Daniel POV
Nandito ako ngayon sa bahay ako lang mag isa dito kasi busy sila mommy at daddy actually may kasama naman ako yung mga katulong ngalang namin.
Si Rixxy at Gayle ay may pinuntahan habang si Chester at Ray ay nasa mall para bumili ng regalo para sa kaarawan ni Gayle bukas, ano kayang ganap? Magiging masaya kaya? I think so.
Patayo na sana ako ng bigla akong nasamid, parang may bumara sa lalamunan ko kahit wala akong kinakain.
Agad naman akong pumunta sa kitchen para uminom ng tubig, habang nasa kitchen ako may iba akong nararamdaman, hindi ko maipaliwanag, parang may taong nakatingin saakin.
Tumingin naman ako sa paligid ko pero wala akong nakita kahit ano, hindi ko nalang pinansin at uminom nalang ako ng tubig.
-
Hindi ako mapakali kasi feeling ko talaga may nakatingin saakin, dahil gusto kong makasiguradong walang ibang tao dito sa bahay maliban saakin at sa mga katulong namin nilibot ko yung buong bahay namin.
Habang naglalakad ako dito sa kitchen ay may narinig akong kumalabog sa kwarto ko kaya nagmadali akong pumunta doon.
"sino yan? Sinong tao dyan?" lakas loob kong tanong hindi pa ako totally nasa loob nasa tapat lang ako ng pinto ng kwarto ko.
Papasok na sana ako sa loob ng biglang may sumigaw galing sa loob ng kwarto ko.
"Bakit hindi nyo sinabi saakin?! Wala kayong kwenta!"
Boses babae sya.
Hindi ko alam kung kaninong boses yun.
Hindi ko kilala yung boses.
Parang ngayon ko lang narinig.
"anong pinagsasabi mo? Sino ka ba?"tanong ko.
"kilala mo kung sino ako! alam mo kung anong tinutukoy ko!"
"hindi kita kilala!"
"Grabe ang bilis mong makalimot hahaha.." tumawa sya ng tumawa. Yung tawang nakakatakot at kikilabutan ka talaga dahil sa tawa nya.
Agad ko namang sinipa yung pinto para mabukas agad pero.
teka...
Walang tao?
walang bumungad saaking tao walang kahit anong nandoon, iginala ko pa yung mga mata ko pero wala talaga.
Sino yun? Anong ibig nyang sahihin? Ako? Nakalimot? Sino ba sya?
May napansin naman akong isang papel at agad ko yung pinulot at binasa ang nakalagay doon.
Nagulat naman ako dahil sa nabasa ko may sign ding moon doon sa papel.
"hindi kaya?" nakatitig lang ako sa papel. "Shit! No, hindi to maaari!"
-
Gayle POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at ang ginagawa ko ay nag aayos ko para sa party ko mamaya ang sabi ko kay mommy at daddy wag ng bongahan yung birthday party ko ang gusto ko lang sana ay yung simple lang,yung nandoon yung mga malalapit na tao sakin,lalong lalo na yung mga kaibigan ko.
Pero mukhang malabong mangyari yon.
Mukhang malabong mabuo kami ngayon.
Mahalaga saakin tong araw na to kasi kaarawan ko at ang gusto ko sana ay buo yung mga kaibigan ko kaso mukhang malabo.
Lalo na ngayon kasi,kasi nawawala si Alex :‹
Naaalala ko nanaman sya, nasaan na kaya ng lupalop ng Mundo napunta yung pandak na yun?

BINABASA MO ANG
COMEBACK(On going)
أدب المراهقينSya si Alexandra Nicole Salvador gusto nya ng tahimik na buhay, payapang lugar, masayang pamila, at walang prinoproblema na kahit ano. Pero miski isa manlang dyan ay hindi binigay sa kanya. Para bang pinaparusahan sya ng mundo kahit wala naman syang...