Chapter 6

262 9 1
                                    

          Nagmadali akong pumunta sa bayan upang makita si Jacky. Iniisip ko na baka kaya sya umiiwas ay dahil nag seselos sya sa akin, baka naman may gusto rin sya sakin? Tatanungin ko sya pag nakita ko sya kung may nararamdaman din ba sya sa akin.

Naglakad ako sa loob ng park, at nakita ko ang likod ni Jacky. Mag-isa lang sya, nang naglakad nako papalapit sa kanya laking gulat ko ng biglang may lalaking lumapit sa kanya at umakbay.

Halos gumuho ang mundo ko ng makita ko iyon.. bakit? Bakit nangyari to? Bakit kasi natakot ako... hanggang kaibigan nalang ba kami?

Naglakad ako sa lugar na makikita nya ako, pero kunwari hindi ko alam na nandun sila.

Habang naglalakad ako.. hindi nga ako nabigo nakita ako ni Jack at tinawag nya ako.

"Brent! Oy Brent!"

Tumingin ako sa kanila na parang nagulat at ngumiti.

"Oh ikaw pala yan Jack" bungad ko sa kanila.

"Jerald I want you to meet Brent, my bestfriend. Brent this is Jerald my boyfriend."

Pakilala ni Jacky samin.

"So, this is your boyfriend? Thats great, I'm happy for you.." sabi ko.

"By the way, di mo ba kasama si Sheila ngayon?" Tanong ni Jacky sakin.

"Wala na kami ni sheila!" Malungkot kong sinabi.

"Hah? Kilan pa?" Wika ni Jacky sa mahinahon na boses.

"Mga isang linggo narin ang lumipas..."

Hindi ako tumitingin sa kanilang dalawa dahil ayokong makita ni Jacky na nasasaktan ako.

"Bro, baka gusto mong sumama samin ni Jacky gagala kami mama---

Hindi pa tapos magsalita si Jerald sinabi ko agad sa kanya na hindi ako pwede, na marami pa kong gagawin.

"Basta bro, kung gusto mo ng kausap andito lang ako. Shot kung shot! Afterall bestfriend ka ng girlfriend ko, kaya para sakin tropa narin kita"

"Maraming salamat... oh well sige na pala una nako sainyo ha! May gagawin pa kasi ako eh." Sabi ko sa kanila,sabay tayo.

agad akong tumalikod sa kanila at naglakad papalayo.

"Ako dapat ang nasa lugar ni  Jerald ngayon.." bulong ko sa aking sarili.

Buong akala ko kaya di na nag papakita si Jacky sakin ay dahil nag seselos sya... hindi pala, kaya pala nawala sya dahil may boyfriend na sya at binibigay nya ang oras nya sa boyfriend nya..

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon ang sakit sakit parang tinutusok ng maliliit na karayom ang aking puso.

Jack, when you will see me as your boyfriend not your bestfriend?.

Until my dying dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon