Kabanata 2

61 9 0
                                    

Second Wish

Agad akong bumangon at pinatay ang alarm clock ko. Day off ko kasi kaya sa bahay lang ako ngayon.

Humikab pa muna ako bago inayos ang higaan ko at lumabas na sa aking kwarto. Naalala ko pa 'yung ginawa namin ni Raz last week! First time niya palang magwish na may kasamang babae! Uminit ang aking pisngi nang maalala ang pangyayaring iyon!

Tumunog naman ang cellphone ko kaya sinagot ko naman ang tawag ni Raz. He asked for my number kaya binigay ko na lang. I think it's the best way for us to get to know each other.

"Hello?" Bungad ko sa kaniya.

"Hey, I wanna be with you today. I miss you.." Aniya.

Tama ba ang narinig ko? I should stop over thinking! Walang malisya iyon pero bakit iba ang epekto nito sa akin?

"You wanna go out?"

"Wala akong pera.." Sagot ko naman. Tumawa naman siya.

Darn! I must admit that I like his laugh. Nababaliw na ako! What if I'm just infatuated?

"My treat. I just need your yes..." Parang batang nagmamakaawa.

"Ayoko nga..." Biro ko naman. Hindi man lang siya nag-react.

"Viyah.." His husky voice filled my ears.

Natigilan ako. Napapikit ako nang maramdaman ang mga mumunting paruparo na nagsilabasan sa aking tiyan. Para bang tumakbo ako ng mahigit isang kilometro dahil sa bilis ng tibok na aking puso. I'm damn crazy. This is wrong.

"Fine. What time?"

"Uh probably... 9 o'clock?" Aniya.

"Okay.." Sabi ko at binabaan na siya.

Tinignan ko ang orange na wall clock at alas sais pa lang naman ng umaga.
Napatalon naman ako sa gulat nang makasalubong ko si mama.

"Oh siya ba 'yung sinasabi mong nagligtas sa'yo?" Tanong ni mama.

Tumango naman ako.

"Nobyo mo na ba siya?" Tanong niya ulit.

"Ma! Kakilala ko pa lang sa tao!Tss..." Sagot ko at pumunta na sa kusina at nagtimpla ng gatas.

Hindi kasi ako sanay uminom ng kape pero mahilig ako sa softdrinks at junk foods kahit sinabihan na ako ni mama na masama sa kalusugan ay pinagpapatuloy ko pa din. Masarap kasi e.

Sinundan naman ako ni mama sa kusina at pinagtaasan ako ng kilay.

"Mag boyfriend ka naman anak. Anong trip mo sa buhay 'yung tumandang dalaga?" Si mama.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ma, may pinag-aaral pa akong kapatid. Wala pa sa isip ko ang makipagrelasyon.." Sabi ko naman.

Napabuntong hininga na lang si mama. Ngumiti naman ako para ipakita sa kaniya na okay lang ako.

"Pasensya na hah anak, hindi naman kasi sapat 'yung paglalabada ko para tustosan ang pag-aaral ng mga kapatid mo. Dahil sa mga pagkukulang ko e pati mga kagustuhan mo e di mo makuha..." Ani mama.

Ininom ko muna ang gatas ko bago ko siya nilapitan at hinawakan sa balikat.

I want to scream and shout that she's the best mother ever. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging masaya sa kabila ng pag iwan sa amin ni papa.

Mahirap kalimutan ang taong minahal mo ng husto pero iniwan ka lang dahil hindi ganoon katindi ang pagmamahal niya sa iyo.

"Ma, okay lang ako. Wala naman akong gustong bilhin e," Saad ko naman at niyakap siya bago pumunta sa sala at naglinis.

Last WishWhere stories live. Discover now