𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 15

41 5 0
                                    

Chapter 15

Alex POV

Magkasama kami ni Ray na pumunta dito sa Garden kasi dito ko gustong pumunta at syaka tinanong ako kanina ni Ray kung saan ko daw gustong pumunta kaya andito kami ngayon sa Garden.

Si Daniel naman kasama si Rixxy. Hindi nga makawala si Daniel kanina eh. Gusto daw kasi syang kasama ni Rixxy kahit na magkainit sila ngayon. Wala daw kasing taga picture si Rixxy kaya ayun inaya nya si Daniel sayang naman daw kasi yung suot nya kung wala syang taga pictures diba?. Doon sila sa Dagat nag lilibot. Naka yellow dress lang naman sya eh. Arte.

Si Gayle naman kasa si Chester. Nasa pool side sila naglilibot. Close nga sila agad eh. At syaka napapansin ko lang parang ang bilis nilang maging close tapos parang may something sa isa't isa yung ganon. Ha basta. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung anong namamagitan sa kanila. Chos.

Ako naman eto nakatayo sa mga iba't ibang uri ng bulaklak. Pinagmamasdan ko sila isa't isa ang gaganda kasi.

"Mahilig ka pala sa Flowers"

Sa sobrang busy hindi ko namalayang may kasama papala ako dito, akala ko mag isa lang ako, haha chos.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Ray na kinukuhan ako ng pictures. Nanlaki naman yung mata. Kanina nya pakaya yan ginagawa? Nako nakakahiya naman.

"Oy ano ba? Tigilan mo nga yan" sabi ko at tinatakpan kopa yung mukha ko.

"Ang ganda mo nga eh"

"Ano ba? Iiwan kita dito bahala ka" angil ko.

"Hindi na po" tinanggal kona yung kamay ko na nakaharang sa mukha at tinignan ko sya ng diretsyo at nakangiti pa talaga ang loko.

"Pakita nga ako, pwede?" tanong ko

"Oo naman, pictures mo naman yung mga nandyan eh" nakangiti nyang sabi kaya naningkit yung mga mata ko. "Oh bakit? Totoo naman eh" natatawa nyang sabi.

Binigay nya saakin yung camera nya at nakita ko nga yung mga pictures ko. Puro mukha ko lang yung nandito. Puro stolen pics ko. Pero infairness ang ganda ko parin kahit stolen lang.

Napangiti ako ng makita ko yung latest pictures ko. Hawak hawak ko yung bulaklak dito at dito din ako nakatingin at nakangiti ako dito. Ang ganda ko lang. Haha.

"Ang ganda mo dyan. Para kang prinsesa"

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Ray na nasatabi kona at nakangiti ng pagkalapad lapad. Kumunot naman yung noo ko ng makita kong puro pictures ko lang yung nandito.

"Bakit puro pictures ko lang yung nandito?" nagtataka kong tanong.

"Ah. Wala naman" nag iwas sya ng tingin. Napangiti naman ako.

"Crush mo ko ano? Yiee" pang aasar ko.

"Lah. Hindi kaya" pagtanggi nya. Pagtanggi talaga kasi alam ko namang crush nya ako eh.

"Baka naman gusto mo ako? Gusto mo ako noh? Yiee aamin na yan" pang aasar ko sa kanya.

"Hindi nga." namumula naman na yung mukha nya. Comfirm may gusto nga saakin.

"Ok lang yun, gusto din naman kita eh" nanigas ako dahil doon sa sinabi ko.

Ano yun?

Bakit ko sinabi yun?

Saan nanggaling yung sinabi kong yun?

Hala! Kinakabahan ako. Ano ba kasi tong pinag sasabi ko? Nakakainis.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko sya nakatingin ng diretsyo saakin. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Ano ba tong pinasok ko? Bakit ko pa kasi sinabi yun?

"M-May g-gusto ka saakin?" nauutal nyang sabi na parang hindi sya makapaniwala.

Nandito na tayo eh. Kailangan ko pa ba itanggi? Wala naman sigurong masama kung umamin ako diba? Ok lang naman saakin kung hindi nya ako gusto eh. At least nasabi ko yung nararamdaman ko.

Tumango naman ako at nag iwas ng tingin.

"Oo. Oo may gusto ako sayo. Hindi ko alam kung bakit, paano, kailan pero ang alam ko lang ayun na. Bigla nalang akong nagkagusto sayo" kinabahan naman ako ng hindi sya magsalita at nararamdaman ko yung mga titig nya saakin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya ng diretsyo saka nagsalita uli.

"Ok lang naman kung hindi mo ako gusto eh. Nandito na tayo eh. Narinig mona bakit ko pa itatanggi? Gusto ko lang namang malaman mo kung ano yung nararamdaman ko. Yun lang, hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo din ako. Basta gusto kita"

Nakatingin lang ako sa kanya, ay sayang naman yung Speech ko kung hindi sya magsasalita diba? Kaya hinampas ko sya sa braso nya.

"Huy! Tulala ka dyan. Wala kabang sasabihin?" umiling naman sya. "Ano bayan sayang naman yung Speech k-" nagulat naman ako ng hilahin nya yung braso ko at iyakap sa kanya.

Kaya ang eksena namin ngayon ay magkayakapan dito sa Garden. Pwede na ba akong kiligin? Wait mamaya nalang haha.

"Hindi sayang yung Speech mo kasi narinig ko" bulong nya sa mismong tenga ko. Para akong kinikiliti. Yung mga laman loob ko nag wawala na pero syempre hindi magpapatalo yung puso ko. Sobrang lakas ng tibok nya.

"Wag kang mag alala dahil gusto din kita. Sasabayan ko yang nararamdaman mo, hindi ko hahayaang ikaw lang nakakaramdam gusto ko parehas tayo" napangiti ako dahil sa sinabi nya.

"Ayieeee sabi kona nga ba may mangyayaring ganitong eksena eh!!!"

Hindi namin pinansin ni Ray yung mga kaibigan naming nag sisigawan kasi eksena namin to eh. Saaming dalawa lang.

Nagulat nalang ako ng makalapit na saamin yung mga kaibigan namin.

"Hoy! Anong eksena yan?!" sigaw ni Rixxy

"Nako tito, sya pala yun ah!" pang aasar ni Chester.

"Yieeee!!! Kami naman yung susunod ni Rixxy!!" biro ni Daniel. Kaya binatukan sya ni Rixxy. "Arayy! Masakit yun ah!" daing nya.

"Mas masakit pa dyan yung makukuha mo kapag nangasar kapa" pagtataray ni Rixxy kay Daniel.

"Yieeee! Busted na agad ako" biro ulit ni Daniel.

"Manahimik kanga dyan. Ang ingay mo!"

"Eh pano busted na agad ako kahit hindi pa ako nanliligaw" at ngumuso pa sya.

"Kahit hindi ka pa nanliligaw busted kana, i hate you!"

"Ok lang kasi sa susunod yang Hate mo magiging Love na. I love you too" pang aasar ni Daniel.

Napikon na si Rixxy kaya pinaghahampas nya nanaman Si Daniel. Kawawa talaga si Daniel dito kay Rixxy.

"Ayieee may magka MU na dito!" sabay sabay nilang sabi.

"Malabong Usapan" sabat naman ni Gayle.

"Muling Umasa" sabat naman ni Rixxy, kahit kailan talaga.

"Malanding Ugnayan" sabat naman ni Chester.

"Miss Understanding" sabat naman ni Daniel, epal din eh parang si Rixxy lang.

Pag talaga lang nagkatuluyan yang dalawang yan tatawanan kolang sila. Lakas nilang mang asar sa Lovelife ko eh.

"Mutual Understanding" sabay na sabi namin ni Ray.

Hinding hindi ko talaga makakalimutan tong araw na to. Napakasaya ko, napakasaya ng puso ko.

COMEBACK(On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon