ambilis ng byahe, nakatulog pala ako sa sasakyan kaya di ko namalayang nadito na kami sa zambales.

Bumaba ako ng sasakyan nakita ko si daddy na binubuhat lahat ng gamit namin papasok sa bago naming bahay.

Probinsyang probinsya dito. Medjo magkakalayo ang mga bahay di tulad sa bahay namin sa manila halos magkakatabi ang mga bahay.

Maglalakad kapa ng kaunti para makarating ka sa bahay namin..

Nagulat ako sa mga tao duon bago palang kami sa lugar pero tumutulong na ang mga tao duon, mga kapit bahay namin.

Naglakad ako papunta sa bahay, sa di kalayuan nakita ko ang dalawang babae na malapit sa mga puno na siguro mga ka-edad ko rin.

Tinignan ko lang sila at nagtuloy tuloy sa paglalakad papunta sa bahay.

Maganda rin pala ang bahay namin dito sa zambales, mababait ang mga kapit bahay namin. Pero wala akong makitang mga lalaki na ka edad ko na pwede kong maging kaibigan at kasama sa mga kalokohan.

"Cookie ano sa tingin mo?" Tanong ni mommy.

Tumango ako ng sagot at ngumiti.

Nasa kusina ako ng marinig ko si daddy na nagpapasalamat sa mga kapitbahay na tumulong, niyaya ni daddy na pumasok muna sila sa loob at mag meryenda. Di na raw kailangan, handa naman daw silang tumulong sa mga kapit bahay nila. Pero pinilit tlaga ni daddy sila kaya wala narin silang nagawa pumasok sila ng bahay at nagtungo sa kusina..

Nag hahanda na si mommy ng meryenda nun kaya naman pag upo ng mga kapit bahay namin sa lamesa may nakahanda ng meryenda.

"Wow ang gwapo naman ng anak mo! Ang puti puti oh parang artista ang kutis" sabi ng ginang na nakaupo sa tabi ko.

Ngumiti si mommy..

"Nako baka pag dito na ang anak mo umitim narin yan tulad namin" wika ng ginoo sabay nagtawanan sila.

Gawin ba'kong subject para sumaya sila.

"Ano palang pangalan ng anak mo Grace? " tanong ng ginang na katabi ni mommy.

"Ay si Brent nga pala... 14 yrs. Old na yan. Binata na.." sagot ni mommy

"Dapat pala ipakilala to kila Jacky at Karen eh, dalawa lang kasi yung bata dito na ka-edaran mo rin"

Umalis nako ng kusina upang umakyat na sa bago kong kwarto para maayos ko narin ang mga gamit ko, nagpaalam ako sa kanila na aakyat na, nag kwe-kwentuhan pa sila sa kusina ng kung anu-ano.

Naisip ko... mukang mahihirapan ako dito ha.. sa lugar namin tatlo lang kaming bata dito.

Buti nalang sabado bukas makakapasyal pako sa lugar namin.

Kinabukasan..

Hindi na ingay ng mga sasakyan ang gumising sa akin kundi ang tilaok ng mga manok at huni ng mga ibon.

Bumangon ako sa aking higaan at naligo. Pagbaba ko sa kusina wala na sina daddy at mommy pero may nakatakip na, na pagkain sa lamesa. Pagkatapos ko mag almusal lumabas ako ng bahay. Maalinsangan ang panahon..

Naglalakad ako sa labas ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit lahat ng tao na madaanan ko ay nakatingin sa akin. Naligo naman ako at naghilamos pagkatapos kumain, baka may dumi sa aking mukha? Nagbubulungan sila habang nakatingin sakin..

Habang nag lalakad ako narinig ko ang boses ni manang Esa na tinatawag ang aking pangalan..

"Brent! Brent!"

Humarap ako sa kanya at ngumiti...

"San ka pupunta unso?"

"Maglalakad lakad lang po manang Esa, gusto ko kasing ma explore yung lugar.."

"Ay ganun ba Unso, punta ka sa kabatuhan! Malapit lang yun. Maganda ang ilog duon"

"Talaga po? May ilog dito? Hmmmm... malinis naman po?"

Natawa si manang Esa sa sinabi ko.

"Haha! Syempre naman malinis! duon nga naliligo ang iba eh. Apay maglakad ka lang ng diretso pag nakita mo na ang tindahan kumanan ka, tas bumaba ka sa parang bangin, may hagdanan naman. Dun mo makikita ang ilog" paliwanag nya.

"Talaga po? Ay may tatanong po pala ako kung okay lang...."

"Ano yun unso?"

"Bakit po nakitingin sakin lahat ng tao na nadaanan ko? Galit po ba sila sakin? O may dumi sa mukha ko?"

Tumawa nanaman ng malakas si manang Esa.

"Hahaha! Di sila galit sayo o may dumi sa mukha mo, tinitignan ka ng mga yun kasi ngayon lang sila nakakita ng lalaking maputi at maganda ang kutis"

Nung narinig ko yun parang may nahulog na bagay sa ulo ko tulad ng pinapanood natin sa cartoons pag weird ang eksena. Ayun lang pala ang dahilan..

Nagpunta ako sa ilog at umupo.. maganda nga ang ilog tahimik at presko ang hangin.

Dahil walang magawa sa bahay nasa ilog lang ako maghapon.

Until my dying dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon