𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 4

60 5 0
                                        

Chapter 4

Alex POV

Naka upo lang ako dito inaantay ko yung dalawa kong best friend pero sa tingin ko hindi sila papasok kasi mas maaga silang pumapasok saakin ehhh.

Papasok kaya yung mga yun? Nako lagot talaga sila saakin kapag hindi sila pumasok.

"Wag mo nang antayin yung mga yun kasi panigurado hindi rin sila darating"

Boses ng isang lalaki yun pero hindi sya familiar saakin, hindi ko ako lumingon kasi malay nyo hindi naman pala ako yung kausap nya diba? Pero nag tataka lang ako eh alam nya yung iniisip ko? Hindi. Siguro nag ka taon lang.

"Ayy snober si Ate" sabi nya, ako naman nakatingin sa labas ng bintana.

"Ok hindi naman kita masisisi kasi nga hindi mo pa ako kilala, hmm I'm Ray. Alex right?" sabi nya at doon lang ako nag lakas ng loob para lingonin sya. Nanlaki naman yung mata ko, kasi si Mr. Silay ay katabi ko ngayon. So What?

So ako pala yung kanina nya pa kinakausap? So paki ko? Wala ako sa mood ngayon.

Taas kilay ko syang tinignan kasi nga wala talaga ako sa mood para kumausap ng hindi naman importanteng tao.

"Oo nga. Tama nga siya. Masungit ka nga" bulong nya.

"hindi ako masungit,sadyang wala lang ako sa mood" sabi ko.

"ah ganon ba? So pwede dito muna ako sa tabi mo umupo?" pag papaalam nya.

"Naka upo ka naman na bakit mo pa tinatanong" sabi ko sa kanya, napa kamot nalang sya sa batok nya.

"I mean buong klase, pwede?" nahihiyang tanong nya.

Eh kung dyan sya uupo saan uupo yung mga kaibigan ko? Pero ang tanong papasok nga ba sila? Anong oras na oh, malapit nang mag simula yung first subject namin.

"bawal. May naka upo na dyan" sabi ko habang naka tingin parin sa labas ng bintana.

"Hindi daw sila papasok" sabi nya, kaya napa tingin naman ako sa kanya.

"How did you know?" tanong ko sa kanya pero umiwas lang sya ng tingin saakin.

"Binilin ka kasi nila saakin" sabi nya
"Hindi na ako bata, kaya kona sarili ko" sabi ko at umayos ng upo.

"Gusto kita I mean gusto kitang maging kaibigan pwede ba?" tanong nya napa titig naman ako sa kanya

Gwapo naman sya pero hindi ko sya type. Yes at kung sinasabi nyong crush o nahulog ako sa kanya well hindi po yun totoo. Sumasakay lang po ako sa trip ng dalawa kong baliw na kaibigan.

Makapal pala yung kilay nya, mahaba yung pilik mata nya pero hindi gaano kakapalan, yung ilong nya hindi matangos at hindi din pango, yung sakto lang. Yung labi nya makapal at mamula-mula plus may nunal pa sya sa gilid ng labi nya. Tapos maputi sya at katamtaman lang yung katawan.
Mas gwapo pala sya sa malapitan.

"Ah Alex tapos ka nabang titigan yung gwapo kong mukha?" tanong nya napaiwas naman ako ng tingin, nakakahiya yung ginawa ko.

"Kapal mo naman, gwapo ka? Saan banda" sabi ko sa kanya.

Ok na sana kung mabait sya pero mayabang ehhh.

"So pwede ba? Pwede ba tayong maging Friends?" tanong nya

"Bawal"

"Bakit bawal? Ano pa bang pwede kong gawin para lang maging Friends tayo?"

"lumayo ka"

COMEBACK(On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon