14 - Daang Manolo Fortich

38 9 3
                                    


Present time

Alas kwatro ng hapon.
Sa zigzag road ng Manolo Fortich Bukidnon.

MARIELLE's POV
Limang oras na kaming nagbibiyahe. Limang oras puro memories lang namin ni Jungkook ang iniisip ko.

Minahal ko siya ng apat na taon. Isinulat ko yun sa love letter ko. Lahat ang totoo kong feelings. Nilakasan ko ang loob ko dahil inakala kong pareho kami ng nararamdaman.

Pero mali ako. Mali ang akala ko. Mali, dahil kung mahal din niya ako, sana sinabi niya. Sana sinagot man lang niya ang sulat ko.

Kaibigan lang siguro talaga ako para sa kanya.

Kaya nagpaalam na ako sa kanya kanina. I have to move on. Marami pa akong makikilalang iba. Bata pa ako.

Pero hindi ko pa rin matanggap that I have to say goodbye to him.

Gusto kong tanungin siya kung bakit kailangan kong magpaalam. Kaya I texted him, but he didn't reply. Ibinuhos ko ulit ang feelings ko through texts.

No reply.

I called him...

Cannot be reached.

He was trying to avoid me. He was ending our friendship. All because I confessed to him.

Nag overtake ang bus ko sa bus na sinasakyan ni Jungkook.

Sa loob ng sampung segundo nagkatabi ang aming mga bus. Nagkatabi rin kami. Nagkatinginan lang kami sa isa't-isa.

Naintindihan ko na Jungkook...
Oo tinatanggap ko desisyon mo.

Alas kwatro ng hapon.  Sa daang Manolo Fortich.
Ito na ang huli nating sandali.

Paalam..

JUNGKOOK's POV
Dahil nasira ang cellphone ko. I asked my kuya kung pwede kong hiramin ang cellphone niya.

But he said it was battery empty. Sayang hindi ko matetext si Marielle. I wanted to tell her to wait for me sa bus terminal. I have to tell her something.

Nanahimik na lang ako. Hanggang nag overtake sa aming bus ang bus na sinasakyan ni Marielle.

Sa loob ng sampung segundo nagkatabi ang aming mga bus. Nagkatabi rin kami. Nagkatinginan lang kami sa isa't-isa.

Hindi na siya nakangiti. Tumulo ang luha niya.  Naramdaman kong kay haba ng sampung segundo na 'yon.

Sabik ako sa kanya. Gusto kong buksan ang bintana ng bus upang abutin ang kamay niya. Kaya lang hindi nabubuksan ang bintana nito.

Gusto kong sabihing mahal ko talaga siya.
Gusto kong magsorry sa hindi pag reply sa love letter niya.
Gusto kong magrequest sa kanya na hintayin niya ako.

Pero naisip ko, hanggang kailan?
Hanggang kailan niya ako hihintayin?
Kaya mo kaya akong hintayin Marielle?

Meron kaya tayong bukas?

Ngumiti ako sa kanya, sana maintidihan niya that my smile meant I still hope may future kami. That this is not our last.

Alas kwatro ng hapon.
Daang Manolo Fortich.
Magkikita ulit tayo Marielle. Until then.

Lumampas na ang bus nila sa amin. Pero pilit kung tinatanaw siya sa malayo.

Somehow nagsisi ako kung bakit hindi ko man lang sinabi ang totoong feelings ko.

Hanggang kailan ko kayang itago ang feelings ko?

Tinapik ako ni kuya. Napansin niyang down ako.
"Are you alright bro? I'm just here bro. Kahit hindi ako good boy, I will be a good kuya for you. Go ahead make a request ngayon.. I will give you anything para mawala na ang lungkot mo."

"Thanks kuya." Nag fist bomb kaming dalawa.

Unexpectedly huminto yung bus namin. Pumasok ang maraming mga pulis. Kaya kinabahan ako. Nakita ko inihanda ni kuya ang kanyang baril.

Naisip ko pag nanlaban siya, siguradong mamamatay siya. Ganun parati sa mga news.

So I held his hand and whispered. "Kuya please... don't die... please.. just for me... Just let them catch you..."

Kumalma siya at tinitigan ako. "See you soon bro. I love you. Pretend you don't know me. Please."

Tumayo siya at nag surrender... pinusasan siya ng mga pulis. Kasama ang sampung mga employees namin..

Napagtanto kong walang problema sa legit business namin. Instead, they were trying to escape.

Kunwari lang nasira yung company car. Maybe nasa hit list na ang plate nun. So it would be difficult to go out of Davao. Kaya siguro kami nagbus. It would be safer.

Ang mga kunwari employees namin ay mga drug dealers. Nagtatago sa uniform ng isang legitimate company.

Naisip ko rin si daddy. Kung ano na ang situation niya. I have no way to contact him.

Umiyak ako at bumaba sa bus upang habulin ang police car.. Ngumiti lang sa akin si kuya habang papalayo na ang sasakyan.

Hanggang napagod na ako at nahirapan huminga. Nakaluhod na lang ako sa kalsada at hinimatay.

Paggising ko gabi na. Nasa bahay ako ng isang pastor. Hinimatay pala ako sa harap ng simbahan nila.

Nakita ko ang balita sa tv. Si daddy nahuli sa Davao. Si kuya dinala sa Cagayan. Umiyak ako.

Pero naintindihan kong mangyayari talaga ito sa kanila.  I know ito lang ang paraan upang mahinto ang masama nilang ginagawa. Ipinaubaya ko na lang sila sa Diyos.

Nagpakilala ako sa pastor and I told him my story. Sinabi niyang he will adopt me. His family welcomed me warmly and sinabing simula ngayon taga Manolo Fortich na ako.

Hanggang Kailan? (BTS Jungkook Fanfic - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon