𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 47

43 4 0
                                    

Matapang kong pinagpatuloy ang paglalakad ko kahit na alam kong wala akong kasama ngayon. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Zia. Mas lalong hindi ko alam kung sinasadya n'ya bang iwan ako o hindi. Pero ayos lang yun, mas mabuti pang wala s'ya, walang maingay.

Hindi ko alam kung nasa'n ako. Nag-ikot-ikot ako sa buong lugar, trying to remember kung ano dapat maalala. Buti nalang at wala na ulit akong nakakasalubong kasi kung meron man hindi ko alam gagawin ko at baka maging kalahi ko si Patrick na sobrang takot. 

Hanggang sa makarating ako sa isang sobrang laking pinto. Parang may nagtutulak sa'kin na pasukin 'to.

Ano kaya ang nasaloob nito? Bakit sobrang laki naman yata ng pinto? Higante ba yung tao dito at kailangan sobrang laki yung pinto.

Sinubukan kong hawakan ang steel na handle at itulak pero nagulat ako ng biglang may nag beep sa right part.

Sa sobrang gulat napabitaw ako sa steel at natapilok din ako kahit wala naman akong heels.

Napatingin ako doon sa nag beep sa right part at may ilaw itong kulay red. It means kailangan kong ibigay yung password. Pero anong password yung ibibigay ko? Facebook password? Instagram password? Or Twitter password? Ano ba doon?

Sinubukan kong mag-enter ng random numbers and letters pero laging mali. Shit! Di pa naman ako marunong sa mga ganito. Mukhang hindi sa kamay ng mga taong nandito pa ako mamatay, ah. Baka dito pa sa walang kwentang password ako mamatay.

Bago ako umalis ay sinipa ko pa ng maypagka-lakas-lakas yung pinto. Umilaw nanaman ito ng kulay red pero hindi ito nag ingay.

"Dapat ganun yun, eh. Kapag sinipa dapat mag-iingay yun. Sa'n kaya binili yan? Hindi nga ako bibili kung saan binili itong pinto." Reklamo ko. "'Yung pintuan parang pangako n'ya lang sayo, bulok"

Paalis na sana ako ng biglang sumakit yung ulo ko kaya napakapit ako sa steel.

"Ouch!" Daing ko.

Bigla namang may nag flash sa utak ko.

                       °•°•♡•°•°

"Lolo, bakit po sobrang laki ng pintuan na yan? Maliit lang naman po kami ni Dria"

Natawa naman yung matanda dahil sa sinabi ng kanyang apo.

"Alex, apo. Alam mo ba kung bakit malaki yung pinto?" Umiling naman yung bata. "Kasi alam ko someday may mangyayaring hindi maganda, lalo na kapag nawala ako. 'Yang kwarto na yan ay nagsisimbolo sa inyong dalawang magkapatid. Oo, sabihin na nating maliit nga kayo. Pero malaki naman yung pangarao nyo. Dyan nakalagay lahat, kung sakaling may mangyaring hindi maganda. Nandyan lahat ng information nyo, apo."

Kumunot yung noo ng bata. "Lolo, hindi ko pa kayo maintindihan"

Ngumiti ng mapait yung matanda. "Bata ka pa, apo. Pero darating din yung panahon, kung saan maiintindihan mo na din lahat."

"Lolo, Alex. Ang daya nyo!" Daing ng isa pang bata.

Maganda ito, morena katulad ng isang bata, may singkit na mga mata katulad ng isang bata, mahaba din ang buhok ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay yung nunal sa pinge nila.

Yung kay Alex ay nasa left cheeks nya. Yung isa nasa gitna ng pinge nya habang yung isa naman ay may 1 inch ang layo sa bibig nya.

Yung kay Dria naman ay nasa right cheeks nya. Parang ganun lang din kay Alex pero yung kanya ay nasa right habang yung kay Alex naman ay nasa left.

COMEBACK(On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon