𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 37

40 6 0
                                    

Alexandra POV

“Umalis kana”

Mahinahon kong sabi. Ano ba kasing ginagawa nya dito? Bakit ba nandito pa sya? Ano bang kailangan nya? Kung alam nya lang, nakakabaliw na lahat ng nangyayare buset!

“Alex, Alex mah—”

“Ano ba Zia? Umalis kana!” pangtataboy ko sa kanya kasi ayaw ko talaga syang makita ewan ko kung bakit? Pero ayaw ko talaga.

“Ano ba yan Alex! Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba napapansin?” Kumunot naman yung noo ko dahil sa sinabi nya,napapansin ang alin?

“huh? Pinagsasabi mo dyan?”

“Hay p*ta naman oh! Bumalik ako at nagpakita para sayo!” tinuro nya pa yung sarili ko.

Pwede mo akong kausapin ng hindi ako tinuturo duh.

“hindi ko naman sinabing bumalik ka, at mas lalong diko sinabing magpakita kapa saakin” ok nawawala nanaman ako sa mood.

“Shit! Alex mahal pa nga kita ano ba ang hindi mo maintindihan doon?!” ngumusi naman ako.

“lahat”

“why?”

Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita.“kasi hindi kapani-paniwala” at sabay ngiti sa kanya.

“Alex nahihirapan na ako” pabulong nyang sabi pero narinig ko yun para bang nagmamakaawa na sya.

“bakit, ako ba hindi?” bigla akong nainis dahil sa sinabi nya, sino bang nagsabing magpakita pa sya saakin eh in the first place palang ayaw na ayaw ko syang makita talaga super ayaw!
“nahihirapan din ako, hindi lang ikaw. Nahihirapan na ako sa mga nangyayari lalo na't unti-unti na kayong bumabalik like what the hell anong nangyayare? Bakit nagkakaganito? Bwiset gusto ko na ng tahimik na buhay! Kaya pwede ba layuan at tigilan nyo na ako?!”

Hindi agad sya nakapagsalita dahil sa sinabi ko to be honest ayaw ko talaga syang makita,ulit.

“Alam mo bang tuwing nakikita kita naaalala ko nanaman kung paano mo ako lokohin at pagmukhaing tanga?” nakita ko naman kung paano nagbago yung mukha nya. “gulat ka? Wala pa akong masyadong maalala pero sa araw araw ko ba namang mapanaginipan lahat tignan natin kung hindi mo ma memorize lahat”

“Alex magpapaliwanag ako” nginitian ko lang sya at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

“Umalis ako ng 3 months para pumuntang America kasi may asikasuhin lang ako,pero hindi mo man lang ako ininform na wala na pala akong babalikan" ngumiti ako ng mapait.

"Alex, magpapaliwanag ako"

I don't need your explanation

"Sayang. Sinakto ko pa naman yung pag uwi ko, sinakto ko pa naman sa 5th Anniversary natin pero pag dating ko pak. Parang gumuho yung mundo ko, alam mo ba yun?" Kitang kita ko sa mata nya yung lungkot at guilty.

"Alex" mahina pero rinig na rinig ko.

"Tiniis ko na hindi ka tumawag, nag text o kahit anong connect sayo. Hindi ko ngarin sinabing uuwi ako ng saktong Anniversary natin kasi gusto kita i surprise, pero mukhang ako yung na Surprise" tumawa ako ng mahina.

"No"

"Alam mo bang nag mukha akong tanga noon? Sinasabi ko sa sarili ko na 'okay lang to'  'Baka nakalimutan nya lang' 'baka busy', 'baka may pinuntahan'. Trinay kitang tawagan non pero hindi mo sinasagot. Naka ilang tawag at text ako sayo pero miski isa walang bumalik saakin"

"Sorry" nginitian ko sya ng mapait.

"Pumunta ako sa Garden. Yung lugar kung saan saksi yung love story natin na nauwi sa Sad story." "Hinintay kita doon. Hinintay kita hanggang sa dumating ka kasi lagi kang nandoon. Doon ka laging  tumatambay, pero lumipas yung oras walang dumating. Walang dumating na Zia at sumalubong saakin."

"Alex"

"Walang sumalubong saakin hanggang sa mag gabi na at napag desisyonan kong pumunta sa bahay mo, ang tanga ko! Ang tanga ko diba?! Nag hintay pa ako ng matagal para lang makita ka eh may bahay ka naman. Ang tanga ko diba? Ok lang yun mana ako sayo eh."

"Nagpunta ako sa bahay mo. Sinalubong ako ng mga katulong nyo. Gulat pa nga sila kasi nakita nila ako. Nagulat sila kasi ngayon lang sila nakakita ng ganito kagandang mukha. Yung isang katulong nyo ayaw akong papasukin at sabi nyapa saakin “Ma'am wag nalang po kayong pumasok kasi baka masaktan lang kayo” syempre nagulat ako dahil sa sinabi nya. Nung una hindi ko ma gets yung sinabi nya kaya nagpumilit akong pumasok. Pinipigilan nya ako pero syempre dahil sa taglay na katigasan ng ulo ko, hindi ako nag papigil"

"Alex" Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag kwe-kwento.

"Naka ngiti pa akong naglakad noon sa hallway papunta sa kwarto mo para i Surprise ka sana kaso pag bukas ko ng pinto Pak. T*ngina ako pa yung na surprise imbes na ikaw"

"No. I'm sorry"

"T*ngina. Pag bukas ko ng pinto Boom! Ang ganda ng view. Alam mo kung bakit?" umiling sya kaya bahagya akong natawa "T*ngina ang ganda ng view sa sobrang ganda pati puso ko na wasak. Well, nakita ko lang naman kasi yung taong pinamamahal ko na may kahalikan na ibang babae sa kwarto nya! Ang sakit diba?! Ako yung na surprise eh! Ako yung nasaktan!"

"I'm sorry"

“alam mo ba kung ano yung pinaka masakit?” tinitigan ko sya at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya. “yung makita yung taong mahal mo na kahalikan yung taong nanira ng buhay mo, yung taong walang ginawa kung hindi sirain at paguluhin yung buhay mo, yung taong nagpahirap sayo”

“sorry, sorry kasalanan ko! Kasalanan ko lahat!”

"Ang sakit non ha?! Imbis na ikaw yung ma surprise ko kasi dumating na ako. Pero ako yung na surprise eh. Ako yung na surprise hindi mo man lang kasi sinabing wala na pala akong babalikan,na wala na pala akong lugar. Akala ko mag papaliwanag ka kasi nakita mona akong nakatayo eh. Pero ang Putang ina! Pinalabas molang ako ng kwarto kasi ang sabi mo nakakaabala ako sa inyong dalawa tarantado! Walangya ka! Dapat pala hindi nalang ako tumuloy para hindi ako nasaktan. Dapat pinakinggan ko nalang yung katulong nyo para hindi ako magkaganito."

" Im so sorry, Alex"

"Buti pa yung katulong nyo may pakialam sa nararamdaman ko pero ikaw? Nasaan na yung pakialam mo? Expired na ba? Nakakaloka dapat pala nag paload ako ng pang habang buhay para hindi agad-agad ma e-expired"

"No, hindi ganon yun"

"Eh sa papaano? Sa papaano? Sige nga! Ano?!"hindi sya sumagot "Tang ina alam mo bang pagkatapos ko kayong makita nag madali akong umuwi? Sa sobrang bilis kong mag maneho ayun nalaglag ako sa bangin. Na fall nanaman ako at wala nanamang sumalo saakin. "

"Ayun dinala daw ako sa hospital at na comatose ng ilang months. Tapos pag gising ko daw boom ganda ng buhay ko. Alam mo kung bakit?" umiling sya "Kasi pag gising ko wala akong maalala kahit ano. Mabuti nga yun kasi nakalimutan kita, nakalimutan ko yung sakit na binigay mo. Kaso mas masakit pala yung bagong buhay na kakaharapin ko"

"Hindi ko alam na ganon yung nangyari sayo"

" Kailangan bang Parati nalang ba akong masasaktan?"

"Hindi ko alam"

"Yun nga eh. Hindi mo alam hindi ko alam at walang nakakaalam. Alam mo kung bakit?"

"Hindi"

"Syempre pano mo malalaman kung wala namang nag sasabi. Stupid" pangtataray ko sa kanya. "Makakaalis kana, ayokong makita yang manloloko mong mukha"

COMEBACK(On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon