10 - Addicted to you

43 10 2
                                    

JUNGKOOK'S POV

Papuntang Cebu si kuya Ariel  to attend to a contract signing with a client bukas. Nag request akong sumama sa kanya. Pumayag naman siya, gift daw niya sa akin sa pagtatapos  ko ng junior high school.

Maaga pa lang nasa airport na kami ni kuya when he said we'll cancel the flight.

Tumawag si dad and said we need to go to Cagayan de Oro first dahil may problem sa branch doon. Too bad nakalipad na ang only flight for the day ng Davao to CDO.

We have to bring ten key employees na makakatulong sa problema doon.

But since under repair yung company car we need to take the bus kasabay aming employees. Excited din ako since first time kong mag bus to CDO.

So now nasa bus terminal na kami lahat and pumasok ako sa bus at umupo sa window side. Napansin kong kumakaway ang mga employees namin with somebody from the other bus. Tiningnan ko kung sino. Then I realized it was Marielle...

Tinupak na naman siya. Nag trip na naman ulit itong babaeng ito. Tumawa ako at ngumiti ng malaki sa kanya.

Nagulat siya. Pero ako ay sobrang happy na makita siya.

Sayang hindi kami same bus. Kung alam ko lang earlier, lumipat sana ako doon. Atat na rin akong umalis para mahabol ko man lang at makita siya or bus niya from afar. Too bad I have to wait for 15 minutes pa.

"Nakangiti ka ng malaki Jungkook. Anong iniisip mo? Share naman diyan." Tanong ni kuya na 10 years older than me.

"Nakita ko po kasi yung friend ko." Sagot ko.

"Friend. Parang hindi yan ngiti para sa kaibigan. Akala ko girlfriend." Pabiro niyang sabi sa akin.

Tumawa lang ako... Wish ko rin sana nga GF ko siya. Pero hindi pwedeng mangyari yun. Sayang, hindi pwede.

Inaalala ko yung nakaraan.

*******
memories on Jungkook's POV

Galit ako sa mundo. Galit ako kay daddy. Grade 4 ako ng malaman kong meron siyang ibang family other than us. Dalawa lang kami ni kuya Ariel na anak niya kay mommy. Pero meron pala siyang isa pang anak sa Korea. Mas bata pa siya sa akin ng limang taon. Kaya pala napadalas uwi niya doon.

Since then galit na ako parati sa kanya. Araw-araw na lang silang nag-aaway ni mommy.
Although hindi pa rin naman niya kami iniwan. Nasa aming bahay pa rin siya pag nasa Pilipinas siya.

Until when I was in grade 6 natuklasan kong ngluluto pala siya ng druga sa isang factory namin. Front lang lahat ng aming mga negosyo. Ang totoong negosyo niya ay pagtutulak ng bawal na gamot. Isa siyang druglord. Pero hindi ito alam ni mommy at kuya.

Masyado akong nagalit sa kanya. Pinakiusapan niya akong wag sabihin sa mommy ko dahil sakitin ito.

Naging basagulero ako at marami katarantaduhang ginawa. Sinubukan kong magbisyo, uminom at nagsigarilyo sa murang edad ko. Pero natakot pa akong i try ang drugs.

Kaya inilipat na ako ni daddy sa ibang school pag grade 7 ko.

First day of school nung grade 7 ako:

Umaga noon ng marinig ko ang pag aaway nila mommy at daddy.  Yun pala ay dahil may bagong anak at kabit na naman siya. Nasa Manila naman yun.

Umalis akong maaga papuntang school. Parang sasabog ang puso ko sa galit. Naiisipan ko tumalon sa building ng bago kong school. Iniisip kong magpakamatay sa araw na yun.

Kaya lang, papasok pa lang ako sa school nadistract ako sa tagos ng dugo sa palda ng babaeng nasa harap ko.

Nakalimutan ko ang suicide attempt ko dahil iniisip ko paano sulosyunan ang malaking tagos sa palda niya.

Lumakad lang ako malapit sa kanyang likuran hoping walang ibang makakita nun. Pero bigla siyang nagalit, hinarap ako at nagtaray, "What's your problem?" 

Hindi ko alam paano sabihin kaya itinuro ko na lang yung palda niya. Halatang napahiya siya. Naawa ako sa girl na yun kaya pinahiram ko ang sling bag ko para matabunan ang tagos niya.

Then what a coincidence classmate ko pala siya. Since hindi siya nagpakilala sa akin. Nakinig na lang akong mabuti sa pag introduce niya sa sarili during class.

Aaminin ko cute siya pero hindi masyadong maganda. Pero natutuwa ako sa happy disposition niya.

Kahit merong nakakahiyang nangyari sa kanya kanina hindi ito nakaaffect sa mood niya. Masayahin siya at palangiti..

Nagbibiro siya habang nagpakilala sa class kaya nagtawanan ang lahat. Magaling siyang magbiro.

Maski ako napatawa niya. Hindi ko na maalala yung last time na tumawa ako or ngsmile man lang.

Naintriga ako sa kanya. Whole day ko siyang inoobserbahan. Nakalimutan ko ang mga issues ko. Kaya nasabi ko sa sarili ko she saved me from suicide. She is my savior.

Kaya bilang utang na loob. Nag offer akong ihatid siya sa bahay nila pauwi. Mabuti at pumayag siya.

Na awkwardan ako dahil first time kong mag angkas ng babae sa bisekleta ko.

Pero masaya ako lalo na nung niyakap niya ako dahil malapit siyang mahulog.

Simula noon, sabay na kaming nagbibike pauwi as long as wala kaming dance club practice. Parati siyang nagbibiro at nagpapatawa. Magaan siyang kasama.

Naikwento ko sa kanya ang complicated family ko except that my dad's a druglord. She gave me good advices. 

Buong taon ko sa grade 7 ay naging masaya dahil sa kanya. Naging magkaibigan kami but I still maintain a little distance and had other friends too. I don't want to be too close na parang bestfriend.

Ayokong maging bestfriend niya coz I want more than that. But she seemed to have no intent of entertaining lovelife. Kaya I respected that.

Nakalimutan ko ang bisyo kong pag-inom at pagsisigarilyo.  I want to make myself worthy sa kanya.

Every saturday dahil walang school, early morning akong nag-aabang sa labas ng bahay nila para lihim na makita man lang siya kahit sandali or marinig man lang ang boses niya.

Aaminin ko, maraming beses kong gustong sabihing

"I'm addicted to you."


Hanggang Kailan? (BTS Jungkook Fanfic - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon