𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 20

38 4 1
                                    

Chapter 20

Alex POV

Nandito na kami sa Room naming mag kakaibigan. Yung dalawang babae nasa kwarto na nila at nag aayos na, ako at yung dalawang lalaki nandito sa Living Room at nanonood,si Ray nasa kwarto namin at naliligo kaya ako nandito muna.

Nakaupo lang ako dito sa malaking sofa ng biglang magsalita si Chester.

"Wag mong iiwan yung tito ko ah"

Napatingin naman ako sa kanya at pero nakatingin lang sya ng diretsyo sa tv.

"Pano yan. Hindi pa naman kami?"

Natawa naman si Daniel.

"Alex naman. Seryoso kasi kami dito oh. Tapos bigla bigla kang babanat" angil nya pa.

Napakamot naman ako sa ulo ko at humarap ako sa kanila.

"Totoo naman eh. Hindi pa naman kami, at syaka hindi pa naman sya nanliligaw"

"Pano kung manligaw na sya, sasagutin mo ba?" tanong ni Chester.

Sasagot na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan ng kwarto nung dalawang babae.

Nakapantulog na silang dalawa. Si Rixxy nakakulay Violet, habang si Gayle naman Rainbow yung kulay ng suot nya.

Haha ang cute nila, para silang bata.

"Oy Alex, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ni Rixxy.

"Wala naman"

"Nako. Nagagandahan kalang saamin eh. Ayaw mo pang sabihin pero anyway thank you in advance hehe" sabi naman ni Gayle.

Napailing iling nalang ako sa dalawang ito. Bakit ba kasi may kaibigan akong baliw at maldita? Kunin nyo na po sila--Joke lang. Hindi ko kayang mabuhay ng wala sila sa piling ko.

Napamahal na din saakin tong dalawang to. Kahit ganyan sila mahal na mahal ko sila. Hindi man kami family sa dugo pero family naman kami sa puso.

"Ang cute nyo" wala sa sariling sabi ko kaya nagulat yung dalawa. Miski ako nagulat, ano bang pinagsasabi ko? Mamaya aasarin nanaman ako ng dalawang to eh.

"Oh my! Si Alex!" sigaw ni Rixxy. OA talaga, ang ingay ng bunganga.

"Alex anong nakain mo? May sakit ka ba? Nasa katinuan ka ba?" tanong naman ni Gayle.

Umiling naman ako ng umiling.

"A-Anong mga pinag sasabi nyo dyan. May sinabi ba ako? Ano ba sinabi ko?"

"Sabi mo Cute ako" nakangusong sabi ni Rixxy.

"May sinabi ba ako?"

"Oo"

"May narinig ka?"

"Oo"

"Ahh. Ako kasi wala eh" palusot ko.

"Hindi eh. May narinig talaga kami eh"

"Wala naman akong sinasabi eh"

"Nako. Inlove ka nanaman saamin. Alex, mahirap ba tanggapin yun?" tanong naman ni Gayle.

Kumunot naman yung noo ko.

"Anong mahirap tanggapin?"

"Mahirap ba tanggapin na may magaganda kang kaibigan at kami yun"

"Maganda ba kayo?"

"Oo"

"Sinong nag sabi?"

"Ikaw"

"Correction lang. Ang sabi ko cute at hindi maganda."

"Ganun na din yun" angil nilang dalawa.

"Maganda ba kayo?"

"Oo" sabay nilang sabi.

"Bat hindi ko makita?" inirapan naman nila akong dalawa at "Arayy! Masakit yun ah!" angil ko kasi binatukan lang naman ako ng dalawa.

Umayos naman ako ng upo at inirapan ko yung dalawa. Sila na nga pinuri sila pa nanakit. Ang sarap nilang magpasalamat noh? Feel na feel ko. Feel na feel ko yung sakit ng ulo ko.

Tumikhim naman yung katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Ano?" inosente kong tanong.

"Gusto ko lang makuha yung sagot sa katanungan ko kanina"

"Ano ba yung tanong mo? Nakalimutan kona eh. Naalog yata ng malala yung ulo ko dahil sa pag batok saakin ng dalawa dyan sa tabi tabi" pagpaparinig ko sa dalawa.

"Che!" angil ng dalawa.

"Uulitin ko yung tanong ko. Pag nanligaw ba yung tito ko sayo, sasagutin mo?" inosente nyang tanong.

Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso. Tinanong ko naman yung sarili ko. Sasagutin ko ba? The question is mahal kona ba sya? Baka masaktan lang ako? Pero hindi nya naman siguro gagawin yun diba? Mahal nya ako--gusto pala. Gusto palang nya ako, pero matututunan nya din naman akong mahalin eh.

Napangiti naman ako sa mga naiisip ko ng tumikhim uli si Chester kaya napatingin uli ako sa kanya. Napatingin din naman ako sa tatlong naghihintay din ng sagot ko. Napangiti naman ako sa kanilang apat.

"Naghihintay kami dito. Baka nakakalimutan mo" sabi ni Rixxy.

"Pag nanligaw yung tito mo? Hm." kunyare nag iisip ako ng sagot "Well, ligawan nya muna yung mama ko"

"Eh paano kung pumayag?" tanong naman ni Chester na nagpangiti saakin.

"Edi, congrats sila na" natawa naman si Daniel sa sinabi ko.

"Alex, seyoso kami" singit naman ni Rixxy.

"Seryoso din ako" nakangiti kong sabi.

"You're not"

Ngumiti muna ako sa kanila bago sumagot.

"Hindi pa kasi ako tapos. Wala naman akong mama kaya for sure hindi papayag yun kasi buhay ko naman ito. And kapag hindi sya pumayag ako? Papayag" nakangiti kong sabi.

Napangiti naman sila, kaya nginitian ko rin sila.

"Ingatan mo yung tito ko ah?"

Tumango naman ako.

"Oo naman, mahal ko yun eh"

"Mahal ka ba?" pang aasar ni Gayle. Inirapan ko naman sya.

"Okay lang kahit hindi nya ako mahal. At least binigay ko yung best ko para iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal"

"Mahal mo ba talaga sya?"

Napahinto naman ako dahil sa tanong ni Gayle. Mahal ko nga ba talaga sya?

Parang hindi ko kayang sagutin ngayon yung katanungan nila.

Bigla namang bumukas yung door ng room namin ni Ray kaya napatingin kami doon.

Nakita naman namin si Ray na bagong ligo at amoy na amoy ko yung pabango nya.

"Okay, maliligo na ako. Next time nalang uli natin pag usapan yun" nginitian ko yung dalawang lalaki samantalang yung dalawa kong kaibigan na babae ay pinanlakihan ko ng mata.

Dali dali akong pumasok sa kwarto namin para kumuha ng damit at pumunta ng cr para maligo.

Minsan hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko. Bakit ba ako nagmamadali? Bakit ko iniiwasan yung tanong nilang yun? May mali ba saakin? Sa tingin ko meron, pero ano yun?

A/N: Sana nagustuhan nyo! Any Comment?

COMEBACK(On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon