Chapter 9
Daniel POV
Natatawa ako sa reaction nya kanina saakin. Nako kung nandoon kalang matatawa ka sa kanya, pulang pula yung buo nyang mukha pati yung penga nya namumula hanggang leeg.
Ang bilis nya kasing mapikon.
Inaasar ko lang sya kasi ang cute nyang mapikon, para syang bata na inaaway at hindi makalaban.
Hahah LT yung mukha nya, super duper promise. Hahah!
Dumeretsyo ako sa Tree House namin, kung saan kami laging naka tambay ng mga kaibigan ko na tinuring ko ng mga kapatid ko.
-
Rixxy POV
Nang gigigil ako doon sa lalaking yun! Sarap patayin! Sarap bugbugin! Sarap pilayin! Sarap bigwasan! Sarap tadyakan! Sarap suntukun! Sarap kurutin!
Eh basta Masarap lahat! Hoyy! Pwera lang sa isa! Alam ko iniisip nyo at hindi ko alam kung masarap sya kasi hindi ko pa sya natitikman at wala akong balak na tikman yung lalaking yun! Kapal naman ng mukha nya!
Kumukulo dugo ko don! I hate him! I hate him! I hate him so much! Grrr!
Natanaw ko naman si Gayle na tumatakbo at kasunod nya si Ray.
Ano kayang nangyayari sa dalawang yun?
Sila ba?
Para silang mga bata na nag hahabulan sa damuhan! Parang mga tanga!
Mabilis namang lumapit si Gayle sa bintana na katapat ko, kinatok nya yun at sinenyasan kaming lumabas ni Alex kaya agad naman kaming bumaba.
"Hoyyy! Gayle! Sira ka ba ha?! Wag mo sabing sabihin yun eh!" sigaw ni Ray habang tumatakbo parin at mukhang papalapit sya kay Gayle.
"Mukhang nag kakasayahan kayo ha? Hindi ko alam na close pala kayo?" panunukso ko sa kanila, kaya pinanlakihan ako ng mata ni Gayle.
"Ano yung wag sasabihin?" biglang singit ni Alex kaya napatingin kami sa kanya "Just Asking" kibit balikat na dagdag nya pa.
May kakaiba sa babaeng to eh. Hindi ko lang alam kung ano yun, pero parang may kakaiba kasi talaga.
"Ahh ano kasi May Gus-" hindi na natapos ni Gayle yung sasabihin nya ng biglang sumingit si Ray.
"AnoKasiYayayainKoSanaKayongMagMallBukas" mabilis na sabi ni Ray at wala kaming naintindihan miski isa.
Ang weird ni Ray at Gayle ngayon. Kanina tulala sila tapos ngayon parang kinakabahan si Ray at si Gayle naman parang tangang ngingiti ngiti,yung totoo? Nasa katinuan pa ba sila?
"Hindi. Sabi nya may gu-" napahinto si Gayle sa pag sasalita ng pandilatan sya ni Ray ng mata.
Napangiti naman ako sa dahilang alam kona kasi kung anong ibig sabihin ni Gayle.
Sa Reaction palang ni Ray na parang ayaw nyang ipasabi halatang halata na.
"Ha? Ang galing may naintindihan kami, right Alex" kunyaring tanong ko kay Alex.
Lumingon naman si Alex saakin "Shut up Rixxy" bumaling naman sya sa dalawa "Ano ba yung sasabihin nyo? Mukhang hindi kayo nag kakasundo ah?" takang tanong ni Alex.
Nako mukhang nakakaramdam narin ang reyna.
Nag katitigan naman sila Gayle at Ray at pinandilatan nya ng mata si Gayle.
"Ang dapat kasing sasabihin ni Gayle ay Gusto daw mag yaya ni Ray mag outing para makapag bonding tayo, tutal mukhang may na buo naman ng barkadahan saatin" naka ngiti kong sabi at talagang diniinan ko yung salitang 'Gusto' Kinindatan ko yung dalawa kasi bakas sa mga mukha nila ang pagka gulat.
BINABASA MO ANG
COMEBACK(On going)
Novela JuvenilSya si Alexandra Nicole Salvador gusto nya ng tahimik na buhay, payapang lugar, masayang pamila, at walang prinoproblema na kahit ano. Pero miski isa manlang dyan ay hindi binigay sa kanya. Para bang pinaparusahan sya ng mundo kahit wala naman syang...