Chapter 22
Rixxy POV
Alas-siyete na ng imedya ng magising si Alex. Ang tagal nyang magising noh? Alam nyo ba kung bakit? Kasi ako, hindi ko alam eh. Joke peace tayo.
Ng magising si Alex ay agad kaming lumapit sa kanya. Nandito pa din yung anim. Hindi daw sila aalis dito hangga't hindi pa nagigising ang princess nila. Swerte ni Alex noh? Sana tayo din.
Si Ray naman ayun niyakap agad sya ng magising sya. Kami naman ni Gayle nandito sa side ng kama at naka-upo.
"Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Anong nangyari sayo kanina? Bakit ka nawalan ng malay? Sinong gumawa sayo nun? Sinaktan ka ba nila? Sino sila? Isasalvage ko yun mamaya. Tell me sinong gumawa sayo nyan-"
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng magsalita si Alex.
"Kalma sissy. Walang nangyaring masama saakin. Iisa lang ako at ang dami ng katanungan mo. Iisa lang yung bibig ko pero napakadami ng tinatanong mo" natatawa nyang sabi.
"Nako tatawa tawa ka pa dyan. Kung makatawa ka kala mong hindi ka hinimatay ah. Sapakin kita dyan eh. Nag aalala lang naman ako sayo eh."
"So, Alexandra Nicole Salvador ano nga bang nangyari sayo kanina?" pang aasar ni Gayle. Alam kasi naming ayaw na ayaw ni Alex na tinatawag sya sa buo nyang name.
Alam nyo ba kung anong reaction ni Alex? Ayun sumama yung tingin nya kay Gayle. Ang lakas kasi maka badtrip ni Gayle kahit kailan.
"Cut the surname, my second name,and xandra. Just call me Alex, get it?" masama parin yung tingin ni Alex kay Gayle pero si Gayle? Ayun nakangiti lang, nakuha pang ngumiti ni gaga.
Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga.
"Okay Alex ano nga bang nangyari sayo sayo kanina?" loko talaga si Gayle. Diniinan pa talaga yung pagsabi sa name ni Alex.
Sahalip na pansinin sya ni Alex ay
Humugot nalang muna ng isang malalim na buntong hininga si Alex bago nya kwinento lahat lahat.Nakatingin saamin si Alex habang nag sasalita. "Nagising lang naman kasi ako dito kanina na walang kasama" may tonong sarcastic yung pananalita nya. Napaiwas naman kami ng tingin sa kanya. "Tapos pag labas ko, ang tahimik nakakatakot. Tapos feeling ko may nakatingin saakin" huminto saglit si Alex para mag pout.
Nagkatinginan naman kami. Ako, Gayle, Daniel, at yung anim. Yung mag tito naman hindi maintindihan yung kinikilos namin.
"F-Feeling mo may nakatingin sayo?" tanong ko kasi parang ayaw mag sink sa utak ko yung sinabi nya. Napanganga nalang ako ng tumango si Alex, it can't be.
"Tapos sa elevator, may nakasabay akong lalaki" seryoso yung mukha nya. "Naka all black sya, ano bang meron sa black? Bakit parang ang special ng black? Tignan mo, yung anim naka black, si Daniel naka black, kayong dalawa naka black" tinuro nya kaming dalawa ni Gayle. "Tapos ako, ano nga bang meron sa black? May patay ba?" inosenteng tanong ni Alex.
Napangiti naman ako sa naisip kong kalokohan. Haha. Shh lang kayo, masaya to haha.
"Oo, may patay" panimula ko na kinagulat ni Alex. Ang sarap nya talagang pag tripan haha. Ang cute.
"Ha? Sino? Kilala ko? Malapit saakin?" inosente nyang tanong, tumango naman ako. "Sino ba namatay?"
Napahawak naman ako sa bandang puso ko.
"Yung puso ko namatay, punta ka sa libing ha? Baka sakaling mabuhay pag nakita ka" natawa naman yung ibang nandito syempre kasama na ako doon. Si Alex naman seryoso lang pati si Gayle.
"Gaga wala kang puso" singit naman ni Gayle.
"Meron kaya" inirapan ko sya.
"Nasaan?"
"Nasa sementeryo, tignan mo kung tumitibok pa"
"Ah. Sige, sama ka para masaya" naningkit naman yung mata.
"Bakit naman? Hindi ka ba magiging masaya kung ikaw lang mag isa?"
Ngumisi naman sya saakin. Alam kona binabalak nito.
"Hindi. Mas magiging masaya ako kapag kasama ka. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Gusto kitang isama para isama sa puso mo doon sa libing." ngumuso naman ako.
"Bad!" inirapan ko pa sya.
"Oy! Tama na nga yan, mamaya mag sumbong si Rixxy sa Boyfriend nya eh. Opx wala ka palang Boyfriend sorry" natatawang sabi ni Alex.
"At talagang nakisali ka pa ha? Humanda kayo sakin" kinuha ko yung unan at pinaghahampas ko sa dalawa.
"Hoy! May Boyfriend ako! Maiintindihan nyo?! Busy lang sya ngayon!"
"Oo busy sya. Busy sa ibang babae!" Ani ni Gayle at tumakbo sa likoran ng anim. Hinabol ko naman sya ng unan.
"Tarantado! Mahal ako nun!" sigaw ko habang hinahampas hampas si Gayle.
Yung mga lalaki naman tawa lang ng tawa saamin. Kasama na doon si Alex, tawa lang ng tawa sa kama.
"Nakita ko kaya si Patrick na may kasamang ibang babae and take note naka-akbay pa sya. Aw sis papayag ka doon?"
"Tarantado manahimik ka nga, ang daldal ng bibig mo!"
"Oy tama na yan! Rixxy nasasaktan din si Gayle, tao lang din yan. Hindi nga lang halata!" natatawang sabi ni Alex at syempre pati ako natawa.
Sinugod naman na sya ni Gayle ng bigla syang magtalukbong ng kumot.
"Ayoko na! Masakit! Joke lang yun! Maganda ka na--Aray!" angil ni Alex sa loob ng kumot. Pinagpapalo kasi sya ng unan ni Gayle.
Huminto naman na si Gayle sa paghampas sa kanya. Lumapit naman ako sa kanila at parehas ko silang niyakap. Namiss ko yung bonding namin na ganito.
"Namiss ko toh!" sigaw ko habang nakayakap sa kanila.
"Ayiee si Rixxy nag dradrama!" sabay na sabi ng dalawa habang tumatawa.
Niyakap din naman nila ako, kahit na ganito kami mahal na mahal namin ang isa't isa at stay strong ang friendships namin. Walang makakabuwag non maliban saamin, kahit anong problema ang dumating sa amin. Sabay sabay naming aayusin yun. Magtutulungan kami hanggang maging isa nalang kami.
"I love you sisters" bulong ko sa kanila.
"You know naman na hindi ako malambing na tao. Pero pagdating sa inyo bumibigay ako kaya I love you too" Ani ni Gayle.
"Shh. Syempre hindi pwedeng wala ako kaya I love you more sisters" sabi naman ni Alex.
Nasa ganon kaming posisyon ng biglang may nagsalita.
"Grabe kayo, maglambingan ah"
Napatigil kami ng may narinig kaming boses. Napalingon naman kami doon at nakita namin yung boys na nakatingin saamin.
May tao pa pala dito? Akala ko kaming tatlo lang yung nandito. Natawa naman kaming tatlo at nag peace sign kami sa kanila.
A/N: Sana ganyan din kayo ng kaibigan mo! Stay Strong sainyo ng Kaibigan nyo! Kaibigan meaning Best friend hindi kaibigan meaning ka love life! Pero pwede ding Jowain yung kaibigan haha.
BINABASA MO ANG
COMEBACK(On going)
Novela JuvenilSya si Alexandra Nicole Salvador gusto nya ng tahimik na buhay, payapang lugar, masayang pamila, at walang prinoproblema na kahit ano. Pero miski isa manlang dyan ay hindi binigay sa kanya. Para bang pinaparusahan sya ng mundo kahit wala naman syang...