MARIELLE's POV
Limang oras na kaming nagbibiyahe. Limang oras puro memories lang namin ni Jungkook ang iniisip ko.Minahal ko siya ng apat na taon. Isinulat ko yun sa love letter ko. Lahat ang totoo kong feelings. Nilakasan ko ang loob ko dahil inakala kong pareho kami ng nararamdaman.
Pero mali ako. Mali ang akala ko. Mali, dahil kung mahal din niya ako, sana sinabi niya. Sana sinagot man lang niya ang sulat ko.
Kaibigan lang siguro talaga ako para sa kanya.
Kaya nagpaalam na ako sa kanya kanina. I have to move on. Marami pa akong makikilalang iba. Bata pa ako.
Pero hindi ko pa rin matanggap that I have to say goodbye to him.
Gusto kong tanungin siya kung bakit kailangan kong magpaalam. Kaya I texted him, but he didn't reply. Ibinuhos ko ulit ang feelings ko through texts.
No reply.
I called him...
Cannot be reached.
He was trying to avoid me. He was ending our friendship. All because I confessed to him.
Nag overtake ang bus ko sa bus na sinasakyan ni Jungkook.
Sa loob ng sampung segundo nagkatabi ang aming mga bus. Nagkatabi rin kami. Nagkatinginan lang kami sa isa't-isa.
Naintindihan ko na Jungkook..
Oo tinatanggap ko desisyon mo.Alas kwatro ng hapon. Sa daang Manolo Fortich.
Ito na ang huli nating sandali.Paalam..
Jungkook's POV
Dahil nasira ang cellphone ko. I asked my kuya kung pwede kong hiramin ang cellphone niya.But he said it was battery empty. Sayang hindi ko matetext si Marielle. I wanted to tell her to wait for me sa bus terminal. I have to tell her something.
Nanahimik na lang ako. Hanggang nag overtake sa aming bus ang bus na sinasakyan ni Marielle.
Sa loob ng sampung segundo nagkatabi ang aming mga bus. Nagkatabi rin kami. Nagkatinginan lang kami sa isa't-isa.
Hindi na siya nakangiti. Tumulo ang luha niya. Naramdaman kong kay haba ng sampung segundo na 'yon.
Sabik ako sa kanya. Gusto kong buksan ang bintana ng bus upang abutin ang kamay niya. Kaya lang hindi nabubuksan ang bintana nito.
Gusto kong sabihing mahal ko talaga siya.
Gusto kong magsorry sa hindi pag reply sa love letter niya.
Gusto kong magrequest sa kanya na hintayin niya ako.Pero naisip ko, hanggang kailan?
Hanggang kailan niya ako hihintayin?
Kaya mo kaya akong hintayin Marielle?Meron kaya tayong bukas?
Ngumiti ako sa kanya, sana maintidihan niya that my smile meant I still hope may future kami. That this is not our last.
Alas kwatro ng hapon.
Daang Manolo Fortich.
Magkikita ulit tayo Marielle.Until then.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan? (BTS Jungkook Fanfic - COMPLETED)
RomanceCan an unspoken love turn into a love story? Hanggang kailan mo pwedeng itago ang feelings mo? Story of Jungkook and Marielle.