7 - JS Prom

41 9 2
                                    

January 1. New year na. Bagong taon ay bagong buhay!

Pero ayoko ng taon na ito. Matapos ang nakakahiyang ginawa ko sa christmas party. I felt like a loser. I started to feel depress again so niyakap ko na lang si MJ ang teddy bear ko from Jungkook.

Inalala ko, there was a time that I felt like a winner even if I lose. Yan yung grade 9 kami sa JS prom.

******
Memories nung grade 9

February 14 valentines day.
That year, excited ang lahat sa JS prom sa gabi. Ako lang yata ang hindi excited.

Paano kasi ang rule sa prom was lahat ng juniors (kami yun) ipair sa mga seniors (mga grade 10).

Dahil conservative ang mga madre sa school namin. Ang school mismo ang ngchoose ng partners namin via computerized random pairing.

Ginagawa ito para walang malisya na purely clean and friendly lang ang prom and not an avenue to find dates.

Pero hindi ako masaya dahil siyempre hindi si Jungkook ang pair ko. Second ang pair ko ay si Jason na sobrang mayabang at feeling F4. Hindi naman bagay sa kanya ang pineapple hairstyle. And third, dahil ang pair ni Jungkook ay si Sandra, kilalang beauty queen sa school namin.

Kahit gaano pag-emphasized ng mga teachers that the prom was not for dating purpose, ganun pa rin ang iniisip and pangarap ng lahat. Kaya pinaghahandaan itong mabuti.

Ako naman ay walang ganang magprepare. Inihatid ako ni papa sa Marco Polo Hotel on that night sabay habilin. "Don't go somewhere with a boy ok? Then text me when you're done."

"Yes po. I will be with my classmates lang po after the prom." Nagpromise and pinky swear ako sa kanya.

"Enjoy you're night. Beautiful girl!" Sabay kaway ni papa.

Pumasok na ako sa grand ballroom at na-amaze ako sa ganda ng decorasyon. Mas lalong nakakamangha ang transformation ng mga classmates ko. Ang gaganda and gwapo silang lahat sa mga long gown and suit na suot nila.

Hinanap ko si Jungkook pero di ko siya nakita. Baka later pa siya wala rin yung pair niya, sinundo kaya niya?

Malamang. Gentleman kaya siya. Ako naman ay hindi worth it sunduin ng partner ko kaya cool lang kami ni Jason.

Pumunta na ako sa designated table ko. Nandun nauna na si Jason.

"Hi! Do I look handsome?" Tanong niya.

Feeling pogi talaga. Sa palabas di ba normally ina-appreciate ng lalaki yung girl. Bakit siya pa nagpapacompliment?

"You're fine." Simpleng sagot ko para end of conversation na. Then umupo na ako and played with my cellphone.

Hindi ko masyadong naenjoy ang party. Nasa ibang table kasi yung friends ko. Naiingayan din ako kay Jason. Lumingon-lingon ako pero hindi ko talaga makita si Jungkook. Saan kaya siya nakaupo? Ang laki naman kasi ng ballroom.

Hinintay ko na lang matapos ang program para makapagbonding na kami ng classmates ko. We planned to have little bonding after sa coffee shop ng family ni Elaine.

Lumilitaw ang brains ko sa inip until bigla na lang hinatak ako ng partner ko sa harap ng stage. Nandun din ang 10 other pairs.

May game pala and nag volunteer itong si Jason. Idinamay pa ako. Nakita ko sa wakas si Jungkook nasa stage din siya kasama pair niyang si Sandra. Ang gwapo niya sa suit niya. Match kami. 😍

Adam and eve daw yung game. Nakapikit daw dapat kami lahat. We're gonna be separated from our pair.

Hahanapin ang aming pair using any sound, codes or whatever napag-usapan namin na strategy.

Basta we can only utter one word. "EVE" ang pwede sabihin ng lalaki to call for his pair na girl. And "ADAM" naman ang pwede lang sabihin ng babae para hanapin yung pair niya.

Ang first couple na mabuo na tamang pair silang panalo at mag-uuwi ng 5k.

Kung mali ang nahanap na pair mo and nakaopen eyes na kayo, out na agad ang nagkamali including his/her pair.

Game na game itong pair kong si Jason. He told me, ang sign na kami yung pair is hahawakan ang noo as if may lagnat. So we can identify na kami yung correct pair.

And to confirm baka merong same strategy na couple sa amin, sasabihin namin ang adam and eve in an Ilonggo tone.

Nagpractice pa kami saglit ng ilonggo way of saying adam and eve. Well, maganda naisip niya, very wholesome kaya parang naexcite na rin ako.

So nagstart na nga yung game. Nakapikit kami lahat. Siyempre ako rin.

Mahirap pa lang mangapa sa dilim upang hanapin ang nakatakdang para sa iyo...

Iba't-ibang ingay naririnig ko, kasali na doon ang malakas na sigawan ng audience and tawanan nila.

Hindi ko pa marinig ang ilonggo eve. Nilakasan ko naman ang aking ilonggo adam.

Hanggang merong bumangga sa aking harapan. Hinawakan ako sa braso.

I know then, hindi yun si Jason dahil dapat sa noo siya nakahawak. Hindi na ako ng salita as I intend to go away from him.

But may bumangga sa likod ko, kaya imbis papalayo, I was drawn closer to this boy.

Our faces are too close I could smell his breath. Amoy mouthwash, ang bango.

Kumabog ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit ng aming mga mukha.

Gusto ko na buksan ang mga mata ko but I cannot betray Jason. Sabi niya we have to win the prize. 5k kaya. Tama siya sayang naman ang 5k.

So I step to the right, but doon din pala siya nag-step.
To left naman ako, nag-step din siya same direction.

Gusto ko ng magsalita at sabihing sige mauna ka na but bawal.

"Eve." Sambit niya.

Natunaw ako sa lalim ng voice niya. Ang sarap sa tainga. Familiar sa akin ang base na voice na ito. Si Jungkook?

Siya nga ba ito? Mas lalo akong kinabahan. Nakuryente ako at parang hihimatayin.

I have to compose myself. Si Jason ang nakatakda kong pair.

But ang puso ko nag proprotest, sumisigaw, pwede ikaw na lang Jungkook?

Parang ayaw ko na tuloy humakbang palayo. But sa lakas ng heartbeat ko parang hindi na ako makatiis. Bubuksan ko na sana ang mga mata ko, pero biglang sumigaw at nag announce ang emcee na meron ng winner.

Sure na hindi kami yun. We lose!

So I opened my eyes immediately. Tama nga ako si Jungkook nga itong nasa harap ko.

Nagkatinginan lang kami and parang tumigil sandali ang mundo ko.

Habang sumisigaw sa victory ang couple na nanalo ng 5k. Sumisigaw naman ang puso ko ng yehey!

Feeling winner ako coz we ended up with each other.

We both smiled our sweetest smile.


Hanggang Kailan? (BTS Jungkook Fanfic - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon