Present time
Binaybay namin ang daan ng Malaybalay Bukidnon. Nakita ko na sa wakas ang bus nila. Nag overtake yung bus namin sa bus nila.Parang tumaas ang leeg ko sa pagsisikap kong masilayan man lang siya kahit sandali.
Limang segundo lang nakita ko siya pero enough for me to feel very happy. I don't know what she is thinking. Pero mukhang malayo ang tingin niya at malalim ang iniisip.
Ako kaya iniisip niya. Wish ko lang. Kung pwede lang lumipat ng ibang bus. Hindi ako nakatiis. Nag text ako sa kanya.
Me:
Hi.Marielle:
High🤨Me:
Not that. I mean Hello!Marielle:
Hel-Low 😏Tumawa ako ng malakas. I know nagbibiro na naman siya. Nakalimutan ko marami pa lang ibang tao sa bus. Tumingin sila akin.
Kinuha ng kuya ko yung cellphone trying ko sneak at my texts.. but I tried to resist and nag agawan kami hanggang tumilapon ang cell ko and sa kasamaang palad nasira ito.
Grrrr... nainis ako sa kuya ko. He promised to buy me a new one and latest model pa.
Iniisip ko yung mga texts niya na hindi ko binubura. So I just tried to reminisce our past.
*******
Memories ni Jungkook nung grade 8 (two years ago)Naalala ko nung hinawakan ko ng matagal ang kamay niya matapos nagkaaccident sa practice. Napakasoft. Hindi din naman siya umalma that I held it for long.
Bigla akong naging conceited. Inisip ko baka mutual ang feelings namin. Nag assume ako, baka may gusto rin siya sa akin. Kaya naisipan kong itest if she liked me.
I thought if she liked me, what I say would matter to her. So I told her I liked women with callous hands dahil ibig sabihin masipag sa gawaing bahay.
On monday her hands were wounded. Naawa ako dahil mukhang mahapdi and fresh pa tingnan. But she was showing off her hands as if she didn't feel any pain and was proud of it.
I was happy then, I felt like sinadya niyang maglaba using bare hands dahil sinabi ko sa kanya na gusto ko ang babaeng may magaspang na kamay.
Naconfirm ko she liked me too. I guess we have mutual understanding. I held her hand and wrote "I love you" on her palm using my index finger.
But na distract yung moment na yun when Dexter rebuked us saying "Quit you talking lovebirds!"
If he said lovebirds, ibig sabihin kahit sa ibang tao obvious that we have feelings for each other. Mas lalo ako nagkalakas loob.
Hindi ako sure if na gets niya yung message ko. Pero parang natigilan siya. I didn't know kung anong nasa isip niya. Bigla siyang nailang sa akin. Simula noon iniiwasan na niya ako.
Nagsisi ako kung bakit ko yun ginawa. Am I losing her?
Na miss ko na siya. One week na siyang umiiwas sa akin.I decided I need to tell her my true feelings. I can't hide my feelings any longer.
I thought, siguro if I make things clear between us magiging clearer yung status namin which is complicated as of that time.
I liked her. I wanted her to be my gf. I am willing to wait if she is not yet ready. But I have to tell her.
So I went to their house saturday evening at nagpakalalaki. I even brought flowers with me. Nilakasan ko na loob ko. I respect her so much that I believed I needed to confess sa bahay nila.
But habang pinapark ko yung bike ko sa may gate nila. Nakita ko father niya and siya naglalambingan sa may terrace ng bahay nila.
Hindi ko makakalimutan ang conversation nila.
She asked him. "Kailan ako pwede mag bf?"
Nag eavesdrop ako dahil interesting yung topic. Gusto ko rin malaman ang opinion ng papa niya.
He said "Since 16 kami nag start ng mama mo so well it's fine with me kahit 16 ka mag bf."
That's just 2 years from now. I thought, well ok lang.. maiksi lang ang 2 years. I can wait.
"Meron ka ba ideal type of boy for me?" She asked again.
Her father answered. "Wala naman masyado.. kung sinong gusto mo. Basta God's will yun. Ok na ako kahit mukha siyang tipaklong!"
Nagtawanan sila. Naisip ko cool ang dad niya. Dun siya nagmana.
"Pero siyempre hindi pwede yung bf-bf na hindi itutuloy sa simbahan. Kailangan yung first mo. Siya na yung last. Just like kami ng mama mo."
Naisip ko gusto ko rin yan.. dahil wala na akong ibang naimagine na gustong makasama habang buhay.
"So dahil yung bf mo ay magiging manugang ko. Dapat galing sa marangal na pamilya. Di bale na mahirap basta hindi criminal tulad ng druglord!"
DRUGLORD. Naecho sa tenga ko yung sinabi ng papa niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Narinig ko ang litanya niya sa reasons bakit galit siya sa mga druglords at kung gaano niya sinusuportahan ang drug war ni pangulong Duterte.
Masyado siyang fired up and full of passion habang pinupuna ang mga addicts at mga druglords.
Umatras ako at nagbisekleta papalayo. Nag bike lang and wandering ng hindi alam saan papunta.
Kahit anong try kong maging mabuti to be worthy of Marielle... hindi pa rin ako pasado... dahil anak ako ng druglord.
Hindi ko napigilang umiyak at nagalit sa daddy ko.
I shouted sa isang vacant lot.
"Anak ako ng druglord!!!"
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan? (BTS Jungkook Fanfic - COMPLETED)
RomanceCan an unspoken love turn into a love story? Hanggang kailan mo pwedeng itago ang feelings mo? Story of Jungkook and Marielle.